Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Payong Pag-ibig: Huwag Mag-assume (Case 143-03)

never assume unless stated otherwise

May naisulat na akong ganitong klase ng blog dati: Love Advice: Linawin ang Malabo (Case 143-01) at Love Advice: Huwag magsabi ng “I love you” agad (Case 143-02).

Dahil tagalog naman ang blog ko, gagawin ko itong Payong Pag-ibig series. Dito ko ilalagay ang mga tanong ng mga taong nagpadala ng email sa akin (iamdoctoreamer@gmail.com).

Pinadalang mensahe (copy paste from my email):

natatawa ako habang nag tatype ako.. first time ko kase gumanito.. di ko alam kung matuturing na problema ba sa pag ibig ang isasangguni ko sayo. meron akong kasamahan sa programa ng aking trabaho, ngunit siya ay naka assign sa ibang lugar, sa makatuwid, hindi kami magkasama sa iisang lugar lamang, ngunit kapag may mga kailangan ako, pumupunta sya sa aming opisina para tulungan ako sa aking trabaho. araw araw kameng nag uusap sa telepono,minsan nga ay sinabi pa ng isang mutual acquintance na kinakamusta daw ako nito.. dahil sa maalalahanin naman siya, at may taglay na ugaling nakalulugod sa Diyos,pakiramdam ko ay nahuhulog na ako sa kanya.ano ang dapat kong gawin para malaman kung mutual ba ang feelings namin o baka naman assuming lang ako.

Sagot ko:

Ito ay ikinonsulta ko sa mga opisyales ng Philippine Single Association (PSA). Hindi ko kasi sigurado kung ang nagpadala ng mensahe ay lalaki o babae. Sabi ng PSA, babae daw. Kaya ang sagot ko ay sa konstekstong babae ang humihingi ng payo.

Maraming salamat sa pagsangguni sa akin. Maraming salamat sa tiwala. LOL! First time mo talaga? Haha! Pag-isipan mo din ang mga ito:

1. Ikaw lang ba ang kinakamusta niya doon sa mutual acquaintance ninyo?
2. Matagal mo na ba siyang kakilala?
3. Handa ka ba sa isang LDR? (Sabi mo kasi malayo kayo sa isa’t isa)

Anyway, mahirap malaman kung mutual ang feelings kung hindi naman niya sinasabi. Sabi nga nila, “Never assume unless otherwise stated.” Dahil babae ka, be careful. Baka maging vulnerable ka. Kung ako sa iyo, hihintayin ko siyang magtapat o manligaw.

Basahin mo itong tula ng isang co-blogger ko, “A Single Girl’s Note to God”.

EXCERPT

I don’t want to seem like I’m desperate and all

But really, what I ask is a favor that’s small

So dear Lord, please do hear my plea

There something I want to ask of Thee…

…Kung hindi ngayon, kailan? Kung hindi siya, sino?

Malapit nang lumagpas sa kalendaryo ang age ko.

Lord, please, sige na, ‘wag na nating patagalin!

Ay, joke lang, ikaw naman ang magaling sa timing.

Read the whole poem here.

***

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Click here for Ads Prices

Advertisements

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on December 11, 2015 by in Advices and tagged , , , , , .
%d bloggers like this: