Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Story of Evolution: Boy Labo to Boy Linaw to Boy Ligaw to Boy Friend

boylabo_ok

Hindi ako naniniwala sa Theory of Evolution. Naniniwala ako sa Theory of Creation. Aba ikaw ba, papayag ka na kamag-anak mo ang mga unggoy? Ako hindi. ๐Ÿ™‚ Naniniwala ako na “I am fearfully and wonderfully made” (Psalm 139:14).

Pero ang gusto kong ibahagi ngayon ay patungkol sa kakaibang ebolusyon. ๐Ÿ™‚

Unahin natin si Boy Labo.

Sila ang mga lalaking @#$%^&*(f3Y5k8<?k%GDjdmjf797&*$!ย Naintindihan mo ba? Malabo diba? ๐Ÿ™‚ Ganyan daw talaga sila. Mahirap maintindihan dahil sila mismo hindi maintindihan ang sarili nilang damdamin. Ano daw!ย Sila ang mga patext-text. Pacute-cute. Paunting charm. Minsan may padalaw effect. May pasundo-sundo din. Pahatid-hatid pa. Puro paramdam. Pero wala. Wala lang daw iyon. Ganoon daw talaga sila. Malabo. Madalas tuloy nakakasakit sila ng damdamin ng mga babaeng umasa at nag-assume sa kanilang kalabuan.

Ang hindi malinawย sa akin ay kung bakit dumadami ang mga Boy Labo sa mundo? Hindi naman sila nanganganak. ๐Ÿ™‚

Paano nag-evolve si Boy Labo papuntang Boy Linaw?

Nagkaroon siya ng tinatawag kong reflection time. ๐Ÿ™‚ Nagmuni-muni siya sa isang tahimik na lugar. Maaring umakyat muna siya ng bundok o nagpunta sa isang payapang lugar. Sa mga panahong siya ay mag-isa, nilinaw niya sa kanyang sarili ang bawat bagay na dapat bigyan ng linaw. Tinanong niya ang sarili:

  • May nararamdaman na ba ako sa kanya?
  • Is this feeling more than a crush?
  • Or is it merely an admiration?
  • Kaya ko bang maging responsable kung magtatapat na ako sa kanya?
  • Paano kung hindi pa siya handa na ligawan at gusto niya lang na maging kaibigan lang ako?
  • Magiging kalugod-lugod ba sa paningin ng Diyos at saย mga taong nakapaligid sa amin ang gagawin kong ito?

Hindi malalaman ni Boy Labo ang mga kasagutan sa kanyang mga katanunganย kung hindi siya magkakaroon ng lakas ng loob na magtapat at tanggapin kung ano man ang kahihinatnan nito.ย Madalas, hihingi muna siya ng payo sa mga malalapit na kaibigan o sa mga taong pinagkakatiwalaan niya o sa kanyang mgaย life coaches.

Saglit lang ang panahon ni Boy Linaw dahil madalas pagkatapos linawin ang lahat siya ay magiging Boy Ligaw na. Ideal case iyan.ย Worst case ay kapag si Boy Linaw ay magiging Boy Babay. Rejected. Bye. Ouch! ๐Ÿ™‚

Hindi ko alam kung gaano katagal siya na magiging Boy Ligaw. Pero isa ito sa parte ng buhay niya na pinakamasaya. Para siyang isang prinisipe na may gustong protektahang prinsesa. Ang mahalaga sa kanya ay maiparamdam sa prinsesa kung gaano siya kahalaga at ka-espesyal.

Paano mo malalaman na nag-evolve na si Boy Ligaw papuntang Boy Friend? Simple lang. Nagpapalit siya ng kanyang facebook status. ๐Ÿ™‚ Kapag tiningnanย mo siya, masasabi mo na bloomingย siya. Mataba ang kanyang puso. Busog sa pagmamahal. Hiritan mo ng cheese burger at sigurado ililibre ka niya. Sa bahagi ng kanyang buhay na ito, hindi na siya dapat umasta na isang boy. He must act like a man.

Ikaw? Saan ka na sa ebolusyong ito? Akyat na sa bundok! ๐Ÿ™‚ Puwede din namang bisitahin mo ang magagandang bayan at tanawin sa Laguna at doon magkaroon ng reflection time. Puntahan ang website ni Boy Laguna: www.biyahenglaguna.comย ๐Ÿ™‚

Para sa isang co-blogger na nagbahagi ng kuwento niya kay Boy Labo, congratulations dahil si Boy Labo ay si Boy Friend niya na ngayon ๐Ÿ™‚ God bless sa relationship niyo. More power! ๐Ÿ™‚

Para sa mas malinaw na usapan, sumangguni kay Doctor Eamer. ๐Ÿ™‚

Photo Credits (here)

Advertisements

38 comments on “Story of Evolution: Boy Labo to Boy Linaw to Boy Ligaw to Boy Friend

  1. Book Of Brando
    September 3, 2015

    #Relate
    HAHA ๐Ÿ™‚

    Liked by 1 person

  2. Clauie Belle
    September 2, 2015

    Binasa ko sya ulet. Hahaha nasa ganyang season ata ang mga kaibigan ko. Ang dami nilang na kay BoyLabo stage. ๐Ÿ˜‚

    Liked by 1 person

  3. Cassiopeia
    July 7, 2015

    Minsan, kapag Boy Friend na, bumabalik sa cycle ng Boy Labo. Boy Labong-labo. At di mo na alam kung kelan lilinaw ulit.

    Liked by 1 person

  4. Pluma
    February 4, 2015

    Ehem. Ikaw Doc, parang laging blooming! Haha

    Liked by 1 person

  5. Katerina
    February 4, 2015

    Nice one Doc! Nakakaengganyo itong post na ‘to! Gusto ko ang mga naibahagi mo. ๐Ÿ™‚

    Liked by 1 person

  6. Jordana Mari
    February 4, 2015

    Applicable din naman to sa mga babae, hahaha.

    Liked by 1 person

  7. ruthzerahibay
    February 4, 2015

    Ate Katerina! sabi na e. pamilyar ang kwentong ito. hehe

    Liked by 1 person

  8. mmvillancio
    February 3, 2015

    hahaha (speechless) XD

    Liked by 1 person

  9. Mia
    February 3, 2015

    Hahaha ang cute ng post na to! Natawa ako! Ang galing mo talaga, Joseph! ๐Ÿ™‚

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      February 3, 2015

      Salamat Ate Mia! Ikaw talaga ang #2 fan ko.hehe Kung ganyan lagi mga comments mo na nakakataba ng puso, eh di mas gagalingan ko pa next time.hehe Salamat po ๐Ÿ™‚

      Liked by 1 person

      • Mia
        February 9, 2015

        You’re welcome! Go lang ng go!

        Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on February 3, 2015 by in Courtship & Dating, Kaguwapuhan & Kagandahan and tagged , , , , , .
%d bloggers like this: