Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

That Thing Called “MU (Mutual Understanding o Maling Ugnayan)”

finger

Ito ang simula ng aking #SundaySeries. Ngayong buwan ng Hulyo, tuwing Linggo, magkakaroon ako ng isang blog topic na series. Ang una kong napili ay ang ‘That Thing Called’. Hindi dahil napanood ko ang ‘That Thing Called Tadhana’ kundi may mga bagay-bagay kasi na dapat nating malaman o bigyan ng linaw.

Ano nga ba ang MU?

Mutual Understanding. Maling Ugnayan. Malanding Ugnayan. Madalas Umaasa. Mis-Understanding.

Madami na sa mga kabataan ngayon ang sanay na ganitong uri ng relasyon. Parang sila pero hindi sila. Umaakto na para silang mag-BF-GF pero hindi naman sila. Ano iyon? Lokohan? Para kung hindi sila maging okey or magkaroon bigla ng conflict, walang masyadong masasaktan?

Hindi naman naging tayo. Anong karapatan kong masaktan? Ang mga taong ganyan, sila ang mga walang sense of commitment. Takot silang mag-commit kaya tama na ang MU na lang. Madaming mga lalaki ang pabor sa ganyan. Pero ang mga babae ang madalas nawawasak ang puso. Malabo iyan. Linawin ninyo!

Anyway, short introduction lang ang gusto ko. Ang nais ko kasing i-highlight dito ay about courtship or ligawan. Pinanood sa amin ang video na ito sa isang LIFE group session namin. THIS IS A MUST WATCH VIDEO!

Para sa ating mga single. Nasa relationship. Nagbabalak pumasok sa relasyon. Nasa kumplikadong relationship. Nasa malabong relationship. Para sa inyo ito!

Ito ang ilan sa mga one-liner na nakuha ko sa video:

1. We need to elevate manhood to where it should be.

2. It is important for a young man to be ready for marriage.

3. The level of your preparation determines the level of your success.

4. Find someone who shares your faith.

5. Courtship starts when a male or a guy sees a person of interest.

6. When you court someone, you’re actually saying “I value you so much that I’m making my intentions very clear to you.”

7. A successful courtship doesn’t necessarily mean a successful marriage.

8. A real man stands on his faith.

9. Malaking tulong sa mga babae (at lalaki) na mayroon silang listahan ng gusto nilang mapangasawa.

Ang mga taong nagsalita sa video ay sina Marie de Jesus (Radio Counselor) Anne de Jesus-Ardina (Director Youth Studies Alliance Graduate School) at Dennis Sy (Founder, Act Like a Man). Kasama din ang host na si Pastor Leo Carlo Panlilio.

Nabanggit din ni Ptr. Dennis Sy na dapat prepared tayo sa iba’t ibang aspeto ng ating buhay.

Physical preparation – Mag-ayos ayos din. Be well groomed.

Emotional preparation – Ang heart ko ba handa nang umibig? Nagbabago ba lagi isip ko? Ngayon ito ang gusto ko, the next day iba na naman.

Financial preparation – Magde-date ka, kanino ka hihingi ng pera? Habang bata pa, mag-ipon na. Build your financial portfolio.

May mga interview din sa iba’t ibang tao. Ito ang ilan sa mga tinanong:

  • Paano ba ang ligawan noon at ngayon?
  • Have you been/are you in a relationship?
  • Paano ka dumiskarte?
  • Paano mo gustong ligawan?
  • Ano ang tips at advice mo sa mga bago palang papasok sa isang relasyon?

Photo Credit (here)


Abangan ninyo next Sunday ang isa na namang ‘That Thing Called’ 🙂

Have a great week ahead!

Feel free to LIKE and SHARE Doctor Eamer’s Facebook Page 🙂

Advertisements

9 comments on “That Thing Called “MU (Mutual Understanding o Maling Ugnayan)”

  1. weerdiffident
    September 26, 2015

    Find someone who shares your faith. Amen 🙂 (Pero bilang isang babae, dapat po bang mag hanap? Kasi po ako po nag hihintay sa God’s timing.) Hahaha. God bless po. 🙂

    Liked by 2 people

    • Doctor Eamer
      September 26, 2015

      Hehehe! Fight a good fight of wait. 😉

      Liked by 3 people

      • weerdiffident
        September 26, 2015

        Super amen po dyan. 🙂 May iba pong hindi nakakaintindi ng paghihintay. Ang damjng nagsasabi na tatanda daw po akong dalaga. HAHAHA. Pero naghihintay lang po ako sa kalooban at timing ng Lord. God bless po.

        Liked by 1 person

  2. Smiley25
    September 8, 2015

    Reblogged this on and commented:
    MU Mga umaaasa haha!
    Re-blog by Doc!

    Like

  3. Sarah Tan
    July 9, 2015

    I like that you mention – build your financial portfolio. It does take quite a lot of money to court a girl.

    Liked by 1 person

  4. Arriane
    July 7, 2015

    Pwede ding… Magulong Usapan lol
    Great post anyway 🙂 medyo nakarelate ako haha

    Liked by 1 person

  5. lagingligaw
    July 5, 2015

    MU- Madalas Umaasa
    Sapul! Haha!

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: