Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Love Advice: Linawin ang Malabo (Case 143-01)

case143-01_ok

May isang babaeng young professional na nagtatrabaho sa isang malaking network company (hulaan mo na lang kung sa SMART o GLOBE) ang nagbigay ng mensahe kay Doctor Eamer sa kanyang email na iamdoctoreamer@gmail.com.

***

Dear Doctor Eamer,

Mahigit dalawang taon na siyang nanliligaw sa akin pero hindi ko alam na panliligaw na pala iyon dahil wala naman siyang sinasabi. Dalawang beses na kaming nag-date pero noong mga panahon na iyon ay wala pa akong nararamdaman para sa kanya. Nagsasabi siya sa akin ng personal niyang problema. Nagbibigay naman ako ng payo bilang kaibigan niya.

Noong isang beses na kaarawan ko, tumawag siya sa phone ko. Kinantahan niya ako. Pero kamakailan lang niya sinabi na bahagi pala iyon ng panliligaw niya. Wala talaga kong ideya na panliligaw na pala iyon. Protective din siya sa akin. Madalas siya mag-text na huwag akong magpagabi sa trabaho. Akala ko sweet lang talaga siya dahil magkaibigan kami.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin. Sa totoo lang, I’m falling in love with him. Nagulat ako na sinabi niyang matagal na siyang nanliligaw. Naiisip ko ngayon na kung sakaling sagutin ko siya, mas magiging maayos ba ang lahat para sa aming dalawa? Naiisip ko din kasi na kung maging magkaibigan lang kami, wala akong dahilan para magselos kapag may kausap o kasama siyang ibang babae. Kilala ako sa pamilya niya. Kilala din siya ng pamilya ko.

Ano po ang dapat kong gawin? Sobrang nalilito po ako.

– Sarah (hindi niya totoong pangalan)

***

Hello there Sarah!

Nanliligaw siya sa loob ng dalawang taon nang palihim? Tapos ang nililigawan ay walang alam? Hindi pangliligaw ang tawag doon kundi “fishing“. Nakikiramdam siya kung kakagat ka sa bitag.

Maganda naman talagang simula na magkaibigan kayong dalawa. Pero hindi ako sang-ayon na panliligaw iyon. Ang totoong nanliligaw ay dapat nagsasabi ng kanyang intensyon nang malinaw. Pasabi na lang sa kanya na linawin ang kanyang kalabuan. Sabihin mo na basahin niya ang blog ko na Boy Labo to Boy Linaw to Boy Ligaw to Boy Friend.

Puwede naman na maging kayo dahil single ka at wala ka namang “commitment”  sa iba, at kung ganoon din naman siya. Pero dahil sa sinabi mo na naisip mo na kung magkaibigan (lang) kayo ay wala kang dahilan para magselos, ang aking kongklusyon ay takot ka pang pumasok sa isang relasyon. Sa oras na pumasok ka sa isang relasyon ay dapat handa kang magtiwala. Kung may makakausap man siyang ibang babae sa opisina o sa mga barkada niya, dapat may tiwala ka sa kanya na hindi ka niya pagtataksilan. Kaya nga bago mo siya payagan na manligaw sa iyo, dapat kahit papaano ay siyasatin mo siya. Do some background check. Alamin mo sa mga kaibigan niya kung maayos na lalaki talaga siya. Observe. Huwag kang masyado kiligin kung sweet siya sa iyo kapag magkasama kayo. Paano kung hindi ka na niya kasama? Ano kaya ang mga ginagawa niya?

One more indication that a person is really sincere in courting you is to let your parents know.  Ang sincerity hindi dapat hinahanap pa iyan. Dapat from the start visible na iyan. Dapat madaling makita at mapansin.

Once a friendship crosses the line to romance, there is no going back no matter how special the friendship is. Don’t base your decision on your emotions.

Kapag pinayagan mo siyang manligaw, hindi naman kailangang mawala ang pagkakaibigan ninyo (iyon ang ikinatatakot mong mawala ‘di ba?). Maganda nga kapag nagsimula kayo na magkaibigan kasi may magandang saligan na kayo. Kung opisyal na siyang nanliligaw sa iyo, may pagkakataon kang siyasatin kung posibleng maging asawa mo na siya. Asawa agad? Oo naman. Sana iyon na ang hangarin mo kung papasok ka sa isang relasyon. Wala naman sigurong taong may layunin na kapag pumasok sa isang relasyon ay makipaghiwalay din ‘di ba? Para saan pa ang forever kung hindi din kayo ang magkakatuluyan? Kaya huwag mo agad sagutin. Kilalanin mo talaga. Kung may mga ugali siyang hindi maganda, sa courtship process mo magandang sabihin iyon at tingnan mo kung mababago niya iyon o handa ba talaga siyang baguhin iyon para sa iyo?

Ang dami ko nang sinabi pero huli na talaga ito. Bago ka pumasok sa ganyang romantikong relasyon, natanong mo na ba ang sarili mo kung handa ka na ba talaga? Sabi ng pinakasikat na libro: Love is patient and love is kind. Kaya naman you will need a lot of patience and kindness, and a lot more to love an imperfect person like you. If you are not connected to the source of love, mauubusan ka rin. Masasabi mo bang naranasan mo na ang unconditional love ni God para sa’yo? As the saying goes, you cannot give what you do not have. Nawa ay marasan mo ang siksik, liglig at umaapaw na pagmamahal ng ating Diyos.

Basahin mo din pala ang latest blog ko na Payo para sa mga Taong Umibig, Umiibig at Iibig Pa. 🙂

Ikakalugod ko kung babalitaan mo ako sa susunod na kabanata ninyo ni kuyang malabo pero naging malinaw na. 🙂

Ang kasagutan ko sa iyong tanong ay isinangguni ko sa mga kasamahan kong bloggers sa FB group na Purpose Driven Bloggers. Pinagsama-sama ko lang ang aming mungkahi.

Nagmamahal (Nagmahal na din at Magmamahal pa),

Doctor Eamer

***

Sa mga taong nais sumangguni at magtanong, just contact the doctor here.

PS: Ang larawan ay selfie ni Doctor Eamer noong nagpunta sila sa Cagbalete, Island sa Mauban, Quezon. ❤

Advertisements

32 comments on “Love Advice: Linawin ang Malabo (Case 143-01)

  1. Pingback: 5 Ways to Love Yourself Before Loving Others | Filipino Portal in Canada

  2. signorinamelrice
    September 28, 2015

    Ganda ng selfie mo doc. I really had to scroll up again when you mentioned sa may last part ng post mo na selfie mo yun. 😀

    Di nako masusurpresa sa galling mong mag payo. Haha

    Liked by 1 person

  3. Aby
    March 30, 2015

    kakaiba nmn un yun 2 years nanliligaw pero hnd pinapaalam.. Hehe pag may intensyon sbhn agad hehe.. Good luck kay sarah! Kaya nya yan.. Think twice bago magdesisyon. Hehe

    Like

  4. theresa
    March 27, 2015

    I guess there are just some people who are so dense or perhaps they pretend to be one. I still can’t believe that there are people who don’t have a tiny hint of what’s going on for 2 yrs.

    Like

  5. maria
    March 27, 2015

    Mahirap mag-assume. If you can ask ano ba talaga –one should do it para magkaliwanagan.

    Like

  6. Melgie
    March 26, 2015

    Super Havey yung advice mo! For Sarah naman, it take easy lang muna and timbangin kong handa kana ba or siya to move on to the next level. Maganda nyan friends kasi kayo which is really good kasi may strong foundation yung relationship nyo. Basta whatever makes you happy, go for it. Baka kasi magsisi ka if you didn’t let your feelings out for him.
    http://www.wish4less.com

    Liked by 1 person

  7. marichu
    March 26, 2015

    wow, two years na kaying nakikiramdam sa isat isa ha..baka better na friends lang kau? ewan ko, feling ko sa ganyang katagal na ligawan na walang malinaw, d pa kau talaga committe to enter into a relationship..

    Like

  8. Melgie
    March 26, 2015

    Ang labo nga naman kasi yung guy hindi naman pala nililinaw ang instensyon sayo. At mas matindi hindi mo pa alam at ngayon your fall in-love.. Shaks naman! kaka kilig! and wish you all the best. Stay in-love!
    http://www.sweetcuisinera.com

    Like

  9. Mommy Maye
    March 24, 2015

    Actually, may advantage na naging friends muna sila. But the thing is ready ba sya harapin yun consequences once nagdecide sila to go up to the next level as lovers. Ibang iba kasi kung friends lang kayo. I have been there… Masasabi ko lang if you think the love you will is worth the friendship you will give up then go. Kasi when the relationship didn’t work, there’s a greater possibility that you will lose the friendship after. Fight for what you feel para in end you will have no regrets 🙂

    Liked by 1 person

  10. Chin chin
    March 23, 2015

    Dapat talaga malinaw ang intensyon kung manliligaw and I definitey agree that the guy should let the parents know. That’s how the guy shows his sincerity and respect for the girl and her parents. Sarap naman pakinggan ang mga payo mo. The youth should read your blog, Doc Eamer.

    Liked by 1 person

  11. Dominique Goh
    March 23, 2015

    it’s a different ball game between just friends and starting a relationship with a guy. It certainly needs one to be fully aware of each others status and if the guy is not willing to introduce you to his friends, family and relatives it is certainly a big red flag that he will be taking you for a ride.

    Liked by 1 person

  12. ceemee
    March 22, 2015

    I really like it when you point the situation to God. It’s true that we cannot give what we don’t have and He’s the source of love. We must be complete in Him and cannot expect others to complete us, we’ll just be disappointed.

    Liked by 1 person

  13. Mahirap mag-assume so it is really better to ask para mas malinaw ang lahat.

    Liked by 1 person

  14. Nilyn Matugas
    March 21, 2015

    Meron laging line ang friendship and lovers para sakin. At karamihan sa mga babae, makakadetect kung meron ng “fishy” na nangyayari. Pag ganyan, ang mga babae, dapat maging matapang sa pag confront sa lalaki kung ano ba talaga status nila. Tama si Dr. Eamer, di naman masisira ang friendship e. 😀

    Liked by 1 person

  15. melancholicbutterfly
    March 17, 2015

    Naku guys talaga. Laging fishing, tas yung girls tuloy laging nagiging assuming or kaya manhid kasi walang clarity sa intentions. Chos! 😛

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      March 17, 2015

      Siguro mali yung pakirinig nila sa “Come, follow me and I will make you fishers of men.” hehe ang nagregister sa kanila ay ” Come and make fishing.hehe

      Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on March 17, 2015 by in Love & Relationship and tagged , , , , , , , .
%d bloggers like this: