Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Ang Pagbangon (A Poem of Moving On)

runner with no legs

Sabi ko noon, ayoko na.
Sabi ko noon, hindi ko na kaya.
Sabi ko noon, wala nang saysay ang buhay.
Sabi ko noon, mabuti pa ang mamatay na lamang.

Sinabi ko ang mga iyon dahil ako ay nasaktan.
Ako ay niloko.
Ako ay ipinagpalit.
Ako ay iniwan.

Masakit? Oo, sobra.

Tanda mo ba ang pakiramdam noong tinuturukan ka ng karayom habang binabakunahan?
Tanda mo ba ang pakiramdam noong una mong narasanang mabunutan ng bagang?
Tanda mo ba ang pakiramdam noong nagkaroon ka ng singaw sa dila?
TandaΒ mo ba ang pakiramdam noong pinulikat ang iyong mga daliri sa paa?

Mas masakit pa doon.

Sakit na hindi ko maipaliwanag.
Sakit na tila hindi na maghihilom.
Sakit na ang tanging alam kong lunas ay siya lamang.
Sakit na siya din naman ang dahilan.

Pero pinilit kong magsimulang muli.
Sinubukan kong bumangon.
Nagkaroon ako ng kaunting pag-asa.
At hinarap ang panibagong bukas.

Mahirap? Oo, pero posible.

Posible palang patawarin ang isang taong tila sinira ang buong buhay mo.
Posible palang kalimutan ang mga mapapait na alaalang bumabalot sa iyong nakaraan.
Posible palang magkaroon muli ng kahulugan ang iyong buhay.
Posible pa lang ipaubaya at isuko ang lahat sa Diyos.

Hindi ko namalayan ang paglipas ng mga oras, araw, linggo, buwan at taon.
Naging abala ako sa mga makabuluhang mga bagay.
Nagulat na lang ako nang isang araw,
Wala na ang kirot, sakit, galit at lungkot na aking nararamdaman.

Hindi biglaan ang pagbangon na aking naranasan.
Hindi naman agad nagiging puno ang isang butong itinanim diba?
Pero nagsimula ang lahat sa isang personal na desisyon.
Desisyon na bumangon.

***

Bangon na! Tanghali na! Late ka na naman sa work mo! πŸ™‚

Ito ay pawang isang tula lamang. Walang halong hugot ito. Ito ay inaalay ko sa mga taong broken-hearted at gustong bumangon. Kung kailangan mo ng karamay, narito kaming mga kasapi ng Philippine Single Association (PSA). Iba’t ibang kuwento ang mayroon ang bawat isa. May umibig. May nasaktan. May bumangon. May natulog. May NBSB. May sawi. May lihim na pagtingin. May talent. May skills. May aso. May pusa. May buwaya. May ako. May ikaw.

PS: Hindi ko naisama ang sound cloud ko para sa tulang ito. Hindi pa kasi ako nakapagrecording. Soon. #Abangan πŸ™‚

Updated (Dec. 29, 2015):

***

Kamusta na kaya ang mga nasalanta ng Bagyong Yolanda? Naalala ko lang sila bigla. See? Walang wala ang problemang pag-ibig mo kumpara sa naranasan ng mga kababayan natin. Kaya huwag masyadong magdrama! Move on din ‘pag may time! πŸ™‚

Advertisements

34 comments on “Ang Pagbangon (A Poem of Moving On)

  1. 94elly
    December 5, 2015

    yes naman! di pahuli ang lahat.. πŸ™‚

    Liked by 1 person

  2. signorinamelrice
    November 14, 2015

    Hahha. I-feature mo ako sa recording mo doc. πŸ˜€

    Liked by 1 person

  3. signorinamelrice
    November 14, 2015

    Idol ko si Julie, doc. πŸ˜€

    Liked by 1 person

  4. JAP
    November 14, 2015

    may akimbo πŸ™‚

    Liked by 1 person

  5. martsvalenzuela
    November 14, 2015

    Gusto ko yung part na “di biglaan ang pagbangon…” which is very realistic. Parang pagbangon sa umaga. Magmumuni-muni ka muna, magdadasal o at bahagyang aasa na, “sana walang pasok” o kaya “kahit five minutes pa please.” Haha!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 14, 2015

      Ikaw bro, nakabangon na ba? πŸ˜‰ Tanghali na. Bangon na. πŸ™‚

      Like

  6. RheaAngeline
    November 13, 2015

    May pusa. May Buwaya. May kulay green na nagsusuka. LOL.

    Liked by 2 people

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on November 13, 2015 by in Love & Relationship and tagged , , , , , , , , , , , .
%d bloggers like this: