Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Kuwentong Social at Pag-ibig: “Minsan” Edition

socialove_ok

“Paghihintay ng matagal.”

>>Minsan sa pag-ibig pero madalas sa Cebu Pacific.
~Sabi nga ng iba, sa hinaba haba man ng paghihintay, darating din siya at ang eroplano mo.

“Nasaan ang ……..?”
>>Minsan ang pag-ibig pero madalas ang Pangulo.
~It’s a matter of priorities lang daw. Pero siya ba, priority mo?

“Sinungaling.”
>> Minsan ang boyfriend mo pero madalas mga pulitiko.
~Honesty is the best policy. Sana nga ganyan ang ginagawa sa Senado. #napoles

“Think Positive.”
>> Minsan kailangan natin iyan kapag may problemang buhay pag-ibig pero hindi mo iyan gusto sa isang drug test.
~Bottomline: THINK! Huwag lang umibig gamit ang puso. Gamitan mo din naman ng utak.

“Letter.”
>> Minsan ibinibigay ng kasintahan mo (Love Letter) pero madalas Meralco ang nagbibigay sa iyo (Letter of Disconnection).
~May rejection letter din kaya para sa isang manliligaw? Ayokong makatanggap noon.

“Nagtatago.”
>>Minsan kayo ng boyfriend mo dahil hindi payag ang magulang niyo pero madalas mga pulitikong may kaso at ipinatawag sa Senado.
~Minsan naman ang nararamdaman mo sa kanya ang itinatago mo. Minsan naman mga whistleblower ang itinatago nila.

“Mabagal.”
>>Minsan ito ang lalaking may crush sa iyo pero madalas ito ay usad ng mga sasakyan sa Los Baños (Junction Crossing to Anos).
~Sana mabigyan na ito ng solusyon ng aming Mayor.

“Pagbabago.”
>>Minsan ito ang gusto mo sa relasyon ninyo pero madalas ito ang gusto nating mangyari sa sistema ng gobyerno.”
~Simulan natin ang pagbabago sa ating mga sarili.

“Manggagamit.”
>>Minsan ang girlfriend mo pero madalas ang mga nasa posisyon sa gobyerno.
~Nasaktan ka? Truth hurts.

“I shall return.”
>>Minsang sinabi ng EX mo pero minsang sinabi na din iyan ni General Douglas MacArthur.
~Shall and will. Most used words kapag nangangako. Just do it.

“OO.”
>>Minsan ito ang pinakakahintay na salita ng manliligaw mo pero madalas ito din ang hinihintay ng mga pulis na sabihin ng isang suspek, inosente man o hindi.
~Two-letter word that can change you life. For better or for worse? Depende sa inyong mag-asawa iyan.

“Pera.”
>>Minsan kailangan mo ng medyo malaki nito para sa inyong kasal pero madalas ito ang dahilan kung bakit madaming tao ang gustong maging pulitiko.
~Serve God not mammon (Matthew 6:24)

“Asawa.”
>>Minsan ito ang gusto mo pero madalas ito ang gusto ng tao para sa Pangulo.
~Asawa agad? Boyfriend/girlfriend muna!

“Siyasatin.”
>>Minsan ito ang ginagawa mo sa manliligaw mo pero madalas dapat itong gawin sa Bureau of Customs.
~Ano na ang balita sa Customs? Parang wala na ulit sa news.

“Malaki ang bawas.”
>>Minsan sa timbang mo dahil malapit ka nang ikasal kaya nagpapa-sexy ka pero madalas ito ay buwis sa  ating mga suweldo.
~Buti pa ang mga friend ko sa IRRI at ADB tax free!

“Pag-ibig.”
>>Minsan ito ang dahilan kaya ka nabuntis ng maaga pero madalas ito ang pinupuntahan ng mga taong gustong mag-loan.
~Hindi pula ang kulay ng pag-ibig. Asul. Asul. Asul na medyo light. Basta hanapin mo na lang ang building nila.

Hindi ko alam kung bakit ko naisipan lagyan ng kaunting social issues ang blog na ito. Sana naman hindi mo isipin na paninira ito kung kanino man o sa gobyerno. Mahal ko ang gobyerno. Sana mahalin din ng mga taong nasa posisyon ang gobyerno. Huwag naman nilang gawing business ang pagtakbo sa pulitika. Huwag din gawing career ng pamilya. Puwede naman mag-doctor ang mga anak nila. Maaari ding tularan nila ako, inhinyero. Puwede ding magturo sila. Wala na ba silang maisip na career para sa mga anak at kamag-anak nila? Pulitika na lang talaga? Sana mag-enrol sila ng course na may public affairs at good governance. Dapat magbasa din sila ng mga posts ng Pananaw Pinoy (www.facebook.com/PananawPinoy) para naman magkaroon sila ng ideya sa mga relevant social issues.

Sa 2016 ang target kong blog topics ay tungkol sa eleksyon. Siyempre may halong pag-ibig! ❤ Alam mo naman, ang dugong nananalaytay sa akin ay dugong pag-ibig. Blood Type U.lol! 🙂

Basahin mo din pala ang aking “Payo para sa mga taong umibig, umiibig at iibig pa.” Mag-iwan ka ng komento kung anong case ka. 🙂

Dahil “Minsan” Edition ito, iiwanan ko kayo ng minsang tanong. Gaano kadalas ang minsan?

A. 1-3 times
B. 5-7 times
C. 50-100 times
D. 500-1000 times
E. None of the above
F. No sufficient information

Kung gusto mong malaman ang sagot ni Doctor Eamer, mag-subscribe na sa kanyang mailing list at sigurado makakatanggap ka sa email mo ng latest blog at ang sagot niya sa tanong na ito. Asahan mo ang malalim na explanation gamit ang ilang Mathematical at Engineering techniques. Isulat lang ang email address sa box sa ibaba. 🙂

Photo Credits (here)

Advertisements

11 comments on “Kuwentong Social at Pag-ibig: “Minsan” Edition

  1. MariaWent2Town
    April 8, 2015

    Lessons in love and politics. Great post!

    Liked by 1 person

  2. slickmaster
    March 29, 2015

    Aba, suma-satire ka din pala ha!

    Liked by 1 person

  3. yvonnembertoldo
    March 25, 2015

    Haha galing mo talaga sir sa mga Love banats! Ang witty lang 🙂

    Liked by 1 person

  4. Jackie Park
    March 25, 2015

    Super funny!

    Liked by 1 person

  5. Vance
    March 24, 2015

    Everything’s funny right from the start, very witty.

    Liked by 1 person

  6. Raquel Mitchell
    March 24, 2015

    This post was both funny and straight to the point. I found humor in the first sentence and really learned a lot from the tips about love.

    Liked by 1 person

  7. stretchyourpesomom
    March 21, 2015

    Hahaha, ang galing po. Ramdam na ramdam ko ang “Malaki ang bawas” kada dating ng payslip hehe, masakit sa bulsa, sayang haha.

    Gaano kadalas ang Minsan? F. 🙂

    Like

  8. Jing 징 (@jingdalagan)
    March 20, 2015

    Gaano kadalas ang minsan? Minsan once, madalas depende sa kausap 😀

    Liked by 1 person

  9. Jypsee Smyles
    March 12, 2015

    Hehe. Ganda ng parallelism ng love at politics. 🙂

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on March 10, 2015 by in Open Letter and Commentaries and tagged , , , , , , .
%d bloggers like this: