Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Payo para sa mga Taong Umibig, Umiibig at Iibig Pa

payo_ok

Umibig (Nasaktan)

Case 1 – Natali ka sa isang relasyon dahil sa isang pagkakamali. High school ka ng mga panahong iyon. Nagkainuman kayo ng iyong mga barkadang babae at lalake. Hindi ninyo ginustong dalawa na may mangyari sa inyo. Nabuntis ka. Hindi pumayag ang mga magulang mo na hindi ka panagutan at pakasalan ng kabarkada mong iyon. Ikinasal kayo. Ngayon, matatapos ka na sa kolehiyo sa kursong Nursing at malapit nang magdiwang ng ika-limang taong kaarawan ang inyong anak. Ang asawa mo naman ay nagpunta na sa Saudi at doon nagtrabaho pagkatapos niyang makapasa sa board exam sa Civil Engineering. Dalawang taon na din siya doon. Nagpapadala naman siya ng panggastos para sa anak ninyo. Subalit may bago na din siyang girlfriend na Pinay na kanyang kasama sa trabaho.

Case 2 – Posible din naman na iniwan ka ng iyong girlfriend dahil immature ka masyado. Masyado mong pinapalaki ang maliliit na isyu. Nakalimutan niya lang na batiin ka sa monthsarry ninyo dahil sa sobrang busy niya sa trabaho. Bumawi naman siya kinabukasan at sinurpresa ka niya. Pinagluto ka niya ng paborito mong sinigang. Pero binaliwala mo iyon.

Case 3 – Maaaring pagkatapos na pagkatapos mo ng kolehiyo ay sinagot mo na ang iyong manliligaw na matagal na ding naghihintay sa matamis mong “OO”. Subalit hindi din naging maayos ang inyong relasyon dahil malayo kayo sa isa’t isa. Nawalan kayo ng oras na magkaroon ng tinatawag kong “quality time” dahil naging madalas ang pagpunta mo sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Madalas kang pinapadala ng kumpanya ninyo sa mga trainings at seminars.

Umiibig

Case 4 – Kahapon lamang ay nagdiwang kayo ng unang buwan ninyo bilang opisyal na magkarelasyon. Sobrang saya mo dahil napaka-sweet ng boyfriend mo. Binigyan ka niya ng labindalawang pulang rosas at ang paborito mong Toblerone. Hindi din siya nakalimot na magsulat ng love letter at kinilig kang mabuti habang binabasa ang tulang nakasulat doon. Umaasa ka na ito ay forever na.

Case 5 – Kasalukuyang may palagi kang inilalabas na kaibigang babae. Friendly date daw iyon. Hindi mo pa siya nililigawan pero parang kayo na din. Madalas kayong magkatext. Tinatawagan mo din siya. Mutual Understanding (MU) ata ang tawag doon.

Case 6 – Posibleng nagdadalawang isip ka ngayon kung papayagan mo na ang officemate mo na ligawan ka. Matagal na din naman kayong magkaibigan at medyo crush mo din naman siya pero mababaw lang. Iba kasi ang iyong napupusuan. May lihim at malalim kang pagtingin sa isa sa iyong mga churchmates. Nalilito ka. May parte sa puso at isipan mo na nagsasabing payagan na ang iyong officemate na manligaw. May parte din kasi na gusto mong hintaying mapansin ka ng iyong churchmate at ligawan ka.

Iibig                                                                                                             

Case 7 – Kakapasa mo lang sa board exam. Ganap kanang doktor ngayon. May ospital na din ang nag-alok sa iyo ng posisyon at magandang suweldo. Handa kana ngayon na pumasok sa isang relasyon. Subalit napag-iwanan kana ng iyong mga kabarkada at kaibigan. Ikaw na lang ang single sa inyo. Apat na sa kanila ang may asawa’t anak. Ang mga lalaking kaibigan mo ay taken na din. Puro may asawa na din ang mga katrabaho mo sa ospital. Kinakabahan ka bilang babae dahil malapit ka nang magtatlumpung taong gulang pero wala ka pang nobyo o manliligaw.

Case 8 – Sa wakas ay nakapagtapos na din ang dalawa mong kapatid na pinapaaral sa kolehiyo. Ngayon ay makakaipon kana para sa iyong sarili. Masisimulan mo na din ang binabalak mong panliligaw sa iyong kababata na ngayon ay titser na sa dati ninyong pinasukang mataas na paaralan. Iniisip mo kasi na dapat kahit papaano ay may ipon ka bago ka pumasok sa isang seryosong relasyon.

Case 9 – Bata ka pa lamang ay namatay na ang iyong mga magulang. Ang tiyahin mong walang asawa ang nagpalaki sa iyo. Siya din ang nagpaaral sa iyo hanggang kolehiyo. May panata ka na hinding hindi ka mag-aasawa gaya ng iyong tiya. Madami na ding nagpaalam na ligawan ka subalit hindi ka pumayag. Masaya ka sa trabaho mo ngayon sa isang bahay-ampunan bilang sekretarya. Malapit ka na ding mag-apatnapung taon sa susunod na buwan. May isang masugid na nagpaparamdam sa iyo na janitor sa nasabing bahay-ampunan. Mabait siya. Matipuno. Magalang. Malambing. Walang asawa o kasintahan. Kasing edad mo na din. Hindi mo alam kung bakit pero kinakabahan ka sa tuwing kasama mo siya. Tila bumibilis ang tibok ng puso mo. Gusto mong buksan ang pintuan ng iyong puso at umibig. Pero may pag-aalinlangan ka pa din dahil naiisip mo ang iyong edad.

Ilan lamang ang mga nabanggit kong sitwasyon ang maaaring naranasan, nararanasan, o mararanasan ng karamihan sa atin.

Hayaan ninyong ibahagi ko ang siyam na simbolo na aking napili upang mas maipaliwanag ko ang aking mga payong pag-ibig.

1. Asarol

1_asarolAsarol ang aking naisip na simbolo para sa preparasyon dahil ito ang ginagamit sa pagbubungkal sa lupa upang ihanda ito bago taniman.

Bago tayo pumasok sa isang romatikong relasyon, dapat handa tayo sa madaming aspeto ng buhay – pisikal, emosyonal, pampananalapi (financial), pangkaisipan (intellectual) at pangkaluluwa (spiritual).

Kung ako ang masusunod, hindi ako sang-ayon sa pagpasok sa isang relasyon habang nag-aaral pa. Naalala ko noong highschool pa ako. Nagkaroon ako ng kasintahan subalit hindi kami nagtagal. Iba ang focus namin ng mga panahong iyon – pag-aaral. Noong nagkolehiyo ako, bawat unit ng subjects na kinuha ko ay may bayad. Mahirap ang bumagsak at umulit dahil mahal ang tuition. Kaya mas mainam sa atin ang mag-focus sa pag-aaral hanggang sa makatapos upang  maiwasan natin ang Case 1.

Sa mga kalalakihang nasa Case 1, magpakalalaki kayo. Nagkamali kana at huwag mong dagdagan pa iyon. Work out the relationship. Tatay ka na din ngayon. Sana iniisip mo din ang kapakanan ng bata. Sana mabigyan mo siya ng kumpletong pamilya. Maging responsable ka sa iyong ginawa.

May mga kaibigan naman akong nasa relationship noong kolehiyo. Simula 1st year hanggang 5th year. Subalit nabalitaan ko na lang na hiwalay na din sila dahil nagkalabuan. Posibleng Case 2 at Case 3 ang dahilan.

2. Mangga

2_manggaIto ang napili kong simbolo para sa maturity. Simple lang naman ang paliwanag dito. Mas masarap kumain ng mangga kung nahinog ito sa puno.

Kung papasok ka sa isang relasyon, sana medyo mature kang mag-isip at gumawa ng desisyon dahil siguradong apektado ang inyong relasyon at puwede kang matulad sa Case 2.

Pero may pagkakataong kahit mature ka ay iniwan ka pa din. Mahirap mag-move on pero kailangan. Hindi mo alam kung saan ka nagkamali at nagkulang. Isipin mo na lang na “It’s not my loss, it’s his/her loss.” Nagkamali siya na pinakawalan ka pa niya. Sabi nga ni John Green, “We accept the love we think we deserve.” Kaya move on! Malay mo pagsakay mo sa MRT at biglang nasira at huminto, mapapayakap ka kay Mr. Right dahil sa Law of Inertia.

3. Tren

3_trenIto ang napili kong simbolo para sa dekalidad na oras o quality time dahil ang alam ko na kapag sumakay sa tren ay mahabang biyahe.

Ang pagbibigay ng dekalidad na oras ay isang sangkap upang maging matagumpay at matatag ang isang relasyon. Hindi lang basta makapagbigay ng oras kundi dekalidad dapat. Hindi dapat spare time lang. Kung alam mong mahalaga siya sa iyo, isa dapat siya sa uunahin mo upang maiwasan ang Case 3.

Dapat din ninyong unawain ang bawat isa. Huwag naman break agad! Nadadaan naman iyan sa mabuting usapan at kaunting lambingan. Boys, galingan ninyong maglambing. Girls, huwag namang pusong bato at pakipot. Tanggapin ninyo ang sincere sorry namin.

4. Payaso

4_payasoNoong bata ako, kapag nakakakita ako ng payaso o clown sa isang birthday party, sobrang natutuwa ako kasi ang dami niyang surpresa at mga pakulo.

Payaso ang naisip kong simbolo sa surpresa o pagiging sweet. Hindi ko naman sinasabi na araw-araw ay dapat may surpresa ka. Pero sana naman kahit papaano ay may ginagawa ka para masurpresa siya at kiligin. Hindi natatapos ang panliligaw kapag sinagot ka na niya o kasal na kayo. Dapat patuloy ang panliligaw mo sa kanya kahit may mga anak na kayo. Ganoon din naman dapat ang mga babae sa lalaki gaya ng Case 4.

Napakaraming bagay ang maaari mong gawin para surpresahin siya. Alamin mo din kung ano ang kanyang love languages. Ayon kay Gary Chapman, may limang uri nito: words of affirmation, quality time, gifts, acts of service at physical touch. Tanungin mo si Prof. Google tungkol dito at gamitin mo ang iyong matututunan.

5. Kalabasa

5_kalabasaSabi nila kapag kumakain ka ng kalabasa, lilinaw daw ang iyong mga mata. Kaya ito ang naisip kong simbolo sa pagiging malinaw o clarity.

Kung sa tingin mo ay siya na ang gusto mong ligawan at makasama sa buhay, liwanagin mo sa kanya. Hindi ka si Boy Labo! Kung babae ka naman at ayaw mo sa nanliligaw sa iyo, huwag mo na siyang paasahin pa kundi tapatin mo ng personal at hindi kung kanino mo pa ipapasabi. Kaya kayong nasa Case 5, linawin na iyan!

6. Kumpisalan

6_kumpisalanIto ang aking naisip na simbolo para sa paghingi ng payo sa iba. Kung ikaw ay isa sa mga dumaranas ng Case 6, mas mainam na hingin mo ang payo ng magulang, malalapit na kaibigan, life coaches o mga lider ninyo sa church.

7. Bahaghari

Ito ang simbolo ng pag-asa. Sabi nga sa kanta, “there’s a rainbow always after the rain”. Hindi edad ang magdedesisyon kung kailan ka dapat umibig. Puso at isipan mo ang mas nakakaalam. Darating din ang iyong The One.

7_bahaghariPero sabi nga ng isang blog na nabasa ko, “There are girls out there who don’t want to waste their time and affections on anything less than they deserve.” Kanya-kanyang buhay lang din iyan. Ang mapapayo ko lang, maging single ka man tulad noong Case 7 o nasa isang relationship, nawa’y naisin mo na mamuhay ng kalugod-lugod sa paningin ng ating Diyos.

8. Alkansya

8_alkansyaIto ang simbolo ng pera o pangangasiwa sa kaperahan. Isa sa pinagtatalunan ng magkasintahan lalo na kapag mag-asawa na ay ang pera. Napakaraming problemang nauuwi sa hiwalayan ang nag-uugat sa pera. Kaya kung magaling kang mangasiwa ng inyong kaperahan at marunong kang mag-impok, mas magiging maganda ang samahan ninyong dalawa.

Kay kuyang nasa Case 8, simulan mo na ang pag-iipon at panililigaw mo!

9. Bibliya

Ito naman ang naisip kong simbolo sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos.

9_bibliyaMarahil ay magkakaiba tayo ng paniniwala pero alam kong mahal tayo ng ating Diyos. Sabi nga sa Jeremiah 29:11,  For I know the plans I have for you. Plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.” Magtiwala ka lang. May pag-asa, kinabukasan at plano Siyang nakalaan para sa bawat isa sa atin.

Kaya kung ako kay ate sa Case 9, bubuksan ko ang pintuan ng aking puso at hahayaan kong umibig ito ng kusa.

Nawa’y maaalala mo ang aking mga payong pag-ibig sa tuwing makikita mo ang siyam na simbolong aking nabanggit.

Lagi mong tatandaan na ang pag-ibig ay parang flight ng eroplano. Minsan on time pero minsan delayed parang Cebu Pacific. Pero alam mo lang na sa hinaba haba ng paghihintay, makakalipad din naman. Pero gaya ng nangyari sa Air Asia, hindi natin alam na sa gitna ng paglipad ninyo ay posibleng may mangyaring masama. Kaya laging manampalataya at magdasal. Sabi naman ng Philippine Airlines, “Welcome to your home in the sky.” Sana ang pag-ibig na iyan ay pantahanan na at makabuo kayo ng isang mabuting pamilya.

Kaya sakay na sa biyahe ng pag-ibig! Sabay sabay nating isigaw na “It’s more love in the Philippines.” ❤

Minsan hindi naman natin kailangan ng mga payo. Alam naman natin kung ano talaga ang dapat gawin. Minsan ang kailangan lang natin ay mga taong handang makinig sa ating mga hinanakit at problema sa buhay pag-ibig. Kaya huwag kang mahihiyang sumangguni at magkuwento sa akin tungkol sa usaping pag-ibig. Handa akong makinig sa iyo. 🙂

Nagmamahal (Nagmahal na din at Magmamahal pa),

Doctor Eamer

***

Sumangguni kay Doctor Eamer. Mag-iwan ng mensahe.

Ito ay opisyal na kalahok sa ispesyal na patimpalak ng Saranggola Blog Awards: Pagbibigay Payo sa Pag-ibig. Bisitahin ang kanilang website sa www.sba.ph.

Minor Sponsors (Biyaheng Pag-ibig) LOL! 🙂

ceb2airasiapal2

Photo Credits (here and Google images)

Advertisements

42 comments on “Payo para sa mga Taong Umibig, Umiibig at Iibig Pa

  1. The Optimist ♥
    October 5, 2015

    Nice Article Doc Eamer! Napakalalim ng hugot mo. Ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat mo! Marami kang naiinspire at isa na ako dun! 🙂

    Liked by 1 person

  2. diwangtanglaw
    March 23, 2015

    Ang ganda ng pagkakasulat Congratz Doc in advance sa patimpalak. ^_^

    Liked by 1 person

  3. slickmaster
    March 18, 2015

    Siyam na akso, siyam na bagay na nagbibigay “senyales,” hmmm, medyo coplex datingan sa akin Pero patunay lamang ito na kung gaano kakumplikado ang pag-ibig; at kung paano mo nagiging simple ang lahat ng paliwanag.

    Liked by 1 person

  4. Aby
    March 18, 2015

    Ang sipag at ang galing para mabigyan ng iba’t ibang case at mga simbolo ang bawat isa.. Keep it up! 😉 pag pagibig talaga madami hugot sa ating lahat hehehe

    Liked by 1 person

  5. maria
    March 17, 2015

    Nakakatuwa basahin and maraming makakarelate sa iba’t ibang cases. I would love to share this to my friends who over analyze that thing called Love.

    Liked by 1 person

  6. Jen Myr
    March 13, 2015

    Reblogged this on thebeautitudes.

    Like

  7. Melgie
    March 13, 2015

    All the love cases# are so true to many people. Marami talagang makakarelate nito. Will share this to my cousin whose looking for some love and inspiration. Thanks!:)
    http://www.wish4less.com

    Liked by 1 person

  8. Melgie
    March 12, 2015

    Pag-ibig nga naman nakaka inspire basahin itong blog mo. Nahanap ko na ang TRUE LOVE ko at masayang kasama ko ang pamilya. Infairness talaga ang mga case ha..hahah so fun to read.
    http://www.sweetcuisinera.com

    Liked by 1 person

  9. ruthzerahibay
    March 12, 2015

    ang galing mo Dr. Eamer! 🙂 pwede ng mag-asawa! :p
    maiba ako, taga Destiny Los Baños ka ba? hehe! Sa UPLB kasi grumaduate yung head pastor ng Destiny Church Manila. Kung kilala mo si Pastor Leo Carlo Panlilio. 🙂

    Liked by 1 person

  10. Maricor
    March 11, 2015

    “Malay mo pagsakay mo sa MRT at biglang nasira at huminto, mapapayakap ka kay Mr. Right …”

    May naalala ako sa linyang ‘yan. Minsan ko na ring sinabi yan sa isang “kaibigan”. Masyadong mahaba ang diskusyon namin diyan pero iiklian ko na lang. LOL.

    Minsang tinanong ko siya, what if, makita na niya yung “right girl” na nakadestiny sa kanya, anong gagawin niya? Eh, ang isinagot ba naman, “Wala akong gagawin.” Napanganga ako. Parang…what? Wla kang gagawin? Pagkakataon na yun… Basta, matigas siya, sabi niya wala siyang gagawin. Kung gusto nung babae, yun ang lumapit… LOL..

    Sabi ko pa nga, what if, makasalubong niya sa daan, o kaya makasalubong niya sa pedestrian line? Makasabay sa bus, taxi, MRT, LRT,PNR, ..tapos sbi niya, titingnan lang iya pero wala siyang gagawin… 😀

    Basta ang katwiran niya, “WALA SIYANG GAGAWIN”, hindi siya magpe-pers move, marami pa naman daw pagkakataon. Haaay.

    Ayuuun, habang binabasa ko blog entry mo, “SIYA” ang naalala ko. Yieeeehieeee. ❤

    Liked by 1 person

  11. yvonnembertoldo
    March 11, 2015

    Nakakatuwa namang itong post mo. Madaling mkarelate. hehe Sana Case 4 lang lagi no. 🙂

    Liked by 1 person

  12. tweenselmom
    March 10, 2015

    Love can be as complicated as you want it to be. When you are young, you tend to make it that way, but actually when you get older, life gets more simple just like love. Well, that will be that way if you and your partner think of the same way.

    Liked by 1 person

  13. Nilyn Matugas
    March 10, 2015

    “Minsan hindi naman natin kailangan ng mga payo. Alam naman natin kung ano talaga ang dapat gawin. Minsan ang kailangan lang natin ay mga taong handang makinig sa ating mga hinanakit at problema sa buhay pag-ibig.” – sobrang agree ako dito! yung iba ay paulit ulit na nagkukwento at paulit ulit nalang din ang pinapayo sa kanya pero wala parin nagbago. Kaya yung ibang willing makinig e napapagod na din minsan. haha.

    Liked by 1 person

  14. Rose C
    March 9, 2015

    Ang ganda! Binasa ko talaga ng dalawang ulit bago ako naglagay ng comment. You know your symbols and you know what you’re saying. Good job!

    Liked by 1 person

  15. mayen
    March 9, 2015

    Gusto ko ang paggamit mo ng mga simbulo tungkol sa pag-ibig. Galing!

    Liked by 1 person

  16. marose castillo
    March 9, 2015

    ayos! ganda ng mga payo. may mga ilang puntos na tumama din sa akin. 🙂

    Liked by 1 person

  17. astrodarlings
    March 9, 2015

    It’s really interesting that there are so many different scenarios in love and it does take a lot of work to make it last.

    Liked by 1 person

  18. Mommy Maye
    March 9, 2015

    You got here nice comparisons of all the things we need to do for love. Sakto lahat ng symbols, great post!

    Liked by 1 person

  19. Chin chin
    March 9, 2015

    Ayos ang mga simbolo at payo mo, Dr Eamer. Madami talagang nagkakamali pag dating sa pag-ibig, pero tama ka na di dapat mawalan ng pag-asa at tiwala sa Diyos.

    Liked by 1 person

  20. Ida
    March 9, 2015

    Your article made me smile 🙂

    I agree with you; we don’t really need an advise especially with regards to the heart matter. We know what to do but because most are illogical when in love, we often want others’ approval and support.

    Liked by 1 person

  21. leybainpublic
    March 9, 2015

    Wow! This blog post is something new! For sure many will find this interesting. Thanks!

    Liked by 1 person

  22. Hinde ko alam kung kelan ako iibig ulit. Pero alam ko may plano ang Diyos para sa ating lahat.

    Salamat sa pag share mo tungkol sa pag-ibig. ^_^

    Liked by 1 person

  23. Imax
    March 8, 2015

    nasapul ako doon. case number 2 ako. hahaha thanks doctor eamer!

    Liked by 1 person

  24. florfullo0714
    March 8, 2015

    ang Bibliya ang pinaka gusto ko sa lahat ng sy

    Liked by 1 person

  25. len
    March 7, 2015

    nakakatuwa nmn itong post na ito, perfect sa mga in love at maiinlove plang

    Liked by 1 person

  26. ceemee
    March 7, 2015

    Alam ko na kung sino ang aking hahanapin kapag may problema ang mga single kong kaibigan sa pag-ibig. As if wala akong problema, pero basta may communication about expectations and deliverables plus a sprinkle of sweetness, eh okay naman siguro ang buhay may asawa. Natawa ako sa Cebu Pacific na delayed. Mas okay ata lumipad gamit PAL.

    Liked by 1 person

  27. Jerboy Lupisan
    March 7, 2015

    Ilagay ang iyong email address: albertjeromelupisan@yahoo.com
    Ano ang iyong problemang buhay pag-ibig?: Akala ko e ang asarol e simbolo ng pagpayag mong magpalibing ng iyong kalayaan sa oras na magdesisyon kang magpakasal. Lalo na sa nabuntis nang wala sa oras. Haha!

    Liked by 1 person

  28. theresa
    March 7, 2015

    Nice article! Ang daming points na tumutugma talaga na kailangan ng nakahihigit na magkakarelasyon.

    Liked by 1 person

  29. Don
    March 6, 2015

    sobrang tugma ang paghahambing mo ng pag ibig sa Cebu Pacific…LOL! minsan laging delayed pero ang kailangan mo lang ay ang mag hintay..darating at darating din 😀

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      March 6, 2015

      Hahaha sa hinaba-haba man ng paghihitay, sa himpapawid din ang tuloy.hehe 🙂

      Like

  30. Mia
    March 6, 2015

    Napa-wow ulit ako! Ang lalim ng pagkaunawa mo sa ganitong topic. Maswerte nga yung magiging kabiyak mo sa darating na panahon dahil ag dami mong alam tungkol sa pag-ibig. You are such an incredibly wise man!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      March 6, 2015

      Ate Mia!!!!! Salamat po 🙂 I really appreciate every kind comment na nilalagay mo sa post ko. 🙂 Keep it coming po.hehe Those comments encourage me to write more. 🙂 Speaking of “kabiyak”, hmmmmm I know masuwerte din ako sa kanya.hehe Papray po na manalo ang entry ko. Thanks! Cheers to love! ❤

      Liked by 1 person

      • Mia
        March 6, 2015

        I’m praying and you’re welcome!

        Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: