Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Love Advice: Huwag magsabi ng “I love you” agad (Case 143-02)

case143-02_ok

Isang dalagita mula sa Brisbane, Australia ang sumulat kay Doctor Eamer sa kanyang email na iamdoctoreamer@gmail.com.

***

Hi Doctor Eamer,

Mayroon po akong kaibigan na si Pedro (hindi totoong pangalan – for the sake of the privacy of the sender). Matagal na din po kaming nagkakausap sa online. Pero nagkita na naman kami ng personal six (6) years ago. Tapos hindi pa naulit iyon. Nakatira siya sa south side ng Brisbane at ako naman ay sa north side. Kaya naman madalas ay sa FB at Skype lang kami nagkakausap.

Siya po ang lagi kong nakakausap sa mga bagay bagay. Anything under the sun. Madalas ay nagkukuwentuhan din kami tungkol sa aming mga personal na buhay.

Dati po ay umamin ako sa kanya na may gusto po ako sa kanya. Tapos, sinasabihan ko po siya ng I love you. Okey lang daw po sa kanya iyong lahat na sinasabi ko. Ang lambing lambing pa nga po niya sa akin noon.

Okey na po ang lahat pero isang araw nagtapat siya na may girlfriend pala siya. Apat at kalahating buwan na sila. Sobra po akong nasaktan at nagselos noon. Hindi ko po siya pinapansin kahit ilang mga mensahe pa niya ang binibigay niya sa FB at skype.

Dumating ako sa punto na sinabi ko sa kanya na hindi ko na siya kakausapin kasi masasaktan lamang ako.

Mabuti siyang kaibigan at lagi niya pong tinatanong kung okey lang ako. Lagi din siyang nangangamusta.

Kamakailan lang po ay sinabi niya sa akin na nakipaghiwalay siya sa girlfriend niya kasi ayaw na daw po niya. Bigla po akong bumalik sa pakikipag-usap sa kanya. Naguguluhan po kasi ako. Parang bumabalik ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya. Pero parang ayoko na din po kasi. Pero ayoko naman po siyang mawala sa buhay ko.

Hindi ko po alam kung ano ang gagawin. Patulong po!

– Maria (hindi din ito totoong pangalan)

***

Hi Maria,

Medyo kumplikado nga ang iyong sitwasyon. Parang Math problems lang iyan, akala natin kumplikado pero simple lang naman pala ang solusyon.

Itulog mo lang iyan at mawawala din iyan. O ‘di kaya ay magsorbetes ka na lang. Mainam sa ganyang klase ng problema ay dark chocolate flavor para lasap na lasap mo ang pait.

Simple lang ‘di ba? 🙂 Just kidding. Minsan talaga mahirap maintindihan ang Math problems kaya dapat may tutor ka. Para sa mga taong gustong magpaturo ng Math (College Algebra and Trigonometry, Calculus I and II). Pero Laguna area lang ang puwede kong maturuan. Mura lang naman ang rate ko per hour. 🙂 Makipag-ugnayan lang dito. Patawad dahil may kaunting advertisement. Ganyan talaga. Minsan may mga panggulo sa buhay pag-ibig. Ano daw?

Sige seryoso na ulit tayo. Dapat naman talaga ay seryoso tayo diba? Lalo na kung pag-ibig ang pinag-uusapan. Hindi ito isang laro. Ipabasa mo kay kuya itong blog ko na “Hindi ka tunay na lalaki kung…” baka matamaan siya at kahit papaano ay maliwanagan.

Hindi ako sang-ayon sa ginawa ni kuya na nakikipagkaibigan pa siya sa ibang babae kahit na may GF siya. Okey lang naman makipagkaibigan pero hindi dapat siya nagparamdam ng pagiging sweet  niya sa iyo. At sana sa una pa lang sinabi na niya na may GF siya, Ang mga lalaki talaga!

Tapos sinabi niya sa iyo na hiwalay na sila ng GF niya dahil ayaw na niya. Ganoon na lang iyon? Naaawa naman ako kay ate na iniwan niya. Halimbawang naging kayo, paano kung dumating sa punto na ayaw na din niya sa iyo? Iiwan ka na lang din niya nang basta na lang? Pag-isipan mo siguro ang bagay na iyon. Kung nagawa niya iyon sa EX niya, maaari din niyang gawin iyon sa’yo.

Hindi din ako sang-ayon sa ginawa mo. Nagsabi ka agad na mahal mo siya! Pero hindi pa naman kayo. Para sa akin, lalaki dapat ang maunang magsabi ng magic word na iyon. At dapat niya lang sabihin iyon nang galing sa puso niya. Mas mainam na siyasatin mo talaga ang mga magiging kaibigan mo. Huwag magpadala sa lahat ng sinasabi niya. Words can be deceiving 🙂

Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan? Mag-focus ka na lang muna siguro sa trabaho mo. Kung nag-aaral ka, mas lalo ka dapat mag-focus sa pag-aaral mo. Isantabi muna ang pag-ibig na iyan. Pursue your dreams. Ano ba talaga ang gusto mong gawin sa buhay mo? Maging doktor? Go!

Meron ka bang mga kaibigan o kabarkadang babae? Makipagkuwentuhan ka na lang muna sa kanila. Pero piliin mo ang mga magiging kaibigan mo. Sana mabuti silang impluwensya sa iyo. Kung hindi, pag-isipan mo ulit iyan.

Minsan ang mga taong nasa ganyang sitwasyon tulad mo ay idinadaan na lang sa pagbabasa. Madalas akong pumunta sa PCBS at maghanap ng mga librong makakatulong sa akin sa laban ng buhay. Pero dahil wala ka sa Pilipinas, subukan mong maghanap ng mga libro sa online gaya ng Chicken Soup for the Soul Teen Series. Minsan nagbabasa ako ng mga blogs sa Relevant Magazine. Puwede mo din basahin itong blog na “The Love You Deserve“. Magbasa ka na lang muna. Huwag mo munang gayahin ang movie na “Eat, Pray, Love.” Puwede mong baguhin at gawing “Eat, Eat, Eat.” pero kapag tumaba ka huwag mo akong sisisihin ha. Siguro ito na lang dapat, “Read, Eat, Pray.” Pagkatapos magbasa ay kumain ka din at huwag magpalipas ng gutom. Huwag din namang puro kain at basa lang. Magdasal ka din. Magdasal ka na bigyan ka ni Lord ng wisdom para sa iyong sitwasyon. Sabi nga sa James 1:5, “If any of you lacks wisdom, you should ask God, who gives generously to all without finding fault, and it will be given to you.”

Nagmamahal (Nagmahal na din at Magmamahal pa),

Doctor Eamer

***

Sa mga taong nais sumangguni at magtanong, just contact the doctor here.

Photo Credit (here)

 

Advertisements

14 comments on “Love Advice: Huwag magsabi ng “I love you” agad (Case 143-02)

  1. Smiley25
    September 17, 2015

    Kinda relate to this blog, similarity lang ng konting konti. May nanligaw sa akin he is my childhood friend pero when we moved here nawalan na kmi ng communication just this year yung communication namin nag balik then nanligaw siya, pero sinabi ko sa knya na “Ask permission to my parents, kasi sobrang respeto ko sa knila at kung seryoso ka dyan magagawa mo”

    ang sabi niya okay daw, umabot sa 3 months na yung panliligaw niya hndi pa rin nag aask ng permission so ako sabi ko itigil niya, pero aminin ko na masaya ko tuwing kausap siya at saka napapalapit na ko sa knya, may feelings na kumbaga. Pero hindi pa dumating sa point na nagsabi ako ng tunay kong nararamdaman. Til’ one day umamin na siya sakin na may Gf siya.

    I just replied ”Thank you kasi sinabi mo, and good bye.” ayoko kasing mag bitiw ng mga masasamang salita lalo na sobrang nasaktan ako 😥
    Tinanong ko rin siya kung bakit ginawa niya yun may gf na siya nanliligaw pa sagot niya ”Kasi nag away kami nun at naisipan kong ligawan ka.”

    like srsly? Akala niya makukuha niya yung Yes ko agad agad, sorry I’m not that type of person. I’m super thankful na hindi ko sinabi sa kanya yung nararamdaman ko for him. But now I already moved on 🙂

    Share lang po 🙂

    Liked by 2 people

    • Doctor Eamer
      September 18, 2015

      Wow!!! Pwede bang isulat mo ito sa guest blog ulit?hehe 2nd entry mo. Parang more on story telling lang.hehe I’m sure may matutunan ang readers from that. BTW, yung comment mo na ata ang pinakamahabang comment na nabasa ko sa blog ko.haha But thanks for commenting 🙂

      Liked by 2 people

      • Smiley25
        September 19, 2015

        Sure doc. Can I do it early next week po? Send ko sayo

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        September 19, 2015

        Sure! Send mo sa email lang 🙂

        Like

  2. Marvelyn Baingan
    July 28, 2015

    Case 143-02! parang sa Detective Conan Case Closed ang galing mo kuya 😀 keep it up! May our God continue to bless the work of your hands 🙂

    Liked by 1 person

  3. Marvelyn Baingan
    July 28, 2015

    Case 143-02! ang galing mo kuya 😀 keep it up! May our God continue to bless the work of your hands 🙂
    -Marge

    Liked by 1 person

  4. Steph
    July 16, 2015

    Napakagaling hehe, ako’y lubusang sumasang-ayon 🙂

    Liked by 2 people

  5. Mia
    March 25, 2015

    I had a very similar experience nung girl when I was in my late teens, although hindi kami nagkakila online kundi in person. Ikwento ko nalang dito. We were classmates in college, tapos we got very close, to the point na we became best friends. Ang gaan ng pakiramdam tuwing nagkasama kami. Masaya ako palagi. I felt loved, cared for, at lalo sa lahat he made me laugh a lot. Yun yung major qualities ng guy na gusto ko. At first friends lang yung feelings ko sa kanya until I fell for him deeply. Pero di ko pinaalam sa kanya although siguro napapansin nya na I showed him extra affections. I thought the feelings were mutual until one day nalaman ko na may nagustuhan pala syang ibang girl. Na hurt ako, first kasi di niya sinabi sa akin. I thought mag best friends kami. I felt betrayed. Tapos doble ang sakit naramdaman ko kasi I realized he cannot love me back as strongly as I did. With that realization, I cried out my heart to God. Tapos yung answer came as “You got to let him go kasi di sya para sa’yo”. My heart revolted and I reason out with Him with all my might, in my prayers, devotions, and conversations. Ang sakit kaya! In the end, I heed the guidance. As soon as we graduated, I went back to my hometown, accepted a job offer there, and cut off any form of communication with the guy. Well, nagpaalam naman ako in a nice way but he didn’t know it was related to heart matters. So I didn’t see him for many years and when I saw him again I was already with my husband who I love very much and who loves me more than anybody else. If nagpatangay ako sa agos ng maling pag-ibig, siguro ibang iba ang nagiging future ko. Minsan, sa buhay lalo na sa pag-ibig maraming roadblocks. Kaya maging maigi sa mga desisyon. Kahit maraming okasyon na gusto nating sundin ang ating puso pero alam natin deep inside na mali, go with your gut. Above all, always inquire from God and listen to His promptings. He has the best in store for you –best life, best partner, and best future! Good luck Aussie girl!

    Liked by 1 person

    • signorinamelrice
      September 28, 2015

      Wow. I love this: “Above all, always inquire from God and listen to His promptings. He has the best in store for you –best life, best partner, and best future!”

      Thanks for sharing, Mia! 🙂

      Liked by 2 people

      • Mia
        September 28, 2015

        You’re welcome and thanks @signorinamelrice!

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        September 28, 2015

        Nag-back-read ka pala Mel! Thanks to advice of Ate Mia 🙂

        Liked by 1 person

      • signorinamelrice
        September 28, 2015

        Na engganyo kasi akong basahin ang mga relate-much na comments dito. 😀

        Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on March 23, 2015 by in Love & Relationship and tagged , , , , , , , , .
%d bloggers like this: