Ang raw (rito, rin, roon at rine) ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig (vowel) gaya ng “a”, “e”, “i”, “o” at “u”. Ginagamit din ito kung ang sinusundang salita ay malapatinig (semi-vowel) tulad ng “w” at “y”.
Halimbawa:
1. Ikakasal na raw si Marc sa isang buwan. Mahigit dalawang taon na din noong nagkahiwalay kayo. Mukhang nakapag-move on na siya. Ikaw na lamang ang hindi pa.
2. Ibang babae raw ang dahilan kung bakit ka iniwan ng boyfriend mo. Matapos mong ibigay ang lahat, iyon pa ang igaganti niya sa iyo?
3. Mananatili raw na tapat siyang kaibigan dahil ang tunay na kaibigan hanggang sa huli laging nariyan.
4. Maginoo raw siya pero medyo bastos. Hindi siya ang tipo mong lalaki. Dahil ang tunay na lalaki ay maginoo na, hindi pa bastos.
5. Sampu raw ang naging kasintahan niya dati. Dati siyang playboy. Pero ikaw lamang ang babaeng nagpabago sa kanya.
6. Ayaw raw makipagbalikan ni Maria kay Jose. Wala nang mangyayaring balikan dahil sapat na ang ilang ulit na panloloko ni Jose.
7. Bagay raw tayo para sa isa’t isa. Sa tingin mo, bagay ba talaga tayo?
Ang daw (dito, din, doon at dine) ay ginagamit naman kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig (consonant).
Halimbawa:
1. Hindi totoo yung sinasabi nilang mahal daw kita. Dahil ang totoo, mahal na mahal kita.
2. Bakit daw ikaw ang minahal ko. Sabi ko lang, minahal kita dahil sa taglay mong pambihira.
3. Bumulong daw ang tadhana sa iyo. Sinabi niya ang pangalan ko. Kaya pala pangalan ko ang ipinagsisigawan ng puso mo.
Ang daw at raw ay kalimitang ginagamit kung ibang tao ang nagbigay ng impormasyon o galing ito sa ibang tao. In short this is not a primary source. Ang masasabi ko lang ay maging maingat muna bago natin paniwalaan ang mga sabi-sabi mula sa iba. Baka kasi tsismis lang yan. You are responsible to verify those information whether it is true or not before acting or reacting on it. Kaya maging mapanuri sa bawat “daw” at “raw” na matatanggap mo. 🙂
Magandang gabi sa lahat ng mga sumusubaybay dito sa aking Sunday Series. Tawagin na lang nating “Agosto Kita” ang series na ito dahil patungkol sa wikang Pilipino ang gusto kong gawin. Samahan ninyo ako sa bawat linggo ng Setyembre para sa series na ito.
***