Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Ang Tunay na Pag-ibig ay Parang Isang Saranggola

Saranggola

1. Mahirap matagpuan sa panahon ngayon.

Noong bata ako, lagi kaming nagpapalipad ng saranggola sa may palayan (tubigan). Minsan umaakyat kami sa bubong ng bahay at doon nagpapalipad. Ginagawa namin ito tuwing walang pasok lalo na kapag bakasyon.

Ngayon, parang wala na ata akong nakikitang saranggola sa himpapawid. Baka nga hindi alam o hindi pa naranasan ng mga kabataan ngayon ang pagpapalipad nito. Mas gusto kasi nila ang mga laro sa smartphones.

Pero siguradong mayroon pa din namang mga lugar sa Pilipinas ang nagpapatuloy sa kultura ng paggawa at pagpapalipad ng saranggola.

Ang tunay na pag-ibig mahirap na din matagpuan pero siguradong meron pa naman. Natagpuan mo nga ako diba? Naman!

2. May taling nag-uugnay sa nagpapalipad.

Tuwang-tuwa kami noong bata kami kapag ang taas na ng aming saranggola. Talagang kapit na kapit ang aming mga kamay sa tali dahil kapag nabitawan mo ito, baka hindi mo na makita at kung saan na mapadpad ang saranggola.

Ang tunay na pag-ibig dapat may koneksyon parati. May tali na mag-uugnay sa inyong dalawa. Taling hindi dapat maputol. Maaaring tiwala, komunikasyon, pagpapatawad, pagtanggap, pag-alala, pagsurpresa, pagbibigay, pagkukusa, atpb. Dapat matibay ang tali!

3. May matibay na pundasyon.

Hindi agad ako natuto na gumawa ng saranggola. Madalas masira ang mga ginagawa ko. Minsan naman hindi lumilipad dahil mali ang balanse.

Kukuha kami ng walis tingting at iyon ang gagawing katawan ng saranggola. Itsurang krus nga iyon. Tapos saka dadamitan ng plastik. Kung hindi matibay ang tingting na gagamitin mo, baka masira agad ang saranggola mo kapag nasa taas na dahil malakas ang hangin.

Sinulid ang pantali namin sa apat na dulo ng saranggola. Kapag hindi maayos ang pagkakatali, asahan mong bibigay agad ito at babagsak habang pinapalipad mo.

Kagaya ng tunay na pag-ibig, hindi ito basta basta. Dapat pagtibayin. Dapat may magandang pundasyon.

***

Pitong “M” sana ang gagawin ko para sa blog na ito kaso mahirap pala mag-isip. Sorry, tatlo lang ang nakayanan ko ngayon. Biglaan kasi itong topic na ito.

Gusto ko lang imbitahan kayo na makilahok sa 2015 Saranggola Blog Awards. Ito ay taunang patimpalak para sa mga Filipino bloggers. Kung mahilig kang magsulat ng mga tula, maikling kuwento, kuwentong pambata, at sanaysay, dapat kang sumali! Alam kong madami ka pang katanungan. Bisitahin mo na lang ang kanilang FAQs: Ano ang Saranggola Blog Awards?

Noong nakaraang taon, lumahok ako sa pagsulat ng maikling kuwentong may kinalaman sa pag-ibig. Hindi ko akalain na makakasama ito sa mga magwawagi. Unang beses ko kasing sumali sa ganoong patimpalak. Madalas kasi ay mga Math Competition ang sinasalihan ko. Saka unang pagkakataon kong gumawa ng maikling kuwento. Promise! Ang title ng aking entry ay “Ang Crush Kong Blogger“. Nakatanggap ito ng ikatlong karangalan. Edi wow! Dahil madaming positibong komento ang aking natanggap, ginawan ko ito ng sequel at ginawa kong isang libro (self-published). Walang imposible! Kaya sali na! May cash prize na 5,000 pesos ang mga mananalong unang karangalan.

Ngayong taon, ito ang mga kategorya:

1. Pagsulat ng Tula (Diona)

Pitong (7) Diona na tumatalakay sa pagka-Pilipino; Buhay at gawi o maging pang araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

2. Maikling Kuwento ng Kabutihan ng Tao

Maikling kuwento na nagtataguyod sa dangal ng mga tao. Kuwento ng inspirasyon, kadakilaan, pag-asa at kalikasan ng mga tao bilang mabuting mga nilalang.

3. Kuwentong Pambata (Pabula)

4. Pagsulat ng Panukalang Proyekto (Konseptong Papel “Sampung Libong Pangarap Para sa Edukasyon”)

Sumulat ng Simpleng Konseptong Papel na may proyektong magtataguyod sa edukasyon. Ang proyekto ay kinakailangang nagkakahalaga ng hindi hihigit sa Sampung Libong Piso (P10,000). Ang mapipili ay pagkakalooban ng P10,000 na gagamitin para isakatuparan ang proyekto.

Gusto kong salihan itong #4! Awesomeness! Tamang tama ito sa aming Project LiBro. Pero gusto ko ding salihan ang maikling kuwento ulit! Hmmmmm… Abangan na lang natin! Mas maganda kapag surprise! Parang pagdating daw ni Mr. Right sa bawat kababaihan. Surprise.LOL!

Para sa kabuuang detalye ng patimpalak ngayong taon, puntahan ang www.sba.ph 🙂

Saranggola Blog Awards

***

Kung may ibong mababa ang lipad, may saranggolang mababa ang lipad din ba? – Tanong Lang

Kapag ang saranggola nasira na, anong mangyayari? Edi siranggola! – Sagot Lang

There is only one sin, only one. And that is theft. Every other sin is a variation of theft… When you kill a man, you steal a life. You steal his wife’s right to a husband, rob his children of a father. When you tell a lie, you steal someone’s right to the truth. When you cheat, you steal the right to fairness. – From the Movie, Kite Runner

“It may be unfair, but what happens in a few days, sometimes even a single day, can change the course of a whole lifetime…”
― Khaled Hosseini, The Kite Runner

“It always hurts more to have and lose than to not have in the first place.”
― Khaled Hosseini, The Kite Runner

“Buto’t balat, lumilipad.” – Bugtong

“Buto o Balat? Puso o Isip?” – Both (#AlDubMostAwaitedDate)

Single by Choice or Single by Chance? – Doctor Eamer

Photo Credit (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

place your ad here

Advertisements

28 comments on “Ang Tunay na Pag-ibig ay Parang Isang Saranggola

  1. anghulinghugotero
    September 30, 2015

    Pwede pa bang sumali?

    Liked by 1 person

  2. njgparas
    September 30, 2015

    Gusto kong makilahok!

    Liked by 1 person

  3. Madz Madaje (BetterCurly)
    September 28, 2015

    Yey! Tuloy ang paglipad ng Saranggola 🙂 Never ko napalipad ang mga saranggolang ginawa ko noong bata pa ako… pero noong nakaraang taon, sa ibang paraan lumipad ang saranggola ko ^_^ Sana marami pang sumaling manunulat ngayong taon!

    Liked by 1 person

  4. nilyncartagena
    September 26, 2015

    Hay, naalala ko tuloy dati nung bata kami super saya magpalipad ng saranggola. Ngayon, wala na, nga-nga, konting konti nlang ang nakikita kong bata na nagpapalipad ng saranggola. Kaya nga pag nakauwi kami sa probinsya, magpapalipad ako ng saranggola.

    Liked by 1 person

  5. Ellieshana - (Ellie)
    September 25, 2015

    ang tunay na pag-ibig. paano ang tamang pag-ibig kuya? haha. 😀

    Liked by 1 person

  6. signorinamelrice
    September 23, 2015

    Again, you never fail, doc. 😀

    Hindi ba banned ang mga sumali at nagwagi ng nagkaraang taon? Unfair naman sa mga baguhan. 😀

    Liked by 1 person

  7. atekaking
    September 23, 2015

    Galing mo talaga Doc!!!

    Liked by 1 person

  8. RheaAngeline
    September 23, 2015

    binasa ko kahapon ang patimpalak ngunit dumugo ang ilong ko. nangangahulugan lamang na hindi ako angkop sumali dito. HAHA.

    Panalo ito. Napasaya mo ang umaga ko:
    Kung may ibong mababa ang lipad, may saranggolang mababa ang lipad din ba? – Tanong Lang

    Kapag ang saranggola nasira na, anong mangyayari? Edi siranggola! – Sagot Lang

    And yes, kinikilig pa din ako:
    “Buto o Balat? Puso o Isip?” – Both (#AlDubMostAwaitedDate)

    Liked by 2 people

  9. njgparas
    September 22, 2015

    Interesting!

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: