Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Ver Months Na!

Christmas GIF

Ito na ang panahon para matagpuan ninyo ang inyong foreVER. Huwag mo siyang hanapin dahil hindi naman siya nagtatago. Baka kailangan mo lang yumuko para makita siya. Sorry naman daw, he/she is vertically challenged. O di kaya’y kailangan mo lang gumising sa iyong laging pangangarap. Make some actions bro. Walang mangyayari kung hanggang pangarap ka na lang. If you have a dream, pursue it. Just do it.

Ngayong VER months ay mauuso din ang isang nakakahawang sakit na kung tawagin ay feVER. Sabi sa datos na aking nakalap, mataas ang porsyento na mga single ang binibiktima ng sakit na ito. Mukha namang totoo ang datos dahil ako mismo ay nabiktima ng feVER. Para pala itong pana ni kupido na kahit anong iwas mo ay tatamaan ka pa din. Ayun, two days akong love sick este sick leave.

Masaya naman pala maging tambay paminsan minsan. Kain. Tulog. Nood. Tulog. Kain. Pahinga. Kain. Tulog. Kung mahigit sa kalahati ng populasyon ng Pilipinas ay ganoon, hindi tayo uunlad. Kaya saludo po ako sa mga Pinoy na nagsusumikap para lamang maitaguyod ang pamilya sa pang-araw-araw. At sabi nga nila basta makakain ng tatlong beses sa isang araw. Although may ilang pasaway na mga tatay pa rin na di bale nang hindi sila makakain ng tatlong beses basta makainom ng tatlong beses sa isang araw. Mga tatay, aba ay alagaan po ninyo ang inyong kalusugan. Maaaring hindi pa po ninyo nararamdaman ang masamang dulot sa katawan ng alak o alcohol, pero nasa huli po ang pagsisisi. Magsalabat na lang po kayo, gaganda pa ang boses ninyo kaya pwedeng-pwede nang haranahin si misis.

Kaya kung single ka, doble ingat: (1) mag-ingat sa feVER at (2) mag-ingat sa mga manloloko na sasaktan lamang ang puso ninyo.

Sabi nila kapag nagsimula na daw ang VER months, ito na ang hudyat na papalapit na ang pasko. Kaya paghandaan mo na ang mga inaanak mo para sa kanilang mga regalo. Sana pala may hudyat din ang tadhana na paparating na siya para naman kahit papaano prepared ka. Mahirap kasi na prepared na pala ang lahat, ikaw lang pala ang hindi. Ikaw pala yung may takot pa. Ikaw pala yung ayaw pa sa commitment. Ikaw pala yung hindi pa alam ang gusto sa buhay. (Shout out to that guy na pinaasa ang isang close friend ko. #JusticeForB)

Sabi ng mga kaibigan ko na single, ito ang season na minsan ay sinusubok ang katatagan nila. Ito kasi yung season na madaming kinakasal. Madaming HHWW sa park. Madaming sweet couples ang nagsisimbang gabi. Madaming classmates mo dati ang mamasko na may kasamang mga anak. Asan ang hustisya?LOL! Maybe God wants you to be a blessing to this season, right? Maybe God is telling you that you have your trusted friends and families. So hindi ka nag-iisa. Maybe you should appreciate them more.

Nitong ilang araw na nagkasakit ako, nagpapasalamat talaga ako sa parents ko. Grabe sila magkalinga. Actually gusto ko nang pumasok sa work today dahil mas nanghihina ako kapag walang ginagawa but they insisted na magrest muna ako baka.daw mabinat. Anyway, kaya ito may time na magsulat. Actually I am reading two books in a row this day. Patapos ko na nga parehas. Isang about start up business and isang about story of a mom who lost her son because of alcoholism. Anyway, I might make book review on that since kilala ko personally ang author.

Mauuso din daw ngayong VER months ang mga katagang “NeVER Assume!” Tama nga naman. Sabi pa nga sa accounting rule, never assume unless otherwise stated. Okay. Fine. Never assume na may matatanggap kayong regalo kung ikaw mismo ay hindi nagbibigay. Never assume na mahal ka niya kahit na mahal mo siya. Never assume na walang pasok agad kahit malakas ang ulan. Never assume na papayat ka agad kung hindi ka naman nag-eexercise. Just never. Ok?

Congrats to all the loVERs out there. Inyong-inyo ang season na ito. Please, huwag masyadong PDA. Haha!

Para naman sa mga nagmahal at nasaktan, you can avail the promo of uVER Taxi. Libre sakay para sa mga sugatang puso. Pagbaba mo ng taxi, kapag may kakilala kang nagtanong sa iyo, “Kamusta kayo ni…” Ang isagot mo lang ay “It’s uVER!”

Sorry daw dahil kung ano ano na ata ang naisulat ko. Haha! I was just typing sana for a post update para sa Facebook Page pero dahil mahaba na, gagawin ko na lang article.

Vyers! Pasok na ako work bukas. ๐Ÿ™‚

***

Advertisements

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on September 1, 2016 by in Love & Relationship.
%d bloggers like this: