Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Ano ba ang dapat ninyong gawin para hindi manlamig ang relasyon sa bawat isa?

panlalamig

MALAMIG. Minsan pasko. Minsan yelo. Minsan simoy ng hangin. Madalas relasyon. 🙂

Isa sa mga sanhi ng hiwalayan ng mga magkarelasyon ay ang panlalamig sa pakikitungon nila sa bawa’t isa. Bakit kaya? Baka may third party involved.Nangyayari talaga ito sa isang magkarelasyon. Sad reality.

Ano nga ba ang maaaring gawin para hindi manlamig ang mga magkarelasyon?Ito ang mga hakbang na dapat mong gawin para manumbalik ang tamis at anghang ng pag-iibigan ninyong mag-asawa o magkasintahan 🙂

1. Bigyan mo siya ng jacket.

Baka literal nilalamig kasi siya. LOL! Kidding aside, a tight hug sometimes can calm him/her kapag nagagalit siya. Sabi nga ni Ann Hood, “I have learned that there is more power in a good strong hug than in a thousand meaningful words.”

2. Alamin ang ugat ng problemang kinakaharap .

Dapat ma-identify mo sa iyong sarili, “bakit nga ba nanlalamig ang aming relasyon?”  dapat alam mo kung bakit. Ito ba ay dahil sa wala kayong oras sa isa’t isa o kaya’y wala ng intimate relationship sa inyong dalawa. Ikaw mismo ang makakaramdam ng problema at ang importante ay nare-realize mo na ito ang problema.

3. Kausapin ang partner.

Oo, dapat magusap kayo upang marinig at malaman ang saloobin ng bawat isa. Mahirap na hindi kayo mag-usap dahil hindi masusulosyonan ang isang problema kung hindi kayo makapag-usap higit sa lahat hindi ninyo malalaman ang nararamdaman ng iyong partner.

4. Makinig at intindihin ang problema ng bawat isa.

Syempre hindi maiiwasan sa isang relasyon na magkakagalitan kayo, o kaya’y hindi ninyo magugustuhan ang sinabi ng bawat isa. Pero dapat marunong kang magtimpi at making sa iyong partner. Hindi lamang ikaw ang may issue sa inyong dalawa pero dapat making ka rin sa kanyang problema. Dito mo malalaman kung paano o bakit nangyayari ito sa inyo ngayon.

5. Maging sensitibo sa kinakaharap na problema.

Pagkatapos ninyo pagusapan at mailabas ang saloobin ng bawat isa ukol sa problemang kinakaharap dapat alamin ninyo kung ano na ang dapat ninyong gawin upang maiayos ang problema. Mag-isip ng solusyon para naman maisaayos ito ng mabuti.

6. Unawain ang pangangailangan at saloobin ng bawat isa.

Kapag nalaman ninyo ang solusyon para maiayos ang problema, make it to a point na naiintindihan ninyo ang pangangailangan pati narin ang nararamdaman ng iyong boyfriend or girlfriend. Iwasan ang mga bagay bagay na maaring makasira sa inyong relasyon. Maging sensitibo at gumawa ng unang hakbang para maisaayos ang problema.

7. Pray.

Ito talaga dapat ang unahin ninyo! A couple that prays together, stays together. Kailan ba kayo huling nagdasal? 😉

***

Ito ay isinulat ni Yvonne (My Happy Hub). Check her blogsite here. Isa din siya sa Top 10 Emerging Influential Blogs of 2015. 🙂

PS: Paborito ko kasi talaga ang number 7. Kaya dinagdagan ko ang limang paraan na binigay mo. Ang una at huli ay ako ang gumawa. 🙂

***

Salamat sa pagsubaybay sa aking mga blogs! Abangan araw-araw ngayong Oktubre ang aking mga blogs bilang paggunita ko sa aking 1st year blogging anniversary.

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

PLACE YOUR AD HERE

place your ad here

Advertisements

7 comments on “Ano ba ang dapat ninyong gawin para hindi manlamig ang relasyon sa bawat isa?

  1. dianecheng
    October 27, 2015

    Natawa ko dun sa “Bigyan mo siya ng jacket.” ^__^

    Liked by 1 person

  2. RheaAngeline
    October 27, 2015

    i suggest #1 ang prayer. 🙂

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on October 26, 2015 by in Love & Relationship and tagged , , , , , .
%d bloggers like this: