Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Panakip butas nga ba ang tawag dito?

panakip butas

Kwento muna about dati…

Childhood friend ko siya. Nagkakilala kami kasi pamangkin siya ng asawa ng tito ko. Hindi kami parehas ng school na pinasukan pero kahit na ganoon ay araw-araw kaming nagkikita kasi ang Mama niya ay may business at napapadaan sila sa bahay lagi.

Dati we’re cool kids. Naglalaro at minsan nag-aaway. I admit naging crush ko siya noong kami’y mga bata pa. Siguro mga Grade 6, parang madalang na kami magkita. Ewan ko kung anong nangyari, private matter I guess. Hanggang sa umalis na ako ng Pinas. Wala na kong alam sa kanya. Hindi na kami nagkita, kahit na sa mismong araw nang aming pag-alis.

Taong 2015, Buwan ng Enero nagsimula ang lahat.

Una, nakita ko ang ate at kuya niya sa Facebook kaya inadd ko sila since close naman kami dati. I tried to find his Facebook account dun sa friend list ng ate at kuya niya pero hindi ko makita and take note hindi ko na rin alam spelling ng pangalan niya hahaha!

Inaccept ako ng ate niya, nagkamustahan tapos nabanggit niya nga si childhood friend.

After a week siguro, may friend request tapos there he goes, si childhood friend nag-friend request. halo halo ang nararamdaman ko. I feel so happy kasi sa wakas magkakausap na din kami after a long time. It’s been 5 years since our communication cut off.

Nagpost siya sa wall ko ng ‘’Kamusta kana? Naalala mo pa ba ako?”  So nagcomment naman ako ng “Okay lang, oo naman! Ikaw ba kamusta?”

Naging chat box ang comment thread. Tapos ang ate ng friend ko na kakilala niya rin ay nag-comment: Huwag kang magpapaloko diyan!

Nagsimula sa post sa wall, naging chat box ang comment box at nauwi na sa private message.

Unang chat, kamustahan, at kuwentuhan ng kung ano na ang mga nangyari sa buhay-buhay naming. Ang daming changes.

Two weeks siguro after he sent friend request, nagtanong na siya kung may pag-asa siya kapag manliligaw siya. Kasi alam niyang wala akong boyfriend.

Ang awkward para sa akin kasi wala akong clue sa kung ano ba dapat ang isasagot sa ganoong tanong. Kaya ka nga manliligaw, you have to prove yourself first to her na pwede ka niyang bigyan ng chance, na karapat-dapat kang mabigyan ng pag – asa kasi ikaw mismo ang gagawa noon.

Isa lang ang sinabi ko sa kanya “Ang dami ng nanligaw sa’kin (not bragging) pero totoo. Isa lang ang sagot ko, NO PERMISSION TO MY PARENTS. That’s really impossible for you na mapa-oo mo ako, saka hindi naman iyan minamadali.”

Seryoso ako doon sa sinabi ko. Kasi may nanligaw sa’kin and it took him 4 years bago sumuko talaga. As in totally sumuko. Hindi ko sasabihin na pinaasa ko siya kasi una palang sinabi ko na AYOKO kasi kuya at hanggang kaibigan lang tingin ko sa kanya. Tapos  four years umabot pero kahit minsan hindi niya nagawa na mag-ask ng permission sa parents ko. Kaya sabi ko hindi siya seryoso kasi kahit gaano katagal ang courtship pero kung isang dapat gawin ng manliligaw hindi magawa wala pa rin kuwenta yun.

Yes! So iniisip niyo na sobrang big deal sakin non? OO as in YES! Sobrang big deal sakin yun na dapat magpaalam sa magulang mo ang nanliligaw sayo. Kasi one way of showing his respect to your parents. Saka sobrang respect ko din naman sa parents ko, kaya iyon ang number one rule ko. Kung sino makakagawa noon ay may chance na mapa – oo ako. Pero syempre dapat may effort pa rin. Parents instinct are the best! They know kung seryoso ba sayo talaga ang guy o hindi, kaya girls dapat wag agad agad OO saka wag kung saan saan mag-paligaw mas maganda pa rin sa bahay.

“Okay lang anak na mag boyfriend ka, ang sa akin lang ayokong malaman ko kung kani-kanino. Gusto ko mismo sayo manggaling.” – Laging sinasabi sakin ng dad ko.

Tapos ang sabi niya paano daw siya magpapaalam sa parents ko kasi ang layo nila. Sabi ko “Find a way.” Tapos nakita ko na inadd niya si papa sa Facebook at gumawa siya ng group chat. Nagpaalam rin siya sa ate niya, okay naman. Wow diba? Mukhang kapani-paniwala talaga ang sincerity kuno niya!

Ligawan blues na, araw-araw magkausap. Pagkagising ng umaga ay may message at miscall na agad sa viber. Nasama na siya sa routine ko na araw-araw kausap siya at araw-araw katext siya. Tulad ng kumain kana, nandito na ako sa school, text you later after school.

Pero napansin ko na one month na ang nakalipas hindi pa rin siya nagpapaalam sa parents ko kaya parang ako OKAY! STOP! Sinabihan ko siya one time lang and after that wala na.

Dumating ang dalawang buwan ng hindi parin niya nagagawa. Pero nahuhulog na ko sa kanya nun.

Isang beses sinabihan ko siya, “Kapag may gagawin ka sabhin mo naman sakin ano ba naman yung sabihin mong busy ako mamaya na lang.’’ Iyan lang ang sinabi ko at nagsimula na ang away. Grabe lang! Ginawang big deal. May mga masasakit siyang sinabi sakin at saka sumusuko na daw siya na manligaw. Sabi ko, “Okay bahala ka.”

Iniiyak ko lang. Kinabukasan more than 15 messages and 5 calls from him sa viber. Nahingi ng sorry. Tapos nag-usap kami. Itutuloy daw niya ang ganito ganyan. Pagod lang daw siya.
Naging okay ang lahat. Tapos ewan ko nahuhulog na talaga ko pero keri pang icontrol naman.

Three months had passed. Ito ang turning point at katapusan ng kasinungalingan niya. Ang daming pa niyang segway. “Sana maging magkaibigan pa rin tayo.” “Sana wag kang magagalit sa akin.”

Sinabi niya na may GF daw siya sa Pinas. Naiyak ako ng sobraaaa!! Kasi naman! Na-fall na ako haysss! Mahal ko na eh. Hindi naman mahal na mahal pero may feelings na ako for him.

Ako: Thank you
Siya: Bakit?
Ako: Thank you for letting me know at thank you kahit medyo pinatagal mo sinabi mo pa rin
Siya: Galit ka?
Ako: Eh g*go ka pala! Lakas mo magtanong niyan. Bakit ka nga pala nanligaw ng may GF?
Siya: Eh kasi nag away kami nun, kaya naisipan kong manligaw.
Ako: Okay?? So sa tingin mo mapapa-OO mo ako agad ng ganoon lang? Pwes! Mali! Hindi mo na ko talaga kilala. Sa tagal na rin naman eh.
Siya: Sorry sana talaga maging mag kaibigan pa rin tayo.
Ako: Okay na! I can’t! Once you fall inlove with someone there’s no turning back of just being friends with him.
Siya: Sorry talaga sorry, murahin mo na ako, labas mo lahat ng galit mo.
Ako: Okay na sabi.

Tapos tumatawag siya. Ayokong sagutin kasi umiiyak ako

Siya: Sagutin mo lang isang beses tapos hindi na ako mangungulit

Sinagot ko, hindi ako nagsalita, sabi niya lang “Sorry” tapos after that pinatay ko na. Sabi ko sa kanya na hanggang sa muli. Hindi man kita mapatawad pero hayaan mo dadating yung panahon na mapapatawad din kita. Okay na! tapos I blocked him sa viber pero sa FB hindi. I want him to see me na kahit ganoon ay masaya ako.

Ang saklap noh? Ilang araw ko lang iniyak, nilabas ko lahat ng galit ko. Kinuwento at umiyak ako sa harap ng kapatid ko. After that wala na, pero andoon pa din ang galit.

Pero kailan lang ay naging okay na ang lahat. Ilang buwan na rin kasi ang nakalipas noong mangyari iyon. Nagkausap ulit kami sa Facebook. Humingi ulit ng tawad. Tapos sabi ko, “Ang ano lang noh? Kasi sa dami ng nanligaw sakin, pangalawa ka palang sa nakakuha ng puso ko. Pero siguro hanggng doon lang. Hindi pa ito ang tamang panahon. God knows kung kailan at Siya ang mag bibigay ng pahiwatig kung ano ba talaga. Okay na ako ngayon. It’s really about accepting things na hindi talaga pwede kasi kapag pinagpilitan ay magiging complicated. Kaya pinapatawad na kita sa kung anoman ang ginawa mo. Kalimutan na natin iyon, at palitan ng magagandang memories.”

Okay na! back to normal. We don’t talked everyday kasi busy ako at busy siya. Pero once a week nagkakachat pa rin kami.

Minsan talaga kailangan mong magpatawad kahit gaano pa kasakit ang pinaramdam sa iyo ng tao na iyon. Kasi ikaw at ikaw lang rin naman ang mahihirapan kapag hindi. Masarap ang magpatawad. Lalo na kung walang galit na talaga sa puso mo. Napaksarap sa pakiramdam. Kailangan natin ng matinding pang-unawa kung bakit ang mga gusto natin ay hindi natin makuha kasi nga hindi lahat ibibigay satin ni God. Kasi alam niyang may better pa, may mas maganda siyang plano para sa atin.

***

Sa mga makakabasa nito, I hope you will learn from this. Ang nagsulat pala nito ay si Christiajoy (Amazing Cee Jay). Sorry for the title CJ! Wala akong maisip. Saka in a question form nga iyon kasi hindi ako ganoong kapamilyar sa term na iyon.haha Anyway, it’s jut a title. 🙂

PS: Pwede mo ding huwag na ichat si friend mo. Mas makakabuti sa inyong dalawa iyon. Anyway, next time, mag-ingat na!

PSS: Maligayang kaarawan sa iyo ngayon! Seek maturity in aspect of your life. Be a blessing to others! Cheers to a new year! More fruitful years to come. God bless.

***

Salamat sa pagsubaybay sa aking mga blogs! Abangan araw-araw ngayong Oktubre ang aking mga blogs bilang paggunita ko sa aking 1st year blogging anniversary.

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

PLACE YOUR AD HERE

place your ad here

Advertisements

21 comments on “Panakip butas nga ba ang tawag dito?

  1. unjellanera
    October 27, 2015

    Ramdam na ramdam ko naman itong post na ito! Hahaha. Masarap magpatawad but only God and time can tell kung kailan. It really takes time. 🙂

    Liked by 1 person

  2. PrinceLove
    October 26, 2015

    “Minsan talaga kailangan mong magpatawad kahit gaano pa kasakit ang pinaramdam sa iyo ng tao na iyon. Kasi ikaw at ikaw lang rin naman ang mahihirapan kapag hindi. Masarap ang magpatawad. Lalo na kung walang galit na talaga sa puso mo. Napaksarap sa pakiramdam. Kailangan natin ng matinding pang-unawa kung bakit ang mga gusto natin ay hindi natin makuha kasi nga hindi lahat ibibigay satin ni God. Kasi alam niyang may better pa, may mas maganda siyang plano para sa atin.”
    —AMEN!! 😛

    Liked by 1 person

  3. RheaAngeline
    October 26, 2015

    just when i wondered how young she is, thanks for the previous comment. 🙂

    kudos for the “magpaalam muna sa parents ko” rule. very important. i just hope that you’ve learned from this experience and that you will be able to completely forgive the person. 🙂

    medj relate ako dito. lol. “…araw-araw magkausap. Pagkagising ng umaga ay may message at miscall na agad sa viber. Nasama na siya sa routine ko na araw-araw kausap siya at araw-araw katext siya. Tulad ng kumain kana, nandito na ako sa school, text you later after school.”

    Liked by 2 people

  4. clauie belle
    October 25, 2015

    Ehem. Belated Happy debut, Christia! 😘

    Liked by 2 people

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on October 25, 2015 by in Love & Relationship and tagged , , , , , .
%d bloggers like this: