Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Do you have an experience of stalking someone? Share a story.

A girl who is stalking

1. Do you have an experience of stalking someone? Share a story.

Unang una sa lahat, ‘di ako nag-stalk kung ‘di rin sya nang stalk. I’ve learned to stalk other people kasi na-experienced ko, na-witnessed ko at naramdaman ko. Maraming beses na rin akong nag-stalk, particularly sa EXes ko and their new found glory.

I hate to admit it pero halos araw-araw, tipong pag gising sa umaga, bago matulog or kapag walang magawa. Masakit ipin ko, bago maligo. Yung pakiramdam ko ba eh, ang pangit-pangit ko dahil sa pinagpalit nya ako sa iba. Unhealthy. Yung feeling na “anung meron sya na wala ako.”

But before this, nakita ko rin kasi yung ex ko na nag-stalk through Facebook,  nasilip ko lang habang magkatabi kami sa upuan, natandaan ko yung name sa search bar ng FB nya, at yun na ung naging gf niya ngaun.

Syempre, nagselos ako nung nakita ko na sinearch pa niya yung name ng girl tapos nung tinanong ko sya kung bakit, sagot niya “Wala lang, curious lang ako sa kung ano na ang nangyayari sa kanya.” “Wala lang.” “Hindi naman ako nagtagal sa page niya ah.” “Wala naman talaga, nakita ko lang siya na nag-greet sa fb ng pinsan ko.” “Masama ba. Wala naman akong ginagawa.” Mga sagot nya. (Naniwala ako sa denials niya. Kaya eto nganga.)

Tapos nung nag-break kami, ayun naging sila kaagad. (It hurts you know!! ) Kaka-stalk, kaya ko nalaman.

Kaya ‘di ko maiwasan mag-stalk, iniisa isa ko mga photos ni girl at ni ex, pati comments,iIlan ang nag-like,  san sila nag-date,  anong pangalan ng aso nya, anong brand ng damit nya, mga ni regalo sa kanya, sino mga friends nya, paano naging sila, kelan at saan.

Hanggang sa makontento ako at ipamukha ko sa sarili ko na niloko nya ako at mamuo ang galit. Grabe, di ko ma imagine. Nabaliw ata ako sa depression.

2. What are the reasons why people are stalking? How did they do it (Facebook stalking, etc?)

Sa naging experience ko, first reason is gusto kong maging updated sa lifestyle nila. Tipong ano na bang nangyayari sa kanya, saan na sya ngayon. Anong madalas niyang ginagawa.

Second reason is, interesado ka sa kanya. (Kung hindi eh bakit kailangang i-search) may gusto kang malaman.
Third,  curiosity about sa kanya, sexy ba, maganda ba, gwapo pa rin ba, bagay ba sila, bagay ba kami, dislikes and likes nya. Papansinin kaya nya ako. Mas ok ba sya, mas ok ba ako. (ANG HARDDDD!!! )

Last siguro is, may feelings ka (pa rin) sa kanya. Di maka-move on.  May regrets. Affected ka pa rin. (Sakit lang!)

Usually pag-stalk, lalo na pag malayo, fb ang gamit. Most of the time. See Activity Log, kung alam mo yung password nya. Kung hindi naman eh ung mga likes sa photos nya o ni girl.  Dun ko lang nalalaman na may something* kapag excessive na ang mala-bagyong likes at comments ni BF sa iba.

3. Have you stalked someone before? Share a story.

Marami na gaya nung na kwento ko sa unang question. I really didn’t expect na somehow it helped me, somehow it didn’t. You tend to know them based on their post, likes and comments. Minsan nakakatuwa, minsan hindi.

Pag medyo bitter ako, syempre laging galit,  insecure. In short, Nakakasakit sila, at nakakasakit na rin para sa sarili ko.

Na realized ko, it’s not worth it. Mas ok pang di ko alam. Mas ok pang di ko nakita. Pero di mo maiwasan, lalo na kapag di ka kontento sa mga reasons nya sa’yo nuon at kung bakit hindi nagwork yung relationship nyo at sa iba ay mukhang ok naman.

Hanggang sa maiiwasan na maging stalker, iwasan. Lalo na kapag may gf/bf ka na. Ksi it’s either ikaw ang makasakit or ikaw ang masaktan. Ok lng sguro kung single ka pa or searching for pa.

Ini-stalk nya, for whatever reason, nakita mo, nasaktan ka, nag break kau, naging sila, tas Ini-stalk mo, nasasaktan ka, masaya ba? Sakin di eh. There’s no point of hurting yourself or hurting others feelings.

Di naman sa possessive or obsessive, minsan kasi be considerate naman sa feelings ng iba lalo na kung inlove si bf/gf sa’yo. Wag masyadong Confident.  Walang forever.

4. What are the negative impacts of stalking?

Depression, extreme obsession,  Anger, Guilt, regrets, discontent.

5. Any message to all people who might be stalking others in one way or another.

Ok naman maging stalker ka ng isang tao kapag healthy ang benefits nito. Or kung Nagiging happy ka every time you see or heard of them. Without others being hurt. Di naman kasi ako Mang stalk kung wala akong nararamdamang kakaiba.

I’ve learned my lessons na hindi ok ang maging stalker. Nasasaktan lang ako, in any way. Kaya wag na kayong Mang stalk hanggat maari. Ma kontento sa page mo at magbasa ng bible, stalk natin si God mas beneficial pa at it will make you positive and healthy human being. Feeling magaan ang dating and ull be contented with yourself and your lifestyle. Ull appreciate yourself more and love na ang mararamdaman mo di na hatred pag si God ang Ini-stalk mo.

Sa iba na stalker.

Kung pwede lang, tignan mo muna ang paligid mo kung may nasasaktan ka na kaka stalk mo. May feelings ang tao. Kapag na huli ka nyang Nang stalk ng iba, pakisagot ng maayos yung mga tanong nya sa’yo. All the why’s. At wag mo ng ulitin.

Be responsible sa mga actions mo.  Kung single ka at Nang stalk ka, carry pa. Pero kung may gf/bf ka na, be contented. Para di ka naman makasakit.

Iba iba ang tao, Sana ilugar mo. Baka gawin  nya rin sa’yo ung ginawa mo sa kanya. Bad or good. Di man ipakita sa’yo, may oras na mararamdaman mo rin and for me I really hate regrets.

Maraming salamat Esmeralda for being part of this Chat Interview Series! Kung may maipapayo man ako about stalking, basahin mo na lang ang dati kong post True Stories: Lesson Learned from Stalking. Madami kang matutunan diyan dahil isang eksperto ang nagkuwento nito. 🙂

“Been there, done that. I stopped not because I want to, but I have to. I was able to stop not because of my own strength but God told me to surrender everything to Him. Totoo naman na stalking is just a by-product of the pain and agony that I’m feeling. So I surrendered my emotions to God. Mahirap, yes. But why would I continue to be such a loser when I can move forward and be a better person? “

***

Advertisements

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on July 23, 2016 by in Love & Relationship.
%d bloggers like this: