Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Positive Quotes Para sa mga Kukuha ng Exam

myles munroe

1. “Hindi lahat ng nagpapasaya sa atin ay tama. Pero ang tama ay marahil masakit sa umpisa, pero siguradong sa huli tayo ay mapapaligaya.” – Maricel SorianoA Love Story (2007)

>>>Papasa kayo! Nasa huli ang ligaya! 🙂

2. “Noong una hinangaan kita. Pero nang makilala kita, sinabi ko sa sarili ko na hindi lang kita papantayan, lalampasan pa kita!” – Sharon CunetaBituing Walang Ningning (1985)

>>>Sige! Ikaw na ang top 1 sa exam! 🙂

3. “Ang mga tala–mataas, mahirap maabot. Pero ipinapangako ko, Inay, bukas, luluhod ang mga tala!” – Sharon Cuneta, Bukas Luluhod ang mga Tala (1984)

>>>Luluhod ang mga tala kasi pasado kayong lahat sa exam! 🙂

4. “Ako legal wife!” – Zsa Zsa Padilla, Mano Po 2 (2003)

>>>Ikaw, legal passer 🙂 Congrats in advance!

5. “Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?” – Vilma SantosSister Stella L. (1984)

>>>Ngayon! Sigurado ako, ngayon ka papasa 🙂

6. “Simple lang naman ang hinihingi ko. Kung hindi mo ako marespeto bilang asawa, respetuhin mo naman ako bilang kaibigan. Kung hindi naman, respetuhin mo ako bilang tao.” – Vilma SantosRelasyon (1982)

>>>Alam kong simple lang din ang hinihiling mo. Makapasa sa exam. Kaya mo iyan! Ikaw pa! 🙂

7. “Kung saan, kailan, at paanong labanan, magpasabi ka lang. Hindi kita uurungan!” – Sharon CunetaDapat Ka Bang Mahalin? (1984)

>>>Parang exam lang. Walang urungan! 🙂

8. “Oh yes, kaibigan mo ako. Kaibigan mo lang ako…. And I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best friend.” – Jolina MagdangalLabs Kita… Okey Ka Lang? (1998)

>>>Saka na ang love life! Exam muna. Focus! 🙂

9. Akala mo lang wala… pero meron! Meron! Meron!”

– Carlo AquinoBata, Bata…Paano Ka Ginawa? (1998)

>>>Meron at madami kang maisasagot sa exam! 🙂

10. “Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Nasa puso nating lahat!” – Nora AunorHimala (1982)

>>>Ang pagpasa mo ay hindi himala. Nasa puso mo lang iyon. Sabihin mo sa puso mo, papasa ako! 🙂

11. “One of the best feelings in the world is knowing that your presence and absence both mean something to someone.” (From #AlDubMostAwaitedDate)

>>>Hindi din! Best feeling pa din kapag pumasa sa exam! At alam kong mararamdaman mo na iyon. Malapit na! 🙂

12. “Love is sweet when it’s new, but it’s sweeter when it’s true.”(From #AlDubMostAwaitedDate)

>>>True! Papasa ka! True iyon! 🙂

13. “Sa Pag-ibig, walang malalim na dagat. Sa Pag-ibig, walang malayong landas.” (From #AlDubMostAwaitedDate)

>>> Sa Pag-ibig, walang mahirap na compre exam! Mahal ka ng Envi Sci Soc! Sapat na Pag-ibig na iyon. Kaya mo iyan! 🙂

14. “When someone else’s happiness is your happiness, iba na yan!” (From #AlDubMostAwaitedDate)

>>> Kaya nga masaya kami sa iyong pagpasa sa exam! Tiwala lang! 🙂

15. “No matter how long it takes. True love is always worth the wait.” (From #AlDubTrueLoveWaits)

>>>Matagal ka ding nag-aral para sa compre. It’s worth it for sure. Papasa ka! Cheers! 🙂

16. “Once you’re in love, you’ll find it very hard to sleep. Because you realize that your real life is better than your dreams.”(From Boy Banat)

>>>Inlove ka pala sa compre! But I know your dream to pass will come into reality! Papasa ka! Cheers! 🙂

***

Hindi ko natapos ang dapat na blog ko for today kaya ito muna ang pamalit. Pero tandaan mo malayo ito sa ginawa kong blog last time, Panakip Butas. Pamalit lang talaga ito sa slot ng blog ko para ngayon. Dapat kasi tungkol sa Blogapalooza.

Anyway, ang context ng mga quotes na ito ay para sa mga kukuha ng Comprehensive Exam sa MS/PhD Environmental Science noong nakaraang linggo.

Alam kong madami sa kanila ang papasa! Sana nga 100% passing rate para history sa School of Environmental Science and Management (SESAM), UPLB. Kung nabasa mo ang aking ‘About Me‘ page, malalaman mo na ako ay kasalukuyan ding kumukuha ng MS Envi Sci.

Good night na muna! Super antok na ako!

***

Salamat sa pagsubaybay sa aking mga blogs! Abangan araw-araw ngayong Oktubre ang aking mga blogs bilang paggunita ko sa aking 1st year blogging anniversary.

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

PLACE YOUR AD HERE

place your ad here

 

 

Advertisements

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: