Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Do We Deserve a Second Chance?

second chances

Pwede bang hindi ka makamove on sa past relationship mo? ‘Yung tipong 7 years na ang nakakaraan, siya pa rin talaga. Sinaktan ka na’t lahat-lahat (iniwan, pinagpalit, itinaboy, inaway, kinainisan, sinaraduhan ng puso, binusted, etc.) pero ayan, kapit na kapit ka pa rin. Umaasang mamahalin ka niya at magiging kayo ulit. Pwede naman! Madami akong kakilalang ganyan.

“Once is enough.” Ito siguro ang isa sa mga pinakamasasakit na salitang iyong maririnig mula sa iyong dating kasintahan, na hanggang ngayon ay siya pa rin ang isinisigaw ng iyong puso at isipan.

Ilang beses na akong nasabihan ng mga salitang iyan. Hanggang napagtanto ko nalang din siguro sa akin na TAMA NA ANG MINSAN noong hindi na niya ako pinapansin at sobrang lumayo na siya sa akin. Pero hindi ko pa tanggap ng buong-buo. Umaasa pa rin ang wasak na wasak na puso na mabubuo ulit. Bubuuhin niya ulit at hindi na niya wawasakin.

Ang pag-asa ay unti-unting nawawala dahil binubuksan na niya ang puso niya sa iba. Ang mali ko, inunahan ko na siya. Bago pa naging sila, nanligaw na rin ako ng iba. Siguro, para maipakita kong tanggap ko na. Tanggap ko nang TAMA NA ANG MINSAN.

Pero tignan mo naman ang tadhana. Pagkalipas ng ilang taon nagkita ulit kami. Wala na akong girlfriend, wala na rin siyang boyfriend. Pareho kaming umaasang magiging forever na namin ang pinanggalingan naming relationships pero may wakas pa rin pala. In that time na nagkita kami, we encouraged each other na mas mag-focus pa kami sa trabahong pinapagawa ni God sa amin at mas mag-focus pa kami kay Jesus.

We’re better friends now. Hindi na kami tulad ng dati na naglalaro ng tagu-taguan. Lagi na kaming nagkakasama at nagtutulungan sa ministry. Pareho kaming masaya sa estado ng buhay namin ngayon. Ngayon ay mas naging mature na kami. Kahit minsan naaalala namin ang nakaraang aming pinanggalingan pero humuhugot lang kami ng lakas at pagmamahal mula sa Diyos na aming pinagsisilbihan.

Pagmamahalan. Oo, bumabalik na rin ang pagmamahalang inaasam-asam ko matagal na panahon na ang nakalipas. Sa pagdaan ng panahon ngayong kami’y laging magkasama, narealize ko na mahal ko pa rin siya. At siya pa rin talaga ang tinitibok ng puso ko.

Noong sinabi ko sa kanya na mahal ko pa siya, sa wakas – katulad ng langit na nagbukas ang pagtanggap niya ng pagmamahal ko sa kanya na hindi pa pala kumukupas. Ito na ‘yung pinaglalaban ko noon – SECOND CHANCE.

***

Hindi ko muna isisiwalat kung sino ang lalaki sa likod ng guest blogging na ito. Saka na lang. Kapag okey na talaga ang lahat. Sorry bro. I need to do this. πŸ™‚

My prayer is that God will align everything for both of you. Kung kayo, kayo talaga. Kung hindi, hindi talaga. Kung sila, sila talaga. Kung single ako, pakialam ba nila!LOL!

I know this is your special day. Cheers to your ministry. Hope to see you soon by December kapag napadpad ako diyan.

How about you dear readers? Ano ang maipapayo mo kay Mr. Second Chance? πŸ˜‰

***

β€œLove is sweeter the second time around.” – Anonymous

β€œLove is sweeter when you are around” – Sinonymous

β€œLove is like google, it can give you a million results but only the best one will come out on top.” – Matikas Santos

β€œTAMA NA ANG MINSAN. Pero tandaan mo, minsan lang kita iibigin at minsan lang kita mamahalin. Dahil ang minsan ay magpakailanman.” – Hugot sa isang kanta

Then Peter came to Jesus and asked, β€œLord, how many times shall I forgive my brother or sister who sins against me? Up to seven times?” Jesus answered, β€œI tell you, not seven times, but seventy-seven times.” – Matthew 18:21-22

***

Legend: Kapag ganitong kulay ang nababasa mo, ibig sabihin ako ang nagdagdag noon.

Salamat sa pagsubaybay sa aking mga blogs! Abangan araw-araw ngayong Oktubre ang aking mga blogs bilang paggunita ko sa aking 1st year blogging anniversary.

Dr. Eamer’sΒ FB Page:Β https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Lazada Philippines

Advertisements

11 comments on “Do We Deserve a Second Chance?

  1. signorinamelrice
    October 11, 2015

    Happy for you, bru! πŸ™‚
    With God at the center of your relationship, of that second chance, nothing will ever shake/destroy you. πŸ™‚

    Liked by 1 person

  2. For me, “second chance” is a form of love that is still there, like naging dormant lang and waiting for the perfect moment. Kapag naging active ulit ung love hence the forgiveness, second chances and starting-over-again pegs.

    There’s no such thing as re-love, not unless nagka-amnesia ka ng walang balikan ng memory and feelings. #Hugot haha

    Liked by 2 people

  3. PrinceLove
    October 9, 2015

    Iba din ‘yung Math ni Jesus sa 77 times na mag-forgive.. Walang ending ‘yun.. πŸ˜ƒ

    Liked by 1 person

  4. RheaAngeline
    October 9, 2015

    Kung single ako, pakialam niyo din ba! HAHAHA.

    Naku bro, ipanalangin mong maigi. Ako nga na isang babae eh nakaranas ng matinding pasakit sa panghingi ng second chance. Ipanalangin mong maigi at pakinggan mo ang sinasabi ng Lord sa’yo. Trust and obey. Masaya ako para sa’yo. πŸ™‚

    Liked by 1 person

  5. weerdiffident
    October 8, 2015

    Just give me one more chance for one last time.. Napakanta ako Doc. Hahaha. πŸ™‚

    Para kay Kuya, Praise God po. But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well. (Matthew 6:33) God bless po.

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: