Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Nakakatawang tagalog green jokes ba kamo?

plantatree

1. Use TREES in a conversation.

Student A: Bro, tapos na sem mo? Kamusta grades mo?

Student B: Oo Sis, tapos na. Nakaraos naman. Kaso puro TREES. 🙂

2. PUNO ka ba?

Punong-PUNO ka kasi ng kabutihan at kagandahan. 🙂

3. Use HALAMAN in a conversation.

Boy 1: Oh man! Anong nangyari sa mukha mo?

Boy 2: Hindi ko alam tol. Parang nagka-allergy ako sa seafood na kinain ko kanina sa date namin ng girlfriend ko. Bigla na lang akong nagkaroon ng malalaking pantal sa mukha.

Boy 1: HALA MAN! Magpa-check up ka agad sa doctor!

4. “Hindi lang puno at halaman ang inuugatan. Ako din!”

-Mula sa isang taong naghihintay sa pila sa MRT North Station tuwing Lunes ng umaga.

5. Bakit tinatawag na ‘black board’ ang sulatan kung green naman ito? Diba dapat ‘green board’ ang tawag?

Tanungin niyo ang mga guro. Dapat masagot nila iyan. 🙂

6. Magkakaroon daw ng bagong movie na “50 Shades of Green”. Ang bida ay si Mother Earth.

7. Boy: Concern ka ba sa environment natin?

Girl: Oo naman. Siyempre ako din ang maaapektuhan kapag binalewala ko ang ating environment.

Boy: Sana, environment na lang ako.

8. Q: Anong mangyayari kapag nasira na ang KAPALigiran?

A: Eh di magiging NIPISigiran!

9. Q: Paano kapag naging mabagal ang pag-usad at pag-asenso ng kapaligiRAN?

A: Eh di magiging kapaligiWALK!

10. Q: Kailan dapat magtanim ng puno?

A: Kapag may pantanim ka at may pagtatamnan ka!

11. Huwag kang iibig sa isang environmentalist.

Bakit? Kasi ayaw nila sa mga plastik!!!

12. Q: Kung ikaw ay magiging puno, ano at bakit?

A: Gusto kong maging ACACIA. Kasi SIYA na lang lagi ang laman ng puso’t isipan mo. SIYA na lang. Puwede bang acaSIYA na lang?LOL!

Bakit nga ba naisipan kong magsulat tungkol sa green jokes? Hindi ko din alam. Pero sabi ko nga sa 101 Things About Me, I don’t like green jokes (#45). Alam naman natin na kapag sinabing green jokes, ito ay may mga maseselang salita o pakahulugan. Minsan nga malaswa pa.

Dahil kagagaling ko lang sa isang environmental workshop, ito ang naisip kong gawan ng blog. Something about “green”. Pero sa totoo lang, kailangan bang “green joke” para mapatawa mo ang mga tao? May kakilala akong professor na bawat klase niya ay nagbibigay siya ng green jokes. Tingin ko wala siyang alam na jokes kundi ganoon. Try to explore “brown jokes’ Sir!

Minsan, kahit anong jokes ang marinig mo, hindi ka pa din masaya. Bakit kaya?

Maaaring natatawa ka din sa ibang jokes pero after sometime, maaalala mo pa din ang kalungkutang iyong nararamdaman. Maaaring “band aid” ang mga jokes sa iyong kalungkutan pero panandalian lamang iyon.

There is a void in our hearts that only God can fill. Kahit anong yaman ang nararanasan mo. Kahit ilang sex ang subukan mo. Kahit anong success ang makamtam mo. Kahit anong bisyo ang gawin mo… At the end of the day, may emptiness pa din sa puso mo.

Sabi nga sa Psalm 19:8, “The commandments of the Lord are right, bringing joy to the heart.” Nawa ay maranasan mo ang kasiyahang iyon.

Green jokes redefined! 🙂

Anyway, Happy Father’s Day to all! Special mention to my dad (Tatay Mario)! He is our Super Mario! 🙂

tatay_2

tatay_1

Photo Credit (here)

 

Advertisements

12 comments on “Nakakatawang tagalog green jokes ba kamo?

  1. Adrenaline Romance
    June 28, 2015

    Hehehe! Some are corny but funny nonetheless. 🙂

    Liked by 1 person

  2. docpreciousjem
    June 28, 2015

    Si Mother Earth ng “50 Shades of Green!” Hahaha!! Mabenta ((:

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      June 28, 2015

      Puwede ding si Mother Jem.LOL Fave mo naman ang green diba? 🙂

      Like

  3. lagingligaw
    June 23, 2015

    lol sa latter part

    Liked by 1 person

  4. Clauie Belle
    June 23, 2015

    5. Tinatawag na ‘black board’ kasi black naman talaga ang mga board na ganun sa school. Sa Pilipinas lang ata kulay green. Colorblind ata yung gumawa. LOL 😀

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on June 23, 2015 by in Quotes and tagged , , , , , , , , , , .
%d bloggers like this: