Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Payo Para sa mga Single Moms

single mom

“Hindi naman pala mahirap. Hindi naman pala mahirap maging ina. Hindi mahirap maging ina at tatay ng sabay,” sabi ko sa aking sarili.

Mas mahirap kung hinayaan kong kainin ako ng mentalidad ng maraming tao, na dapat ang lahat ay may perpektong pamilya. Mas mahirap kung hinyaan kong maging alipin ko ng sakit na aking nararanasan. Mas mahirap kung hinayaan kong lamunin ng kahinaan at takot ang natitirang pag-asa na mayroon ako.

Dahil kung ginawa ko ang lahat ng iyon, hindi mabubuo ang matagal ko nang pinapangarap – ang magmahal muli. Pero sa ibang pamamaraan.

Pangarap na akala ko hindi ko na mararamdaman. Pero dahil sa desisyon kong magpakatatag at hindi maging makasarili, ito ay natupad.

Hindi ko man nakuha ang perpektong pamilya (dahil hindi rin naman ako galing sa perpektong pamilya), binuo naman ang pangarap kong mapaligiran ako ng maraming kaibigan. Mga kaibigang nagsilbi at tumayong tatay hindi lang para sa akin, kung hindi para din sa aking anak.

Kaya para sa inyo na tumatayo bilang ama at ina para sa kanilang mga anak. Ito ang mapapayo ko:

1. Huwag ninyong ikakahiya ang pagiging single parent.

Una, ginusto mo parin iyan kahit papaano kaya maging proud ka sa ginawa mo. Pangalawa, may mga panahon talaga na mahihiya ka dahil sa sinasabi ng ibang tao. Pero anak mo yan, wala silang pakialam. Pabebe lang ang mga iyon. Pangatlo, bakit mo ikakahiya ang bigay ng Diyos?

2. Ang pagkakaroon ng anak ay pinapangarap ng marami.

Hindi lahat ng mag-asawa ay pinagkakaloobang magkaroon ng anak.

3. Anak mo ang magiging suwerte mo.

Dahil pwede mo siyang sabihan na mag-artista siya at payamanin ka. Sumali dapat siya sa PBB or sa The Voice. Char!

Lahat ng kilala kong single parent, masuwerte sa buhay. Pramis. Mas gumanda ang buhay nila dahil sa anghel na meron sila. Lalo na’t iniwan sila ng kanilang kabiyak. Walang hugot to ah. Obserbasyon lang. 🙂

4. May taong tatanggap din sa iyo ng buo.

Kung ang lagi mong iniisip ay ang makahanap ka ng katuwang sa buhay na tatanggapin ka at anak mo, hindi naman imposibleng mangyari iyon. Pero manalangin ka talaga kung iyon ba ang kagustuhan ng Diyos. Baka naman kasi stay single ka na lang daw. Weigh everything. Pero baka naman nakatadhana na ang maging single parent ka.

Maaaring tadhana rin na mas mamahalin ka na ng susunod mong lovelife. Huwag mo isara ang puso mo dahil sa nakaraan gaya ni Ms. Saradong Puso.

***

Ang guest blogger ko ngayon ay si Angelica (Punjetry). Bisitahin mo na lang siya sa kanyang blog para malaman mo din ang kaniyang istorya.

May mga inayos at idinagdag lang ako sa article mo Unje! Hope you don’t mind. Thanks!

***

Boy: Hi! I’m John. I’m single.

Girl: Hello John. I’m Joy. I’m single… … … … … … … … parent.

Ano sa tingin ninyo ang isasagot ni John? Comment ka! 🙂

***

Salamat sa pagsubaybay sa aking mga blogs! Abangan araw-araw ngayong Oktubre ang aking mga blogs bilang paggunita ko sa aking 1st year blogging anniversary.

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Lazada Philippines

Advertisements

10 comments on “Payo Para sa mga Single Moms

  1. Smiley25
    October 10, 2015

    In negative way

    Siguro prang hindi na magrreply si john

    In positive way

    Ssbhn ni John na salute siya sa mga single parent kasi either his mom or dad single parent rin na nagpalaki sa kanya

    OR

    Mismong si John ang single parent

    Liked by 1 person

  2. unjellanera
    October 10, 2015

    Reblogged this on Punjetry and commented:
    Thank you Doc for this opportunity! This is not only for single moms but also dads. 🙂

    Like

  3. unjellanera
    October 10, 2015

    Salamat, Doc! 🙂

    Ang sagot ni John, kung magpapakatotoo lang ako…

    John: Ay.

    Liked by 1 person

  4. Cassiopeia
    October 10, 2015

    Single parents are the strongest.

    Liked by 3 people

  5. Cassiopeia
    October 10, 2015

    Ang isasagot niya:
    John: Oh…. *smiles*

    Liked by 2 people

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on October 9, 2015 by in Singlehood and tagged , , , , .
%d bloggers like this: