Isa sa mga nakakalitong gamitin sa isang pangungusap ay ang “Nang” o “Ng” dahil halos magkasing tunog ang dalawang salitang ito. Paano nga ba ito dapat gamitin?
NANG
A. Madalas ito na makikita sa unahan ng pangungusap
Halimbawa:
1. Nang dumating ka sa buhay ko, nagbago ang lahat.
2. Nang sinabi mong mahal mo ako, gusto kong sumigaw sa galak dahil mahal na kita noon pa man.
B. Gamit sa pang-abay na pamaraan (adverb of manner)
Halimbawa:
1. Minahal kita nang dahan-dahan.
2. Lagi kang tumatakbo nang matulin sa aking isipan.
C. Gamit sa pagitan ng inuulit na pandiwa.
1. Umasa nang umasa si Maria sa mga pangakong binitiwan ni Jose.
2. Iyak nang iyak si Betty dahil nalaman niyang may ibang babae ang kanyang kasintahan.
NG
A. Nagsasaad ng pagmamay-ari.
Halimbawa:
1. Ang mga regalo ng kanyang kasintahan ay talaga namang itinatago pa niya sa kanyang baul memorabilia.
2. Ang puso ng mga madadaling umasa ay parating nasasaktan.
Hello guys, I hope may natutunan kayo mula sa munting paliwanag sa paggamit ng “Nang” at “Ng”.
Ito ang munting tula para sa lahat ng #CampSawi. 🙂
Nang minahal kita,
Akala ko ikaw na.
Nang iniwan mo ako,
Akala ko katapusan na ng mundo ko.
Nang bumalik ka,
akala ko mahal pa kita.
Hindi na pala.
***
Mahusay na paliwanag ng NG At NANG.
LikeLike