Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Quotes from the Movie “A Second Chance”

a second chance

Sa mga email subscribers ko, sorry for the mispost kanina. Hehe! I’m experimenting sa pag-re-blog gamit ang isang WordPress account ko na may multiple users. Gumawa kasi ako ng account ng Philippine Single Association (PSA). Check us at philippinesingleassociation.wordpress.com.

Nagustuhan ko naman ang movie na “A Second Chance” pero hindi naman ako naiyak tulad noong ibang mga nanood. 🙂 I suggest panoodin talaga iyon ng mga mag-asawa lalong lalo na kung bagong kasal pa lang. Makikita mo din sa movie ang realidad ng isang lalaki at isang babae. Makikita mo ang pagkakaiba ng dalawa pagdating sa ego, expression, nature, likes, dislikes, etc.

Anyway, ito na ang ilang mga quotes from the movie:

Popoy: Ito ang pangarap ko. I’m my best at loving you.

Kung hindi ka man Best in Math or Best in English noong nag-aaral ka, o hindi ka Best Employee sa trabaho mo, dapat ikaw ang Best Partner ng asawa mo! It takes a conscious effort to the best. Mahirap pero posible.

Popoy: Ito na yung huling gabi na merong ikaw at ako. Bash, simula bukas, ang meron na lang ay tayo. Tayo habambuhay. Itong mga kamay na ito, kahit gumaspang na, kahit nanginginig na, hindi ka na bibitawan.

Nakakakilig ito. Ito ang magandang balikan ng mga couples sa tuwing may conflict sila. Remember those precious times you had.

Popoy: I lost him. I lost the man you married. And I’m sorry. This is me at my worst. Kaya mo pa ba akong mahalin?

Sad reality. Minsan ganyan talaga. Hindi mo lubos na kilala ang taong pinakasalan mo. Sa married life, makikilala mo ang kabuuan niya. Be mature. You should accept him/her. Hindi lang naman best of him/her ang pinakasalan mo kundi ang worst of him/her. Sana sabay kayong mag-grow as a person. Walang iwanan.

Popoy: Lahat ng mahal, tulad mo, worth it.

Hindi din! Ang mahal kaya noong Montero Sport pero may mga problema tulad ng sudden unintended acceleration! Watch this!

Popoy: Kung pwede ko lang kunin lahat ng sakit na nararamdaman mo, kukunin ko lahat.

The truth it is hindi natin kayang kunin ang sakit. Lalo kung in the first place tayo pala ang dahilan ng sakit na iyon. The good thing is, tayo din ang lunas sa sakit na iyon. Ayusin ninyong dalawa. Mag-usap kayo.

Basha: You want me to trust you, but you don’t even trust me.

Sa movie, medyo sad kasi dapat si Basha ang magsupport sa vision ni Popoy doon sa calamity-proof house. In the end, isa sa mga batang staff nila ang talagang sumuporta at naging susi sa pagbabalikan nila.

Popoy: Our marriage is everything we never hoped for. Masaya siya, minsan malungkot, minsan masakit, minsan ang pangit. Pero yun siya. That’s marriage.

What can I say? I’m single. Hehe! But I guess, this is true.

Kung nahihirapan ka na pagkatiwalaan siya, pagkatiwalaan mo muna yung pagmamahal mo sa kanya.

Posible daw iyan sabi ng isang friend ko. She’s been there. Buti hindi siya bumitaw. Nagbago na din si husband niya. May apat na anak sila and they are happy talaga. May forever!

Basha: I have the right to the truth. No matter how ugly, no matter how painful. Coz I’m your wife.

Wives, tama naman si Basha diba?

Popoy: It’s brave to ask ‘what if’, but it’s braver to embrace ‘what is’. You, and only you, are my ‘what is’.

This is my favorite of all! Ikaw, what are your ‘what is’? Sa trabaho, sa relatioship, sa family, sa business, sa personal life? Let’s work on our present as we keep in mind the great future we have. Don’t dwell on our past.

Related blogs:

One More Chance Quotes (Revisited)

First Love. Second Chance. Third Party.

***

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Click here for Ads Prices

Advertisements

14 comments on “Quotes from the Movie “A Second Chance”

  1. sparkfromafar
    December 10, 2015

    “Sa movie, medyo sad kasi dapat si Basha ang magsupport sa vision ni Popoy doon sa calamity-proof house. ” – I think Basha was supportive at first… pero nung nalaman nya mga lihim, napuno sya ng galit hence, yun response nya. 🙂

    Liked by 1 person

  2. anghulinghugotero
    December 10, 2015

    Ngayon ko lang na realize na kaya Doctor Eamer kasi pag shinortcut mo magiging Dreamer.

    Ewan. Nice movie btw.

    Liked by 1 person

  3. martsvalenzuela
    December 10, 2015

    Yung line na, “lahat ng mahal, tulad mo, worth it” sobrang tagos. Hahaha! Typical lines ng mga dakilang lalaki. 😀

    Liked by 1 person

  4. joshuainfantado
    December 10, 2015

    Nanood ako nito at naiyak ako. Hehehe. Maybe if single pa ako nung napanood ko ito, inde ako maiiyak. Kaso, mas naka relate kasi ako sa movie since newly wed din ako. Hehehe. Thanks for sharing this bro.

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      December 10, 2015

      Wow! Newly wed! Cheers to your married life bro! Are you a pastor ba?hehe

      Like

      • joshuainfantado
        December 10, 2015

        Thanks bro! I was married December 28, 2014. For me, newly wed pa yun. Ahahaha. Inde ako pastor bro. Though I give sermonette messages during our church service. 🙂 Passion ko lang talaga mag blog about genuine Christianity and to preach the Gospel of God. 🙂

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        December 10, 2015

        Wow! Congrats! 🙂 What’s the name of your church? Dito lang kayo sa Pinas nag-stay?

        Like

      • joshuainfantado
        December 10, 2015

        I am affiliated to the United Church of God. I am from Davao. Add mo na lang ako sa FB bro. PM lang tayo convo. 🙂 Just search for my name, Joshua Infantado.

        Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on December 10, 2015 by in Wedding & Marriage and tagged , , , , , , , , .
%d bloggers like this: