Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Anong ibig sabihin kapag kinuha niya ang number mo?

number

Kung ikaw ay isang babae, pagkatapos ay may humingi ng cellphone number mo (stranger, kakakilala lang sa isang seminar, dating kaklase, bagong officemate, etc.), ibibigay mo ba? Paano kung ayaw mong ibigay, paano mo ito sasabihin na hindi offending?

Kung ikaw ay isang lalaki, paanong diskarte ang gagawin mo para makuha ang number ng isang babae?

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga naisip kong dahilan kung bakit hinihingi ng isang tao ang number mo:

1. Nagpapaload ka sa kanya.

Sige, subukan mong huwag ibigay ang number mo sa kanya! Ewan ko lang kung paano ka niya mabibigyan ng load. Pero baka naman kasi sinadya niyang magkaroon ng loading station para lang makuha niya ang number mo. Puwede diba?

2. Kailangan ka niyang kontakin para sa project niyo.

Noong college ako, bawat subject ko ay iba’t ibang estudyante ang aking nakakasama. Bihira lang ang magkaroon ng super classmates sa UPLB kapag freshman at sophomore. Lagi kong kinukuha ang number ng katabi ko sa klase for emergency purposes.

Malay mo magkasakit ka. Malay mo biglang nahuli ka magising at hindi ka nakapasok. Mahirap pa naman lumiban sa klase dahil madaming lessons. Kaya kung sakaling hindi ka nakapasok, may maaari kang tanungin kung ano ang nangyari sa klase. Baka nagbigay pala ng 30-point quiz o assignments ang Professor ninyo.

Kung nahihiya kang hingin ang number ng kaklase mo (opposite sex), then better ask for the number of your other classmates of the same sex.

3. Gusto niyang palawakin ang networks niya.

May mga taong sadya lang talagang kumukuha ng personal number ng ibang tao. Madami na akong seminars at trainings na napuntahan at madami talaga ang nahingi ng calling card o contact information ko.

Posible kasi na in the future ay kailanganin mo ang tulong nila. Puwede din naman na kapag napadpad sila sa lugar na pinagtatrabahuhan mo ay mag-courtesy call sila sa iyo. Kaya dapat lagi kang handa na ibigay ang calling card mo.

4. Para may makatext siya kapag bored siya.

Awwwww. Ang sakit siguro na kaya ka lang niya tinetext kasi wala siyang katext. Maiisipan ka niyang kamustahin para naman may magawa siya. In short, pampalipas oras ka lang niya. Ouch ba?

Simple lang ang dapat mong gawin. Huwag mong replayan. We accept the text that we think deserve. Hello Stephen Chbosky!

5. Gusto niyang makipag-flirt.

Male Texter: Are you coming to my wedding?

Female Texter: I thought you’re single. So, do you know who you will marry?

Male Texter: Yup! She is gorgeous.

Female Texter: Oh! Nice.

Male Texter: She’s perfect for me.

Female Texter: Cool!

Male Texter: So I have a question.

Female Texter: ???

Male Texter: Will you marry me? 🙂

Naalala ko din ang isang blog na nabasa ko dati patungkol sa mga kabataang mahilig makipagtext. Basahin ninyo itong conversation na kinuha ko sa article na iyon:

Boy: Hi! ^_^ Kumaen kn? 🙂

Girl: Di pa. 🙂

Boy: Kaen kn! Wag ka palipas ng gutom. Papayat ka nyan 😛

Girl: Gusto ko nga yun eh! 😛

Boy: Hehe. Baka dumami manliligaw mo pag ganun. :O

Girl: Wala namang nanliligaw sakin eh. Hihi. 🙂 🙂 🙂

Boy: Weh? Di nga? :O

Girl: Oo nga! 😀

Boy: Ganun ba. Pwede ba ako na lang? 🙂

May mga lalaking magaling talagang mambola lalo sa texts. Kung pasaway lang ako, madami na akong nabola. Buti na lang may takot ako sa Diyos at alam kong mali iyon kaya hindi ko gagawin iyon. Isa pa, may mga pinsan at kapatid akong babae. Ayokong gawin iyon ng iba sa kanila.

Kung babae ka naman, huwag kang pumayag na sa text ka lang dadaaning ligawan o suyuin. Mahirap ma-inlove sa text lang. Bukod sa hindi mo siya lubos na makikilala, hindi mo din sigurado kung totoo ang mga pinagsasabi niya. May mga alam nga akong kuwento na sa huli ay may pamilya na pala ang textmate niya. Umasa lang si girl.

Kung lalaki ka naman, mahiya ka! Hindi iyan gawain ng matinong lalaki. Hindi mo dapat pinaglalaruan ang puso ng isang babae. Ikaw din, si God ang bahala sa iyong gumanti. Sabi nga Romans 12:19 – Do not take revenge, my dear friends, but leave room for God’s wrath, for it is written: “It is mine to avenge; I will repay,” says the Lord.

Magugulat ka na lang, magkaka-cancer ka sa kidney. Maaari din na dahil sa sobrang dami mong nilokong babae, ikaw ay mababaog. Kawawa ka naman. Wala kang magiging anak. Tatanda ka na walang seryosong babae ang papatol sa iyo. Puwede din naman na isa ka sa magiging biktima ng pagbagsak ng eroplano sa susunod na Linggo. Sana talaban ka ng takot!

6. Wala lang.

Siguro wala lang siyang alam na sabihin sa iyo at iyon lang ang nasabi niya, “Ano pala number mo?” Sa dami-dami ng puwedeng simulang usapan, iyon agad ang inuna mo? Naku, kung ako si girl, bagsak kana sa evaluation ko! Sana humingi ka ng tip kay Pep sa libro ko na LOVE IS BLOG. 🙂 Kung mababasa  mo ang Part 3 – I am Dating a Blogger, naging fruitful ang conversation nila ni Hannah. Puwede mong basahin ng libre ang Part 1 – Ang Crush Kong Blogger.

IMG_0008

 

7. Gusto ka niya.

This should be the last assumption na dapat mong isipin. Kinuha lang ang number, gusto agad? Graduate ka ba ng Assumption College?lol! Pero, malaki din ang posibilidad na kaya niya kinuha ang number mo ay para maka-close ka niya. Pero kung hanggang sa text lang kayo nagkakausap, itigil mo na iyan. Six months, puro text lang? Hindi man lang nagyaya si guy ng date? Hindi man lang nagsasabi si guy if plano ka niyang ligawan? Ano ‘yan lokohan? More text, more chances of winning your heart? Itigil mo na iyan dahil ikaw lang ang masasaktan sa bandang huli. Mamaya, maisipan mo pang maglaklak ng napakaraming MilkTea! (Click the link, may blog ako about milktea.)

Para sa ending ng blog ko ngayon, basahin mo itong short story conversation na ginawa ko:

Guy: Miss, anong cellphone number mo?

Miss: Sure ka gusto mong malaman ang number ko?

Guy: Oo naman!

Miss: Ok. Ibibigay ko na. Isang beses ko lang sasabihin.

Guy: <nakahanda na i-type ang number ni Miss>

Miss: Zero then… Cube root of 854,670,349 then… One third of X equals 233 then… Two more than the sum of squares of five and seven. Then… the lowest of the three consecutive odd integers whose sum is 105.

Guy: <nakatunganga>

Miss: Save mo na lang number ko. Hintayin ko text mo. Bye!

Guy: Miss, iba na lang. Ano favorite mong number?

Miss: <walks away>

Tuwing Martes ay may blog lagi ako. Subaybayan ninyo ang #TuesdayPost. Kapag Huwebes naman ay naglalagay ako ng old blog posts sa aking Facebook Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer. Ang hashtag ko ay #ThrowBlogThursday.

Ngayong darating na Hunyo, abangan ninyo ang additional blogs ko tuwing Linggo. Magkakaroon ako ng isang series sa loob ng isang buwan. Ang naiisip kong series ngayong Hunyo ay That Thing Called ‘________’. Abangang mo ang #SundaySeries ko!

Tuwing Lunes din pala ay sasagutin ko ang inyong mga katanungan sa ask.fm. Magtanong ka sa http://ask.fm/doctor_eamer Lahat ng tanong at sagot ko ay ilalagay ko din sa FB Page. Kaya kung gusto mo magkaroon ng notifications sa mga posts ko, feel free to like https://www.facebook.com/iamdoctoreamer.

fb page

So Miss, can I have your number? 😉

Photo Credit (here)

Advertisements

4 comments on “Anong ibig sabihin kapag kinuha niya ang number mo?

  1. Cherry Grace
    August 6, 2015

    At pano nagrerespond ang isang babae na ayaw magbigay ng number sa’yo pero ayaw magmukhang suplada?

    “Hindi ako mahilig magtext e. Ako nalang ang kukuha ng number mo. I’ll call you nalang pag may time ako.” Classic yan. :3 hihi

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      August 7, 2015

      Naman!!!! Based from experience.haha

      Like

      • Cherry Grace
        August 7, 2015

        Oo. Laging ganyan gawain ko. haha. makukuha lang ng stranger ang number ko if mag-eexchange kami ng business card. ganun ang pagkuha ng number. professional. hahaha.

        Liked by 1 person

  2. belle
    May 13, 2015

    Natawa ako dito….. Hahahaha Ang galing pagka gawa #reality anyways don’t forget my Love is Blog book Dr. Eamer ha? 😁😁😁👍👍👍👍👍

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on May 12, 2015 by in Courtship & Dating, Love & Relationship and tagged , , , , , , , , , , .
%d bloggers like this: