Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Blogger’s Confession: Bakit Single Ka Pa?

verse on a laptop

Marami sa mga kaibigan ko at ilang blog readers ang nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay wala pa akong girlfriend. Kaya ito na ang aking official statement para sa tanong na iyon.

Kaunting background muna. Noong college student pa ako sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños, sumali ako sa isang Christian organization na Students of Destiny (SOD). We are “discouraged” to enter into a relationship. Hindi naman naging big deal sa akin iyon dahil wala sa plano ko ang pumasok sa isang relasyon habang nasa kolehiyo. Nag-focus ako sa church ministry at sa aking academics. Thank God dahil natapos ko naman ang aking kurso na BS Chemical Engineering sa takdang panahon. On time akong naka-graduate. Bihira lang iyon sa aming kurso. Kung 100 kayo noong freshman, pagdating sa 5th year, mga 30 or less na lang kayong on time. I’m proud to be single. LOL! Of course may mga on time din naman kahit nasa relationship sila. 🙂

May nagtanong din sa akin dati kung wala daw bang magaganda sa UPLB at wala raw akong napusuan o niligawan. Excuse me! Ang dami kayang magaganda sa UPLB! Beauty and brains! 🙂 Siyempre may mga nagustuhan naman ako. But I know my priority and hindi love life iyon. Wala akong niligawan o pinormahan noong kolehiyo. Hindi ko pinagsisihan iyon. May mga kaibigan nga ako noong kolehiyo na naging magkarelasyon pero after a year ng graduation, nagkahiwalay na din. Sayang naman ang 5 years na naging sila. Ang iba naman sa kanila, nagkahiwalay dahil sa work.

So, bakit single pa ako? Hindi ko din alam. Si Lord ang nakakaalam  kung kailan niya ako ipapakilala sa aking tadhana. Maaaring nagkakilala na kami pero hindi pa ito ang Tamang Panahon. 🙂 Sabi nga ni Tito Mon, “Do not arouse or awaken love until it so desires.”

I’m just 25 years old. I’m still enjoying my life as a young professional. Ang saya kayang mag-travel! Ang saya din ng may freedom ka to do things you want to do. I’m not saying na hindi mo magagawa iyon kung nasa relationship ka. Pero as single, mas may time and resources ka.

Excited ako sa 2016 para sa mga business ventures na gagawin ko. Excited ako na magkaroon pa ng mga passive income. Excited ako na mag-invest. Sabi nga nila, “Let your money work for you.” Excited akong maging financially free!

Kung nasa relationship ka ngayon at masaya ka, I’m happy for you too. But please, huwag maging pasaway! Make sure na patunayan ninyong may forever. Be an asset to our nation!

PS:  Last Sunday ko pa dapat ito isusulat. Medyo naging busy lang. Busy maging single eh. LOL! Kaya huwag kang magugulat kung dalawa ang entry ko ngayon para sa aking Sunday Series na Blogger’s Confession.

PS Plus: This coming Sunday (December 20), magkakaroon kami ng gift giving activity sa isang barangay dito sa Los Baños. We are going to bless 25 Grade 4 elementary students. This is part of our Project LiBro advocacy. For more information visit theprojectlibro.blogspot.com.

***

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Click here for Ads Prices

Advertisements

22 comments on “Blogger’s Confession: Bakit Single Ka Pa?

  1. Bellie
    December 14, 2015

    Hahahaha RELATE! This question always pops up like a mushroom, especially when I had my vacation in Davao… Lols kahit sino nlng yan ang tanong, but I’m not that pressured. Hihihi

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      December 14, 2015

      Haha! So bakit nga ba single ka pa Bellie?LOL!

      Like

      • Bellie
        December 14, 2015

        Cgro na ligaw pa c Mr. Right Dokie haha..

        Liked by 1 person

  2. Nicole Alexandra Chua
    December 13, 2015

    To be honest Doc, naiinis at naiirita ako sa mga taong nagtatanong din sakin kung baket pa ako single hanggang ngayon… Na dapat by this time meron na akong boyfriend and worse yung mga jokes na crossing the line -_- Dapat ba talaga magkaroon ng ka-relasyon para lang maging masaya? Di ba pwedeng masaya din maging single?

    Liked by 2 people

  3. clauie belle
    December 13, 2015

    The “busy sa pagiging single” line. Hahaha. Maka-just 25 years old naman ‘to. 😁

    Liked by 2 people

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: