Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Advertisement + Love = Lovertisement

blogging advertisement

Okay. Let me get straight to the point. Hindi ko ito ginagawa para kumita ng limpak-limpak na salapi. Ginagawa ko ito dahil gusto ko lang. Parang ikaw, gusto kita. Gusto kitang maging kaibigan lang. #Paasa

Sige na nga, magseryoso na tayo. Totohanin na natin ang Ako + Ikaw = Tayo.

Sabi sa nabasa kong libro, we should turn our passion into profit. Thanks Brother Bo and Dean Pax for sharing your wisdom through that book. Kaya nga sumulat din ako ng sarili kong libro dahil nagkaroon ako ng inspirasyon mula sa inyo. Order na kayo ng LOVE IS BLOG.

Isang taon na ang aking blog – Doctor Eamer’s Blog. Kung matagal ka nang nagbabasa ng blog ko at hanggang ngayon ay hindi mo pa din gets kung bakit Doctor Eamer, aba ay basahin mo ang About Me page ko. Mag-iwan ka din ng komento. I will appreciate it much.

Matagal na din itong pending sa drafts ko kaya naman tatapusin ko na para mabasa na ng aking mga future sponsors.

Hindi pa naman milyon ang nagbabasa ng blogs ko, pero malay mo dumating din tayo doon. Ang alam ko lang, “Be faithful in small things and God will entrust you bigger things.” Sabi iyan sa Luke 16:10.

From the past three months (August, September, October), ang average monthly views ng aking blog ay mahigit kumulang sa tatlong libo, siyam na daan at pitumpu’t lima (3,975). Nosebleed talaga kapag tagalog ang Math!

advertisement through blogging

Nauuso na ngayon ang advertisement through blogs. Tagalog kasi ang blogs ko kaya hindi ko maipasa sa Google Adsense. Pero bibigyan kita ng pitong dahilan kung bakit dapat mong subukan na magpa-advertise sa akin.

7. Madaming single na nagbabasa ng blogs ko

Umamin kayo! May mga personal akong kaibigan na lumalapit sa akin at nagugulat na lang ako na lagi daw silang nagbabasa ng blogs ko. Salamat sa suporta guys! Single sila. Single kami. So what?!

Malay mo isa pala sa mga nagbabasa ng blogs ko ang nakatadhana para sa iyo. Kung single ka, I’ll advertise you.LOL! Send me one formal shot, one creative shot, and one selfie. Then short introduction to yourself. Pinakahuli, ano ang mga hinahanap mong katangian sa gusto mong maging katuwang sa buhay.

6. Okey naman ang statistics ng viewership/readership ko

Increasing naman kahit papaano.

5. They clicked what I recommend

Bukod sa mga blogsite na isinamasa ko sa mga blog posts ko, may mga clicks din ang Facebook Pages na inilalagay ko. Ilan sa mga websites ay may mga clicks din: actlikeaman.org, biblegateway.com, youtube.com, ask.fm, definitelyfilipino.com. 500px.com, sba.ph, russianfilipinokitchen.com, destiny.org.ph, biyahenglaguna.com, etc.

 advertisement through blogging

Alam kong may targeted markets ka din. Pero sabi nga sa Digital Influencer Summit na pinuntahan ko, bigyan mo din ng pansin ang mga non-follower o non-reader mo. Ibig sabihin, dapat continuous kang may ginagawa para mapalawak ang reach mo. Dahil darating din ang punto na may mga readers/followers ka din na mawawala. Anyway, hope you get my point.

4. May iba’t ibang social media akong ginagamit

Facebook Page (www.facebook.com/iamdoctoreamer): 678 followers

Twitter (twitter.com/iamfruitfulvine): 164 followers

Tumblr (transformedtobetransformer.tumblr.com): 267 follower

Google + (https://plus.google.com/): 23 followers

Personal Facebook account: 2000+ friends

WordPress Followers (including email followers): 483 followers

advertisement through blogging

Connected naman lahat ang mga social media sites ko. Tuwing maglalagay ako ng post sa WordPress, automatic na magpopost ito sa Tumblr and Google+ ko. Then I shared it sa Facebook Page and Personal FB account ko.

3. We interact

Kaya nga I really appreciate people who put comments on my blog. On the average, I gain around 400 comments per month.

advertisement through blogging

2. It’s all about love

Kaya nga ang subtitle ng blog ko ay PAG-IBIG ATBP. Kaya lahat ng may kinalaman sa pag-ibig ang aking mga isinusulat.

May ilang sponsored posts ako:

– They want ‘sex’. I want ‘better than sex’ (link). Ito ay isang cake sa Los Baños.

– 5 Ways to Love Yourself Before Loving Others (link). Patungkol sa pag-aalaga sa iyong kalusugan sa pamamagitan ng pag-inom ng juice.

– Tinimbang Ka Ngunit Labis (link). Ito ay patungkol sa isang pamamaraan kung paano mababawasan ang timbang sa pamamagitan din ng juicing.

– Iba’t Ibang Kulay ng Pag-ibig (link). Patungkol naman ito sa benifits ng iba’t ibang kulay ng prutas at gulay.

– Ito na ba ang daan patungo sa ating Destiny? (link) Isang fun run event naman ito.

– Tatakbo Akong Kasama Kita (link). Fun run event din ito.

– Ikaw at ang Pangarap Kong Bahay (link). Website ng isang real property business.

– Sasagutin mo na ba ako sa September 20, 2015? (link) Isang clean-up activity naman ito.

– Nagmahal ka na ba ng part-time lang? Eh magtrabaho ng part-time? (link) Seminar about working at home.

– Two-Timer (Love) VS Part-Timer (Career) (link). Isang seminar ulit about working at home.

Ganyan ako gumawa ng sponsored posts. Kung ayaw mo ng ganyan, hindi naman ako namimilit. Sa pag-ibig, walang pilitan dapat.

1. Chosen as one of the Top 10 Emerging Influential Blogs for 2015

Magbuhat muna ako ng bangko.LOL Pero nagpapasalamat ako sa suporta at tiwala na ibinigay ninyo sa akin.

Sa ganitong klase ng business (naks! business?LOL) ang bottom line ay magkano. Kaya ito na ang aking packages:

Package A: 600 PhP/article

Package B: 1000 PhP/ 2 articles:

Package C: 1500 PhP/ 3 articles + 1 sidebar (Top 1 – 3)

Ako ang bahala sa title. Just give me the content that you want (event’s information, product description, etc.).

Kung gusto mo lang na ipalagay ang logo ng company, products, events, etc. sa sidebar, ito ang presyo:

Package D: 300 PhP each (Top 1 – 3) displayed for 1 month

Package E: 275 PhP each (Top 4 – 6) displayed for 1 month

Package F:  250 PhP each (Top 7 – 9) displayed for 1 month

Package G: 225 PhP each (Top 10 – 12) displayed for 1 month

Kung mayaman ka talaga, kunin mo ang Golden Package na may halagang PhP 10,000.

Total of 24 articles (2 articles per month) + 1 sidebar displayed for 1 year.

Kung interesado ka sa akin este sa advestisement package ng blog ko, magpadala ka na lang ng mensahe sa iamdoctoreamer@gmail.com. Salamat! Para sa pag-ibig!

Pero sabi nga nadadaan naman ang mga bagay-bagay sa mabuting usapan. Kung for a cause naman ang iyong proyekto, let me know. Baka may discount o libre diba? 🙂

Advertisements

20 comments on “Advertisement + Love = Lovertisement

  1. Joseph
    April 10, 2017

    Nkkaamaze..bago plng ako sa blogging..more than 1 month plng..700 views lng ata ako.sa isang bwan.hahaha i started from scratch..well i should follow u..interesting ang topics eh..

    Liked by 1 person

  2. joshuainfantado
    December 10, 2015

    Nakakatuwa basahin yung blog mo. It is refreshing too to use Filipino in commenting here sa WordPress. Puro kasi kano nag cocomment sa blog ko. ahahaha

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      December 10, 2015

      Hehehe! Ang target readers ko kasi ay mga kababayan natin around the world kaya Tagalog mostly medium ko.hehe Thanks bro!

      Liked by 2 people

  3. Bigwas
    November 28, 2015

    Just keep on posting and your page views will increase further because you have unique and interesting contents…

    Like

  4. tala bells
    November 26, 2015

    Dating Dr., Ngayon businessman na! 🙂

    Liked by 1 person

  5. Vir Antonio
    November 25, 2015

    I often post something like this if I’m ecstatic of the numbers. Lol! It’s normal. 😉

    Liked by 1 person

  6. Ian Mendez
    November 25, 2015

    very interesting post. 🙂

    Liked by 1 person

  7. simplygracelyn27
    November 25, 2015

    Very inspiring.. turn your passion into profit. I found your blog very interesting and inspirational!

    Like

    • Doctor Eamer
      November 25, 2015

      Thanks Gracelyn! See you more in the blogosphere! Cheers to blogging! 🙂

      Like

  8. Sana ganyan din ang feeds ko.

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on November 24, 2015 by in Promotion & Advertisement and tagged , , , , , , , , , .
%d bloggers like this: