Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

One More Chance Quotes (Revisited)

one more chance

Bago mo panoodin ang movie na “A Second Chance”, balikan muna natin ang ilang nakakaantig at madamdaming quotes mula sa pelikulang “One More Chance” na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz (Popoy) at Bea Alonzo (Basha).

1. “No one knows how relationships work. ‘Di ba? Hindi naman siya naging subject sa school. Hindi naman siya tinuro ng mga magulang natin.” – Popoy to his friend Helen

Dahil diyan, ang Philippine Single Association (PSA) ay magtatayo na ng school para naman maituro ang how relationship works. Ano kaya ang magandang name ng school? School of Moving On and Letting Go? Kukuha sila ng mga batikang speakers: Ronald Molmisa (Author of Lovestruck), Dennis Sy (Founder of actlikeaman.org) and many more.

2. “I want to stop wondering ‘what if.’ I want to know ‘what is’. – Basha to Popoy

Ang makasaysayang phrase na “what if”. What if niligawan ka niya. What if kayo ang nagkatuluyan. What if nangibang bansa ka. What if nakilala mo siya agad. What if… What if not? 🙂

3. “Sige, makipagbalikan ka. Tapos mag-away kayo ulit. Tapos magbalikan ulit kayo. Tapos mag-away ulit kayo. – Anj to her friend Basha

Mahirap ba talagang magbigay ng second chance? Paano mo malalaman kung karapat-dapat siya sa second chance mo? Sagutin niyo iyan. Single ako eh. Malay ko ba.LOL

4. “Hindi pwedeng tumigil ang mundo mo dahil nawala ‘yung taong mahal mo!” – Mother Elvie to her son Popoy

Oo naman! Move on din kapag may time!

5. “Hindi mo ba alam ‘yung three-month rule? Lahat ng taong na-in love at nakipag-break, alam ‘yan! Kailangan munang lumampas ang tatlong buwan bago uli magka-boyfriend! Hindi mo alam ‘yun?” – Popoy to Basha

Honestly, recently ko lang nalaman na may ganitong rule. I’m still asking kung anong scientific basis nito.haha

6. “Minsan gusto ko nang ipagsigawan, kaya lang ako lang naman ‘yung magmumukhang tanga. Bakit ba kasi ang complicated magmahal? – Basha to her friend JP

Kung ako na lang ang minahal ni Basha, hindi sana complicated.hehe

7. “Alam kong pinalitan na niya ako. Pero kanina lang talaga naging totoo. Kanina lang talaga naging masakit. Sobrang sakit.” – Basha to her Mother Rose

Mukhang madaming makaka-relate sa ganito.haha Kayo kasi eh! Nagmahal kayo. #SinglePaMore

8. “Kaya tayo iniiwan nung taong mahal natin kasi may bago tayong mahahanap na mas okay, mas mamahalin tayo. ‘Yung hindi na tayo paaasahin at sasaktan. ‘Yung magtatama lahat ng mali sa buhay natin.” Popoy to his friend Chinno

Pwede din naman na kaya ka iniwan kasi immature ka masyado. Maybe hindi pa ito ang tamang panahon para pumasok ka sa isang relasyon. Mag-aral ka na lang mabuti! Magtapos muna ng kolehiyo Ineng.

9. “Don’t ever think that it was a mistake that you chose to find yourself, that you chose to love yourself a little bit more.” Mark to Basha

Kasi nga dapat ginawa mo iyan bago ka pumasok sa isang relasyon. Kung mahal mo ang sarili mo, magtrabaho ka! Treat yourself. Huwag atat magmahal.

10. “Minsan, it’s better for two people to break up so they can grow up. It takes grown-ups to make relationships work.” – Mark to Basha

Ang masasabi ko lang, it’s better for every individual to pursue personal growth first bago pumasok sa isang relasyon. Gayahin ninyo ang mga opisyales ng Philippine Single Association (PSA). 😉

11. Popoy: Basha, papano na tayo?
Basha: Wala ng tayo Popoy.
Popoy: Ganun na lang ‘yun? Bash, five years. Itatapon mo lang lahat? Hindi mo na ko pwedeng bigyan pa ng isa pang pagkakataon para maayos ko ‘to?!
Basha: I already give five years of my life Poy, It’s about time to give me what I want.
Popoy: But your asking for too much. Ang hinihiling mo mawala ka sa buhay ko.

Ito ang dahilan kung bakit may “A Second Chance”. Kaya manonood na kami mamaya. Kita kits sa SM Calamba mamayang gabi!

12. “She loved me at my worst. You had me at my best. At binalewala mo lang lahat ‘yun… And you chose to break my heart.” – Popoy to Basha

This is the all-time favorite of the people. Basta ako, God loved me at my worst. He wants to give me the best. Thank you Lord. 🙂

***

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

god_man_sin_blue-200

Click here for Ads Prices

 

 

Advertisements

5 comments on “One More Chance Quotes (Revisited)

  1. Cassiopeia
    December 4, 2015

    #7 is….. masakit talaga. Hahahaha

    Liked by 1 person

  2. angmamangenhinyero
    December 3, 2015

    Doc pacomment ha, ok yung number 9. No further explanations needed hahaha

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      December 3, 2015

      hahaha! may mga tao kasing nabulag ng pag-ibig at hindi naitindihan yung #9.haha kaya inexplain ko para naman matauhan kahit papaano 😉

      Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: