Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Suicide Note

Paalam.

Hindi naman kailangan na laging nasa huli ang pagpapaalam diba? Kaya’t sa una palang ng sulat na ito gusto ko nang magpaalam.

Paalam dahil mahina ang puso ko. Hindi ko na kaya ang sakit na dulot ng paglisan mo. Sana hindi na lang kita nakilala. Sana hindi na lang pinagtagpo ng tadhana ang ating mga puso.

Paalam dahil wala ka na namang pakialam sa akin. Lagi na lang bang ako ang luhaan at iniiwan? Sanay na ako pero ngayon tatapusin ko na ang sakit.

Paalam dahil pinili ko ito. Ilang taon na ang nakakaraan pero bakit ramdam ko pa din ang sakit? Pinili kong maghintay. Nagbabakasakali na bumalik ka at ang dati.

Paalam dahil manhid na ang aking puso. Hindi na ako nasasaktan. Wala na ang kirot. Wala na ang buhay. Kaya’t wawakasan ko na ang paghihirap na dala ng iyong mga ala-ala.

Paalam dahil mukhang ganito talaga ang buhay. Buti pa sila. Bakit ba ako pinarusahan ng ganito. Bakit ako? Bakit? Sana ay hindi na ako nabuhay sa mundo.

Paalam dahil wala na namang saysay pa ang mabuhay. Para saan pa? Para kanino pa? Naghihintay na sa akin ang kabilang buhay. Baka sakaling mas masaya doon.

Paalam dahil ito na lamang ang salitang naiisip ko sa ngayon. Paalam. Paalam. Paalam. Paalam. Paalam. Paalam. Paal

***

Wala akong nagawa sa babaeng sumulat nito. Hindi ko na siya naabutan. Pero sa mga taong posibleng magtangkang magpakamatay, sana ay mabasa nila ang counter-suicide letter ko na ito…

Ikaw.

Oo, sisimulan ko ang liham na ito sa salitang “ikaw”. Dahil ang isang ikaw ay mahalaga. Ang isang ikaw ay may pakinabang pa. Ang isang ikaw ay marami pang maaaring gawin. Kaya’t bago mo sabihin ang salitang “paalam” ay pakinggan mo ang mga sasabihin ko para sa isang ikaw.

Ikaw. Hindi mahina ang puso mo. Malakas ka. Tandaan mo na simula pa noong inilabas ka ng iyong nanay sa kanyang sinapupunan, nagsimulang tumibok ang puso mo. At hanggang ngayon hindi iyon tumigil sa pagtibok. Ngayon, sabihin mo sa aking mahina ang puso mo?! Malakas ka. Ang takot lamang ang nagpapahina sa iyo. May dahilan kung bakit nangyayari ang bawat bagay. Pero hindi ko kayang ipaliwanag ang lahat. Walang taong makakapagbigay sa iyo ng malinaw na paliwanag sa lahat ng mga nangyayari sa iyo. Ang mga taong nakikilala at nakakatagpo mo ay maaaring may iiwang aral sa buhay mo. Pero hindi nangangahulugan na kapag iniwan ka nila ay kailangan mo na ding lumisan. Bago pa man sila dumating sa buhay mo, mayroon na ang isang ikaw. Kung wawaksihan mo na ang isang ikaw, paano mo makikilala ang isang siya? Paano mo makikilala ang mga “sila” na magiging kaibigan at kapamilya mo? Tandaan mo, malakas ka. At naniwala ako sa iyo.

Ikaw. Bakit nga ba tayo nasasaktan? Wala akong ibang masasabi upang mawala ang sakit na nararamdaman mo. Pero gusto kong malaman mo na ang bawat sakit ay magpapatatag sa iyo. Gaya ng isang ginto, ito ay dumadaan sa matinding apoy upang mas maging mataas ang kanyang halaga. Mahalaga ka. Kung alam mo ang butterfly effect na nagsasabing kahit wagaswas ng pakpak ng isang paru-paro ay mahalaga at may kinalaman sa pagbabago bago ng klima. Kaya kahit ang hikab mo, mahalaga. Kaya ngumiti ka na!

Ikaw. Sa buhay natin, ang bawat desisyon ay mahalaga. Napakaraming desisyon ang ating ginagawa. Saan ka kakain? Saan ka papasok sa kolehiyo? Sino ang mga sasamahan mong mga kaibigan? Saan ka maghahanap ng trabaho? Kaya sana magdesisyon ka na bumangon. Magsimula muli. Pakinggan mo ang isang tulang ginawa ko na hinugot ko sa aking nakaraan, ilang taon na ang nakakalipas – Ang Pagbangon.

Ikaw. Kung manhid na ang iyong puso, nawa’y panoorin mo ito. Dahil may mas dahilan sila upang hindi na magpatuloy sa buhay. Mas mabigat ang problema nila kumpara sa iyo. Mapalad ka pa rin.

Ikaw. Hindi kaya nararanasan mo ang mga problema mo dahil alam ng Diyos na kaya mo iyan? Dahil alam ng Niya na matatag ka. Kung may mga boses kang naririnig na hindi mo kaya, huwag kang maniwala sa mga tinig na iyon. Malakas ka. Matatag ka. Kaya mo iyan. Ikaw pa! “Be strong. Take courage!” – (Joshua 1:9)

Ikaw. Alam kong may mga pangarap ka pa. Huwag ka nang dumagdag sa iba pang mga taong nasa hukay na hindi man lamang sinubukang kamtin ang kanilang mga pangarap. Huwag mong payamanin ang sementeryo.

Les Brown said that the graveyard is the richest place on earth, because it is here that you will find all the hopes and dreams that were never fulfilled, the books that were never written, the songs that were never sung, the inventions that were never shared, the cures that were never discovered…

Ikaw. Kung ang tanging salitang naiisip mo sa ngayon ay “paalam”, hayaan mong bigyan pa kita ng isang salita na dadagdag sa iyong bokabolaryo na isinara ng pait ng iyong nakaraan. PAG-ASA. Habang may buhay, may pag-asa. Asahan mo na may magandang bukas na paparating. At kung sakaling gusto mo ng kausap, baka sakaling makatulong ito:

https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fpresidentialcom%2Fposts%2F1442175452478778%3A0&width=500

Kung inaakala mong walang nagmamahal sa iyo, nagkakamali ka. Mahal na mahal ka ng ating Panginoong Maykapal. God loves you! (John 3:16). Hey! Ikaw nga! Before you do anything else, please watch this next video. Finish it.

Ngayon, ako naman ang magpapaalam. Hanggang sa muling blog posts! Stay tune. Kung may kwento kang nais ibahagi, ipadala mo lang ito sa akin.

 

***

Advertisements

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on December 8, 2016 by in Blogging and tagged , , , .
%d bloggers like this: