Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

An Open Letter to Mr. Right

Mr. Right

Dear Mr. Right,

Nasaan ka ba? Pambihira naman! Ang daming mga babaeng naghihintay sa iyo. Naaawa na tuloy ako sa kanila dahil sa sobrang tagal nilang paghihintay.

Naalala ko ang pinsan ko. Siya ay 25 years old noong nanalangin siya na dumating ka na sa buhay niya. Umasa. Naghintay. Alam mo bang 52 years old na siya ngayon pero hindi ka pa din dumadating! Sana hindi mo na lang siya pinaasa.

Kung ako sa iyo, gumawa ka ng Facebook account mo – Mr. Right. Tapos ilagay mong status ay “in a relationship”. Nang sa gayon ay hindi na umaasa ang mga babaeng ikaw lamang ang bukang bibig.

Ano ba kasi ang sikreto mo? Bakit karamihan sa mga babaeng kakilala ko ay gusto ka? Ano ba ang meron ka na wala sa isang ordinaryong lalaki? Bakit ba gustong-gusto ka ng mga kababaihan  kahit hindi ka pa naman nila nakikita? Sumagot ka!

May ilan akong kaibigang babae na miyembro ng Philippine Single Association ang nagpapatanong sa iyo ng mga ito:

1. Where na you? Dito na me.

2. Bakit hindi ka dumating sa itinakdang panahon?

3. Mamahalin mo ba ako kahit kwarenta na ako?

4. Pwede bang humingi ng clue? Anong letter nagsisimula first name mo?

5. Kailan tayo magkakakilala?

6. Are you worth waiting for?

7. Hanggang kailan ako maghihintay?

May plano din pala akong magsagawa ng Nationwide Conference for Single Men sa darating na November 1, 2015. Ikaw sana Mr. Right ang main speaker na kukunin ko. Available ka ba sa date na iyon? Baka naman busy ka dahil may pupuntahan kang mga puntod. Puntod ng mga babaeng namatay kakahintay sa iyo. Let me know if kaya mong isangat sa maluwag mong schedule. Reply ka ASAP! Maraming salamat!

Kumakanan (Never Mangangaliwa),

Doctor Eamer

***

Ito ang pangalawang liham sa aking #SundaySeries na #OpenLetter ngayong buwan. Kung hindi mo pa nababasa ang Bukas na Liham Para sa Saradong Puso, pindutin ang link.

Habang naghihintay ka kay Mr. Right, subaybayan mo na lang ang aking series tuwing Linggo. 🙂

Grabe siguro ang faith ng mga babaeng naghihintay sa kanilang Mr. Right. Ano nga ba ang faith? Sabi sa Hebrews 11:1, “Now faith is confidence in what we hope for and assurance about what we do not see.” Kaya naman pala confident sila na darating si Mr. Right. Assured sila kahit hindi pa nila nakikita. Amazing talaga ang nagagawa ng faith. Pero sana mas paigtingin natin ang ating faith kay God. Dumating man o hindi ay iyong Mr. Right, nawa ay patuloy kang manalig kay God at gawin mo ang mga bagay na ipinagagawa Niya sa iyo. Live a life with a purpose.

“Naipit lang ako sa traffic sa EDSA. Malapit na ako.” – Mr. Right

“Opposite attracts.” – Ms. Left

“Dahil nambabae ka, susuntukin kita ng kanang kamay ko. Tapos sisipain kita ng kaliwa kong paa.” – Centipede Woman

Ano ang masasabi mo sa larawan na ito? 😉

Waiting for Mr. Right

Photo Credit (1, 2)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

place your ad here

Advertisements

45 comments on “An Open Letter to Mr. Right

  1. PrincessLG
    November 13, 2015

    ako ay naaliw. 🙂 Si Mr.Right hirap na hanapin yan sa panahon ngayon. Nagiging “Ms” na kasi sila kaya konti nalang. LOL

    Hmm. Mr Right/God’s best? Sya yung perfectly imperfect (kanta ni SG) pero kaya mong mahalin unconditionally. Sarap magmahal! HAHA

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 13, 2015

      Si Mr. Right, imahinasyon lang yan ng mga kababaihan. LOL! Don’t look for Mr. Right. be the the Ms. Right to someone 🙂

      Liked by 1 person

  2. Wannie
    September 22, 2015

    Amen! Si Mr. Right ay guni-guni lamang. Hehe.

    Liked by 2 people

  3. atekaking
    September 20, 2015

    Ako naman personally hindi ako naniniwala sa paghihintay, I mean feeling ko kasi dapat eenjoy lang ang buhay natin. Sayang ang buhay kung pinoproblema lang nating yan. Kahit naman single at least happy.dba? 😀

    Liked by 1 person

  4. jv1992
    September 19, 2015

    Mr. Right is where your Heart pumps when his coming. Then pag anjan na sya sayo safe ang feeling mo. Kelan? In Gods Time 😊 Ikaw ang ggawa ng Mr. Right na swak sa personality and contentness mo.

    Liked by 1 person

  5. signorinamelrice
    September 16, 2015

    Hahahah. Naaliw ako sa Nationwide Conference. Kala ko totoo na. Binasa ko pa nga ulit haha only to realize na November 1 pala ang date. XD

    Liked by 1 person

  6. sapritil
    September 15, 2015

    Para sa akin. Hindi naman kailangan maghintay kung kailan darating ‘yung so-called Mr. Right. Kasi wala naman talagang right. Mr. Patience pa siguro. Kasi kapag hindi nag transcend ‘yung pagtingin natin sa Mr. Right, mahuhulog lang ito sa konsepto ng kilig. Paano kapag natapos na ‘yung kilig? Paano na si Mr. Right?

    Masyado ring mataas ang pagtingin sa Mr. Right. Paano si Mr. Left? Negative kaagad ang tingin sa mga Left? May binary oppostion kaagad? Diba medyo bias ‘yun? Baka may post traumatic experience lang si Mr. Left? Bakit hindi kaya natin siya kausapin?

    Parang napaka flawless nang dating ni Mr. Right. Kaya siguro, kailangan mas hanapin si Mr. Patience. Yung tipong kahit nagbago ka na, pisikal man o emosyonal, e nandyan pa rin para tumindig doon sa pag-ibig na minsan niyang ipinangako.

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      September 15, 2015

      Haba..hehe sing haba ng pasensya ng mga babaeng naghihintay kay Mr. Right.LOL! Thanks for the comment!

      Like

      • sapritil
        September 16, 2015

        Maikli lang yan sir. Sing ikli nang mga nauubusan ng pasensya sa kakaantay. Sana wag na sila mag antay. Darating din yun.

        Liked by 1 person

    • RheaAngeline
      September 16, 2015

      Mr. Right doesn’t necessarily mean Mr. Perfect. Mr. Right doesn’t have to be tall, dark, handsome, rich, patient, kind, loving, etc. Mr. Right can actually have a dark and lonely past. He might have made critical mistakes and will make a lot of mistakes today and in the future.

      Just to reiterate, since most people have a wrong notion of Mr. Right, he is not perfect. It just means “right man” for a certain woman. Christians often use the term “God’s best”. Maaaring hindi man siya yung ideal man ng isang babae, pero in God’s perfect time, perfect plan and perfect will, an imperfect man can be a Mr. Right to someone. 🙂

      Liked by 4 people

      • sapritil
        September 22, 2015

        Salamat Ms. Rhea. Mas malinaw iyong sinabi mo. Masyado kasi akong nagfocus doon sa term na Right, at nakalimutan ko ang varieties ng ibig sabihin ng “right”. Parang right time at the right place.

        At yung mga Mr. Left baka nga maging Mr. Right pagdating ng panahon, pero wala naman yata talagang pamantayan kung ano yung Mr. Right. Kasi uusad ang panahon mag-iiba tayo, at yung consistency at pasensya pa rin ang magiging batayan.

        Liked by 2 people

      • RheaAngeline
        September 22, 2015

        my pleasure, sapritil. 🙂

        Liked by 2 people

  7. Cassiopeia
    September 14, 2015

    Hahaha naalala ko ang ‘A Letter To Someone Better’ ko.

    Gusto ko tuloy malaman kung magkaano ano sina Someone Better at Mr. Right.

    Liked by 1 person

  8. sugarypinkgirl
    September 14, 2015

    nagkaka ubusan na yata ng Mr Right 🙂

    Liked by 1 person

  9. tffnyreyes
    September 14, 2015

    Confidence in Christ! Ayos! Pero bakit kaya mas sikat si Mr. Right kesa kay Ms. Right? Hmmmm..

    Liked by 1 person

  10. docpreciousjem
    September 13, 2015

    “Pwede bang humingi ng clue? Anong letter nagsisimula first name mo?” NKKTW.

    Liked by 1 person

  11. PrinceLove
    September 13, 2015

    Mga usaping “Takdang Panahon” ai.. 🙂 haha!

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: