Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Tatakbo Akong Kasama Kita

Run with Destiny

Usapang takbuhan:

Hindi ka ba napapagod? Kanina ka pa kasi tumatakbo sa isipan ko.
Sobra. Sobra akong napagod at nahirapan. Sobrang kitid kasi ng tinatakbuhan kong isipan.

Tol, ilakad mo naman ako sa pinsan mo. Gusto ko kasi siyang ligawan.
Basta ikaw Tol! Hindi lang kita ilalakad. Itatakbo pa kita.

Wala kang puso! Manggagamit ka! Pagkatapos kong maibigay ang lahat-lahat sa iyo, tinakbuhan mo lang ako.
– Sabi ng isang babaeng nabuntis ng kanyang BF

Papunta ka pa lang, pabalik na ako. Pero kung tatakbo ka, baka sakaling maabutan mo ako.
– Eddie Garcia (Additional mine)

Hindi kita tinakbuhan. Lumayo lang ako para hanapin ang sarili ko.
– “It’s not you. It’s me.” Alibi

Madapa ka sana kung tatakbo ka!
– Binay Haters

Sana tumakbo ka sa darating na eleksiyon.
– Duterte Fans

Huwag ka munang tumakbo. Please. Mahahati ang boto.
– Roxas’ Supporters to Poe

Maganda bang takbuhan ang tuwid na daan?
– Poe’s Supporters to Roxas

Dahil usapang takbuhan naman ito, bakit hindi mo subukang tumakbo sa darating na Fun Run na pinamagatang ‘Run with Destiny‘. Kung ikaw ay taga Los Baños or nearby lang, takbo na! Malay mo doon mo matagpuan ang destiny mo. 1st placer siya, 2nd placer ka. Hindi mo man nakamit ang unang pwesto pero sa puso niya, 1st place ka. Edi wow!

Ito ay gaganapin sa October 24, 2015 sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños. Dapat magising ka ng maaga dahil magsisimula ito ng 5:30 AM (assembly time). Gun starts: 6:00 AM (5K); 6:15 AM (3K) in front of Baker Hall, UPLB.

Magkano nga ba? 300 Pesos para sa 3K at 500 Pesos sa 5K. Kung may mga katanungan ka, makipag-ugnayan (Ooooppss!! Huwag kung anong ugnayan ha!) sa mga sumusunod:

Ms. Khem (khemcumal@gmail.com) at Mr. Carl Johnjay (ayencarljohnjay@gmail.com).

Run with Destiny

Kung hindi ka single at tumiwalag ka na sa Philippine Single Association (PSA), maaari ka pa din naman tumakbo! Isama mo ang girlfriend mo. Bonding time ninyong dalawa. Tapos para kayong naka-couple shirt kapag suot ninyo ang singlet. Kasama na iyon sa registration. Ayos diba?! Nakatakbo ka na, may couple shirt ka pa! Saan ka pa! Takbo na!

Run with Destiny

“Samahan mo ako sa aking pagtakbo. Tatakbo tayong magkahawak-kamay.” – Doctor Eamer

“No to PDA (Public Display of Affection)” – Alamat ng Single (Click this link kung gusto mong malaman ang kuwento ni Single at kung paano siya namatay. Sad tragedy.)

“Do you not know that in a race all the runners run, but only one gets the prize? Run in such a way as to get the prize. Everyone who competes in the games goes into strict training. They do it to get a crown that will not last, but we do it to get a crown that will last forever.” – 1 Corinthians 9:24-25

Photo Credit (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

place your ad here

Advertisements

7 comments on “Tatakbo Akong Kasama Kita

  1. PrinceLove
    September 23, 2015

    Run with destiny daw.. Wag takbuhan ang tadhana.. 🙂

    Liked by 1 person

  2. Melisa Sanchez
    September 22, 2015

    hahaha takbo lang ng takbo! Magandang exercise yan,pero dapat mag warm-up muna para di masakit sa katawan after 🙂

    Liked by 1 person

  3. nilyncartagena
    September 22, 2015

    Hindi ka ba napapagod? Kanina ka pa kasi tumatakbo sa isipan ko. — ito ginamit tong banat sakin dati. hahaha! at sa naaalala ko kinilig ako dito! bwahaha.

    Like

  4. Clauie Belle
    September 15, 2015

    Makitakbo kaya ako? Hehehe

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: