Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Girl Paasa. Girl Umaasa. Girl May Pag-asa Pa.

past present future

Una sa lahat, ang title ng blog ko ay hindi tenses ng verb na ‘hope’. Pero puwede mo ding tingnan iyon sa ganoong anggulo. Sabihin na lang natin na ‘girl tense’. 🙂

Maaaring ang girl na ito ay iisa lang. Maaari din namang iba’t ibang girl ang tinutukoy ko. So, girl, ready kana ba? (Medyo ayoko ata ang linyang iyon! Sounds awkward.LOL!)

Dahil dati ay nakagawa ako ng isang article about kay Boy. Naisip ko namang gawan din si Girl. Kung nais mong basahin ang dati kong ginawang article na “Boy Labo to Boy Linaw to Boy Ligaw to Boy Friend, just click the hyperlink.

Unahin natin ang nangyari na sa nakaraan. Ang bida dito ay si Girl Paasa.

Sila ang mga babaeng dumurog sa puso ng mga inosenteng Adan. Sila ang mga babaeng umabuso sa kabaitan ng mga Juan. Sila ang mga babaeng naging dahilan ng adiksyon ng karamihan sa mga kalalakihan.

“Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko siya. Siguro maganda kasi talaga siya. Pero ginamit niya lang pala ako. Akala ko mahal niya talaga ako. Nagpaligaw siya ng ilang buwan. Sabi niya kasi wala naman siyang boyfriend. Ang totoong istorya pala ay iniwan lang siya ng boyfriend niya at gusto niyang makaganti sa iba. Masakit ang ginawa niyang iyon sa akin. As in. Masakit. Siya pa naman ang unang babaeng aking niligawan.” – Boy Umasa

Doctor Eamer on Boy Umasa: Huwag ka kasing pasisilaw sa sa panlabas na anyo. Sabi nga ni Tito Mon, “Charm is deceptive and beauty is fleeting.” Nawa ay maka-move on kana. God bless sa first job interview mo next week! 😉

Doctor Eamer on Girl Paasa: Naniniwala kaba sa karma? Pero bahala na si God sa iyo. Sabi nga sa Romans 12:19, “Do not take revenge, my dear friends, but leave room for God’s wrath, for it is written: ‘It is mine to avenge; I will repay,’says the Lord.” Sana huwag mo nang ulitin iyon at sana makatagpo ka ng lalaking iibigin ka nang tunay.

Isunod naman natin ngayon si Girl Umaasa.

Sila ang mga babaeng habol na habol sa kanilang Adan. Sila ang mga babaeng inaabuso minsan ng mga Juan. Sila ang mga babaeng (minsan) ay adik na sa atensiyon ng mga kalalakihan.

Ito ang pito sa ilang mga linya ni Girl Umaasa:

1. Sana mapansin niya ako.
2. Mukha namang may gusto siya sa akin.
3. Siguro gusto niya na ako.
4. Sana maramdaman niya na andito lang ako.
5. Sabi niya babalikan niya ako.
6. Handa naman akong maghintay sa kanya eh.
7. All or nothing ko siya.

Doctor Eamer on Girl Umaasa: Isa lang ang gusto kong sabihin sa iyo. Isa lang talaga. Promise, isa lang. May ideya kana ba sa isa na iyon? Gusto mong malaman na? Sige na nga, sasabihin ko na. Eto na… (end of conversation)

See? Ganyan siguro ang nangyayari sa mga babaeng umaasa. Sad. Pero may point din naman itong kasabihang naisip ko, “Walang aasa kung walang magpapa-asa.” So ang may kasalanan ba talaga ay sina Boy Paasa? Sana ang magkatuluyan na lang ay sina Girl Paasa at Boy Paasa. Kaso parehas sila ng surname. Baka magpinsan pa! Incest iyan! Hindi maganda iyan! Itigil niyo iyan! Ano iyan! Ano daw???!!!

Pero paano nga ba natin matutulungan sina Girl Umaasa? Sa totoo lang hindi ko din alam. Ang alam ko lang, keep on praying! May the Lord reveal in your heart what to do and what not to do. Huwag kayong maging biktima ng mga Boy Paasa. Lagi ninyong tatandaan na “No eye has seen, no ear has heard, and no mind has imagined what God has prepared for those who love Him” (1 Corinthians 2:9). Madaming magagandang plano si God para sa iyo.

Lastly, si Girl May Pag-asa Pa. Kumpleto ang pangalan niya! Mayroong compound first name (Girl May). Mayroong middle name (Pag-asa). At siyempre, ang surname (Pa). Bakit ka naging ‘Pa’? Sana naging ‘Poe’ ka na lang.LOL! Eh di sana sikat ka ngayon at itatanong sa iyo kung kaano-ano mo si Grace Poe! 🙂

Maaaring pinagdaanan mo na ang dalawang naunang ‘girl tenses’ pero alam kong kalimitan sa stage na ito ay mga babaeng lampas na ang edad sa kalendaryo. Bakit ba kasi hanggang 31 lang ang puwedeng last date sa kalendaryo? Dapat ginawa nilang kahit hanggang 60 na lang. Ganoon din naman iyon. Kung magkakaroon ng 60 days in a month, so anim na buwan na lang sa isang taon! Eh di sana mas maunti ang monthsary sa paghahandaan. So less gastos.LOL!

Pero sa totoo lang, hindi biro ang pinagdadaanan nila. Maaaring may kanya-kanya silang emotional battle. Maaaring feeling nila hindi sila complete. (Clear naman sinabi ko ah… maaari.)

Let’s analyze some girls na nasa relationship or may asawa na. Are they ‘more complete’ than those who are not in a relationship? I think hindi naman. Kung mag-survey nga tayo siguro baka lumabas pa na kalimitan sa mga babaeng nasa relationship ay incomplete pa. Bakit? Kasi madalas sila ang mga nakakaranas ng problema physically, emotionaly at spiritually.

I can justify that answer. Nasubukan kong mag-usisa sa isang komunidad sa malapit sa riles ng tren. Kalimitan ng mga kababaihan ay sila ang abala sa gawaing bahay. Pag-aalaga ng anak. Pagtitinda ng kung anu-ano. Samantalang ang mga kalalakihan ay naglalaro ng basketball. Nag-iinom sa kanto. Nagto-tong-it. Nagsusugal. Nagyoyosi. Tapos uuwi ang mister nila na galit pa at magtatanong kung ano ang pagkain. Physical and emotional stress iyan! Dahal sobrang abala ng mga kababaihang ito, wala na silang panahon para mag-church dahil bawat oras nila ay mahalaga. So may spiritual stress na. Sad but this is truth. (I’m not generalizing. I’m just getting a sample of the whole population. There are always cases which are expemted to what I am saying.)

Kaya kayong mga kalalakihan, umayos kayo ha! Magbasa-basa kayo ng articles sa Act Like A Man or just, stay tune sa aking blog. 🙂

Dahil mahaba na ang blog ko, sasagarin ko na. Habaan pa natin. Ito ang sabi ni Paul the Apostle. I highlighted some points. It’s up to you if you’ll read the whole passage. But, I encourage you to do so. Click 1 Corinthians 7:1-40, if you want to read the whole passage.

Concerning Married Life

Yes, it is good to abstain from sexual relations. But because there is so much sexual immorality, each man should have his own wife, and each woman should have her own husband. It’s better to marry than to burn with lust.

But for those who are married, I have a command that comes not from me, but from the Lord. A wife must not leave her husband. But if she does leave him, let her remain single or else be reconciled to him.

Concerning Change of Status

 Nevertheless, each person should live as a believer in whatever situation the Lord has assigned to them, just as God has called them. Brothers and sisters, each person, as responsible to God, should remain in the situation they were in when God called them.

Concerning the Unmarried

 Now about virgins: I have no command from the Lord, but I give a judgment as one who by the Lord’s mercy is trustworthy.  Because of the present crisis, I think that it is good for a man to remain as he is.

But if you do marry, you have not sinned; and if a virgin marries, she has not sinned. But those who marry will face many troubles in this life, and I want to spare you this.

Sa totoo lang, kaytagal na itong nasa draft ng blog topics ko. Ngayon ko lang talaga natapos. Naniniwala kasi ako na ang bawat bagay ay may kani-kaniyang panahon. Parang tayo. Malay mo bukas. Malay mo sa isang linggo. Malay mo sa isang buwan. Malay mo sa isang taon. Huwag naman sa isang dekada pa!haha

May gusto ka bang topic na gusto mong gawan ko ng blog? May katanungan kaba sa iyong buhay pag-ibig? Kung oo! Mag-iwan ka lang ng mensahe sa ibabang parisukat at pindutin ang SUBMIT.

Abangan ang aking blog tuwing Martes (#TuesdayPost) at Linggo (#SundaySeries).

“Sa dulo ng lahat ng ito, may nakikita ako, hindi ikaw, hindi rin ako… Kundi tayo.” – from the latest movie, The Break-Up Playlist

“Sa dulo ng lahat ng ito, may naamoy ako. Sino ‘yun?!!! Ang baho! Umutot ka noh? :-)” – from someone watching a movie, The Break-Fart Playlist

Photo Credit (here)

Advertisements

37 comments on “Girl Paasa. Girl Umaasa. Girl May Pag-asa Pa.

  1. lunaintheskye
    July 23, 2015

    “Girl Umaasa”. Sana makalagpas na ako sa dyan hahaha.

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      July 23, 2015

      It’s a choice. 😉

      Liked by 1 person

      • lunaintheskye
        July 24, 2015

        Madaling sabihin, mahirap gawin haha. 😛 Btw, may kilala ka bang Helia de la Cruz sa LB dati?

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        July 24, 2015

        Mahirap pero posible. Nagawa ko nga eh. 🙂 Yep, I knew her. Batchmate ko siya. Kababata mo ba siya? Or workmate? Nasa GenSan ata siya. 🙂

        Like

      • lunaintheskye
        July 24, 2015

        Close friend since high school 🙂 Nung college, nasa UPLB sya, nasa UPM ako. Nabanggit ka nya dati. Tapos naalala ko nung nakita ko yung profile mo. 🙂

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        July 24, 2015

        Owww. Nice!

        Like

  2. signorinamelrice
    July 13, 2015

    This is so cooooool. Hahaha.
    Gusto ko yong 1 Cor 2:19. Sobrang ganda ng message. Pero gusto ko rin naman lahat ng sinulat mo dito 🙂 nakakatawa pero may sense. Umaapaw sa sense.

    I’m one of your patients now, Dr. Joseph. 😄

    Liked by 1 person

  3. thelearnedignoramus
    July 12, 2015

    Baka Chinese si Girl May Pag-asa Pa.
    Haha. Interesting read!
    Papa Jack/Joe D Mango/ Dr Love ka pala rito.
    Wala akong matinong macontribute.
    Hihi na lang. 🙂

    Liked by 1 person

  4. Pingback: Joseph the Dreamer | through Faith with Love.. ..

  5. angelynponce
    July 8, 2015

    Overstaying na ata ako sa Girl Umaasa stage haha. 7 months! Pero alam ko parating na yung May Pag asa pa. Diba Doc? 😀

    Liked by 2 people

  6. Kumain na lang kasi ng pares sabi dun sa The Breakuo Playlist. 😀 #whogoat

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      July 7, 2015

      Hahaha! Hindi ko pa napapanood eh.hehe Mukhang relate na relate ka sa movie.hehe 🙂

      Like

      • Ayps, onga pala. Spoiler. hehehe Sorry. 😀 Sabi ko nga sayo bro, nabasa ata ng friend ko blog ko e at love story ko sina-pelikula. ehehe Joke. 😛

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        July 7, 2015

        So Ate Tin, paano ba magmahal? Kailangan bang nasasaktan?hahaha 🙂

        Liked by 1 person

      • KAILANGAN. Period. Dot. 🙂

        John 16:33
        “I have told you all this so that you may have peace in me. Here on earth you will have many trials and sorrows. But take heart, because I have overcome the world.”

        😀

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        July 7, 2015

        Sabagay, si Jesus nga namatay pa para maipakita ang pagmamahal. 🙂

        Like

  7. Cassiopeia
    July 7, 2015

    “Kung magkakaroon ng 60 days in a month, so anim na buwan na lang sa isang taon! Eh di sana mas maunti ang monthsary sa paghahandaan. So less gastos.”

    This line tho.. Hahaha sana magawan mo ng paraan to, Doc. lol.

    Liked by 2 people

    • Doctor Eamer
      July 7, 2015

      Haha! So less gastos sa menstruation period ng girl.LOL! If once in a sixty days lang sila magkakaroon ng buwanang dalaw.LOL!

      Like

      • Cassiopeia
        July 7, 2015

        What the … ?? Really, Doc? Really?
        Ang awkward naman nito, Doc. HAHAHAHA

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        July 7, 2015

        Hahaha! Sabagay, “girl talk” yan.LOL! Anyway, sige next time gagawan ko yan ng blog.hahaha

        Liked by 1 person

      • Cassiopeia
        July 7, 2015

        Hahaha .. sige, Doc.
        Abangers lang ako.

        Liked by 1 person

  8. Clauie Belle
    July 7, 2015

    Hahaha. Mukhang wala ako sa tenses na yan a. Buti na lang. 😛 Chos. Ang haba nga kuya, but it’s worth the read! 😉

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      July 7, 2015

      Baka in-tense ka.hehe Thanks for reading Babae sa Hagdanan.hehe

      Like

      • Clauie Belle
        July 7, 2015

        Hahahaha. Sa elevator na ang sunod nun 😛

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        July 7, 2015

        Aabangan ko yan.haha

        Like

      • Clauie Belle
        July 7, 2015

        Grabe. Wag na. Nakakahiya. Haha nagawa ko na yun dati, sa Tanza, nung last NCPM. May kasama nga lang ako sa picture. Hehe

        Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: