Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Bukas na Liham Para sa Saradong Puso

bukas na liham

Dear Saradong Puso,

Oo, ikaw nga. Alam kong naririnig mo ako kahit na hindi mo ako pinapansin. Hanggang kailan ka ba magbibingi-bingihan? Hanggang kailan ka magsasawalang bahala? Hanggang kailan ka magiging ganyan?

Kaytagal na din noong huli kang ngumiti at naging masaya. Subalit simula noong mangyari ang “bagay” na iyon ay nagbago ka na. Ngayon, hindi ka na marunong tumawa. Ngayon, parati ka na lang galit. Ngayon, ayaw mo nang makihalubilo. Ngayon, gusto mo laging mapag-isa.

Pitong taon na din ang nakalipas. Nagbago ang lahat sa iyo dahil sa “bagay” na iyon. Hindi na ikaw ang dating ikaw. Ang dati mong pusong mamon, ngayon ay pusong bato na.

Pagpapatawad. Alam kong mahirap pero iyon ang nararapat. Hindi kita masisisi dahil ikaw ay talaga namang nasaktan dahil sa “bagay” na iyon. Subalit dahil sa hindi mo pagpapatawad, ikaw ay nakakulong sa rehas ng poot, galit at paghihiganti.

Gusto kitang tulungan pero sana tulungan mo din ang iyong sarili. Sana bigyan mo ng pagkakataon ang iyong sarili na maging malaya sa mga rehas na iyon. At maging malaya sa mga bakas ng sugat ng kahapon.

“Hindi mo kasi naranasan!” Iyan ang palagi mong sinasabi sa bawat taong lumalapit sa iyo upang tulungan kang bumangon. Marahil hindi ko naranasan subalit hindi ko naman kailangang maranasan ang lahat ng bagay para lang ito ay maintindihan.

Bakit hindi mo subukang buksan ang iyong bintana para sa isang panauhing nagngangalang “Kasiyahan”? Bakit hindi mo dahan-dahang buksan ang iyong pintuan para sa isang espesyal na bisita na may pangalang “Pagmamahal”?

Naniniwala ako na kaya mo pang magbago, bumangon, at magmahal muli. Bakit hindi mo tuluyang iwanan sa nakaraan ang “bagay” na iyon? Ang mahalaga ay ang kasalukuyan dahil dito nakasalalay ang iyong kinabukasan.

Kapag nabasa mo na ang sulat kong ito, nawa’y magkaroon ka ng lakas para sa tuluyan mong pagbubukas.

PS: Sana’y makatulong ang mga ito.

Get rid of all bitterness, rage and anger, brawling and slander, along with every form of malice. Be kind and compassionate to one another, forgiving each other, just as in Christ God forgave you. – Ephesians 4:31-32

Consider it pure joy, my brothers and sisters,whenever you face trials of many kinds, because you know that the testing of your faith produces perseverance. – James 1:2-3

Do not take revenge, my dear friends, but leave room for God’s wrath, for it is written: “It is mine to avenge; I will repay,” says the Lord. – Romans 12:19

Here I [Jesus] am! I stand at the door and knock. If anyone hears my voice and opens the door, I will come in and eat with that person, and they with me. – Revelation 3:20 (Emphasis mine)

I pray that the eyes of your heart may be enlightened in order that you may know the hope to which he has called you, the riches of his glorious inheritance in his holy people… – Ephesians 1:18

Nagmamahal (Nagmahal na din at Magmamahal pa),

Doctor Eamer

***

Ito na ang ikatlong buwan ng aking Sunday Series (Click the link to check the previous blog series). Nagsimula ang aking Sunday Series noong Hulyo na pinamagatan kong That Thing Called. Noong Agosto naman ay Single Empowerment. At ang napili ko ngayong buwan ng Setyembre ay ang Open Letter (Bukas na Liham). Muli ninyong subaybayan ang aking mga liham tuwing Linggo.

PS Plus: Inaalay ko ang liham na ito sa mga taong nabubuhay pa din sa kanilang nakaraan. Moving on is a choice kapatid. Maybe this is the best time for you to step forward. Cheers to moving on! Stay tune!

“Sa sobrang daming mga ‘bagay’ na aking iniisip, isang bagay lang naman ang nagpapasaya sa akin. Iyon ay ang katotohanang ‘bagay’ tayo.” – Doctor Eamer

Photo Credit (here)

PLACE YOUR AD HERE

place your ad here

 

 

Advertisements

35 comments on “Bukas na Liham Para sa Saradong Puso

  1. Cassiopeia
    October 10, 2015

    Mahirap palambutin ang pusong bato. Sa totoo lang. 😀 Parang di ka na makadama. Lol

    Liked by 1 person

  2. mellowyellow
    September 13, 2015

    move on move din kasi,hahaha, move on kay crush! iba ka talaga doc! 🙂

    Like

  3. Madz Madaje (BetterCurly)
    September 8, 2015

    naks naman sir.. relate! hahahaa sakto ang bilang ng taon 😛

    Liked by 1 person

  4. Clauie Belle
    September 7, 2015

    Parang para saken yung verse a. 😔

    Liked by 1 person

  5. jasielrezon08
    September 6, 2015

    bumangon at magmahal muli.. haay.. 🙂

    Liked by 1 person

  6. Smiley25
    September 6, 2015

    Thumbs up 👍👍 galing galing!!

    Liked by 1 person

  7. signorinamelrice
    September 6, 2015

    Napa smile ako rito: “Bakit hindi mo subukang buksan ang iyong bintana para sa isang panauhing nagngangalang “Kasiyahan”? Bakit hindi mo dahan-dahang buksan ang iyong pintuan para sa isang espesyal na bisita na may pangalang “Pagmamahal”?”

    Napa tawa naman ako sa statement bago sa photo credit. XD

    Liked by 2 people

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: