Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Definitely Single BUT Definitely Happy

single but happy

Sabi ng nakararami, malungkot daw maging single. Sabi pa nila, mahirap tumandang dalaga o binata. Pero bakit may mga taong kasal nga pero malungkot pa din? May mga taong may asawa at anak, pero hirap na hirap pa din sa buhay?

Paano ko nga ba sisimulan ang blog na ito? Siguro basahin mo muna kung anong level ng singleness ka. Click this link. Kung nasa Level 6 at 7 ka. Para sa iyo ang #SundaySeries ko na ito.

Posible ba na single ka pero masaya ka? Hindi na kailangang pagtalunan pa ang sagot sa tanong na ito. Lahat naman posible diba? Parang ako at ikaw. May possibility.LOL!

Ano nga ba ang talagang gusto kong sabihin sa inyo? Wala actually. Kasi hindi ako ang magbabahagi ngayon sa blog ko. Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Let us welcome a co-blogger of mine, Musings of Signorina. Nagkaroon ako ng ideya sa topic na ito kasi nagkomento siya sa nauna kong blog na Single Pero Hindi Nag-iisa. Sinabi niya kasi na single siya at happy siya. Nagmensahe ako sa email niya at binigyan ko siya ng ilang mga katanungan. Agad din naman niyang pinaunlakan ang aking online interview.Β Eh di Wow!

1. Introduce yourself

So ang pangalan ko ay Mel, 21 years young. Kakahire ko lang last July sa isang malaking firm sa Makati (kinakatawanan ko na talaga ang natapos kong kurso kahit di naman talaga ito ang gusto ko). Very independent ako to the point na gusto kong mag-isa (wala naman sigurong problema sa akin haha, it’s just that by being alone, nakakapag munimuni ako at na eenjoy ko ang serenity na natatamasa ko, o diba hehe).

Truth be told, NBSB ako. And as far as I can remember, walang nag attempt haha. Actually, before I entered high school, nag pray ako na hindi muna magkaroon ng boyfriend dahil bata pa at para maka focus ng pag-aaral. Sa high school lang SANA ang prayer na yon, pero ngayong nagtatrabaho na ako, hindi parin ako nagkakaroon. Inextend ata ni Lord ang answer sa prayer ko. πŸ˜€ Ewan ko ba, sabi naman ng nanay ko maganda ako haha.

Anyway, hindi ako nahihirapan sa pagiging single. Yes, there were times na naglo-long akong magkaroon ng boyfriend para maranasan ko naman yung mga ganoong feeling, pero wala eh. And I used to believe na darating din ang tamang panahon para diyan. Pero just recently, nabago ang pananaw ko. I’ve reached the deepest depths of my faith kasi and I made a vow to Him. Nagcontribute din sa pagbabagong pananaw ko ang mga na observe kong pangyayari sa buhay ng iba pagdating sa pag-ibig.

2. Nahirapan ka bang maging “single”. Elaborate.

Basically, hindi ako nahihirapan maging single. Though wala pa akong experience mag nobyo para mag serve as comparison kung alin sa dalawa ang way better, masasabi ko pa ring mas maganda maging single dahil wala akong iniisip na boyfriend, kung nasaan siya, sinong kasama niya, kung may babaeng nagkakagusto sa kanya at nagpapadala siya, kung talagang loyal/faithful siya, etc. Malayang-malaya ako. No devastation (pag talagang darating na sa point na yon), no anything that has to do with the complications of a relationship. Just freedom and happiness in another form.

3. Paano mo nasabing happy ka kahit single?

Happy ako kasi kahit wala akong boyfriend, merong maraming taong nakakapag bigay inspirasyon at happiness sakin – family (especially ang nanay ko), friends, relatives and God – to the extent na having a boyfriend is no longer in my mind and despite that, wala akong nararamdamang emptiness sa buhay ko.

4.Β Final message sa mga single out there.

Sa mga katulad kong single, patience is a virtue. Β Please see 1 Kings 19:11-13 (sana ma-relate ninyo). Don’t be frustrated na wala ka pang boyfriend/girlfriend. Enjoy every single minute of your being single and the right time will just come. May nabasa nga akong line (though this doesn’t apply to all) na darating daw ang true love ng isang tao sa age na 25-30, so if nagmamadali ka, you’ll surely miss that true love. And if ever lagpas na sa kalendaryo ang edad mo pero wala parin, okay lang yan, again, patience is a virtue. Pero kung talagang walang darating, why dwell on what you don’t have? See the brighter side of it. Do the things that make you happy and give your love to those around you (just as God commands). In the end, aside from the series of events and how things turn out, it’s a matter of choice. Nasa sayo parin kung mananatili kang single o hindi.

Ito na ang pinakamahirap na mga tanong.Β Ang kanyang sagot ay ang mga nakahilig na salita.

Flowers or Chocolates?Β Flowers
GMA 7 or ABS-CBN?Β ABS-CBN
December 25 or January 1?Β December 25
Text or Chat?Β Chat
Tea or Coffee?Β Coffee
Apple or Banana?Β Apple
Jollibee or Mcdo?Β Mcdo
Ballpen or Pencil?Β Pencil
Read or Write?Β Read
Mahal mo o Mahal ka?Β Mahal ako
Thank you or Welcome?Β Thank you
Like or Comment? Like

***

Wala na akong masasabi. Magkomento ka na lang kung may mga katanungan o reaksyon ka sa mga sagot niya. Basta ako masaya din ako. Ikaw ba?Β Kung may mga sasabihin man ako at mapapayo, abangan ninyo na lang ang finale ng series na ito sa susunod na Linggo.

PS: Ito ang bagong set ng officers ng Philippine Single Association:

President:Β Rhea Angeline (Exhibit A)
Vice President: Clauie Belle (Pen’s Heart)
Secretary: Idiosyncratic (Sewmybrokenheart)

Matatanggal lamang sila sa puwesto kapag hindi na sila single.LOL! Naghahanap pa kami ng ibang officers, need namin ng Muse at Escort. Try to check this Best Single Dating App Ever. πŸ™‚

Kung gusto ninyong mapaunlakan sa aking online interview, drop me an email at iamdoctoreamer@gmail.com. Naghahanap din ako ng mga guest bloggers para sa blog anniversary ko sa October. #abangan

Photo Credit (here)

Advertisements

80 comments on “Definitely Single BUT Definitely Happy

  1. atekaking
    September 20, 2015

    hmmm. mabuti pa siya hindi siya naiinggit. LOL. minsan kasi pag lahat nalang ng kaibigan mo in a relationship na, kanya kanyang lakad, kung magkikita man kasama na yung mag partners nila. It’s not a fun experience na tuloy, kasi you know ikaw nanaman ang tutuksohin dahil wala kang partner. hmmmm. Pros and Cons of being single. >.<

    ps : WOW! Doc! idol na talaga kita! πŸ™‚ straight to the point at nakakaaliw basahin ang blog mo! πŸ˜€

    Liked by 2 people

  2. signorinamelrice
    August 28, 2015

    Reblogged this on Musings of a Signorina and commented:
    It’s been a long time, without you my friend.
    And I’ll tell you all about it when I blog here again. πŸ™‚

    Oh yes hello there!
    I’m back! πŸ™‚ But this time, (for the first time to note), I’ll reblog a post from an awesome blogger named Joseph. He’s got very interesting posts but why this specific one made me reblog it is because he interviewed me on this. Haha. So that’s why. But he’s really a very awesome writer and is filled with humor. And hey, he’s single. Haha. Check out his blog! πŸ™‚

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      August 30, 2015

      Ngayon ko lang ito nakita!haha At natawa naman ako kasi parang ipinromote mo ang pagiging single ko ah!LOL! Thanks for the compliment Mel! Keep blogging! πŸ™‚

      Liked by 1 person

      • signorinamelrice
        August 30, 2015

        Heya doc! Hahhahaha. BOD ka kaya sa asosasyon. Nararapat lang na iproclaim yun haha.

        Naku. You deserve all the compliments in the world. No echos haha. Keep blogging too doc! Marami kang patience. I mean patients. Ano daw? Haha

        Like

  3. Clauie Belle
    August 23, 2015

    Soooooo, VP na nga talaga ako. Hahahaha
    Ok lang, masaya rin naman ako sa pagiging single. May ilan din naman akong crushes kaya mas masaya! Haha 😜

    Like

  4. signorinamelrice
    August 23, 2015

    OMG doooooc! I thought we’re many? Nakaka stress naman to. Haha. Pero abot tenga ngiti ko ha. Thank you. πŸ™‚

    May qualifications ba ang muse? Haha

    Liked by 1 person

  5. RheaAngeline
    August 23, 2015

    Ano nanamang pag-tag ito doc??? Bakit ba kasi ako ang presidente? Hahaha. Mas type ko yata ang muse. : D

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      August 23, 2015

      Hahaha! Accountant daw kasi ang best person so position na iyan. Dapat maaccount ang every ‘single’ details.haha Go president! Ano pong plataporma mo?haha

      Liked by 1 person

      • RheaAngeline
        August 23, 2015

        Hahaha. Muse na lang ako!!! Doc, you had me at “Lahat naman posible diba? Parang ako at ikaw. May possibility.”

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        August 23, 2015

        Hahaha as I’ve said, reserved ang slot ng muse at escort para sa match ng Single Dating App.haha

        Like

    • sewmybrokenheart
      August 23, 2015

      Hahaha. President ano nga ba plataporma mo para sa ikauunlad ng ating grupo?

      Liked by 1 person

      • RheaAngeline
        August 23, 2015

        Isa lang ang plataporma ko, kapatid: “Gawin natin ang lahat para mabuwag ang asosayong ito.” Bilang presidente, mangunguna ako sa pagsuporta sa mga programang magpapa-evict isa-isa sa mga miyembro. Maaari ring mauna na akong ma-evict. Hahahaha.

        Bukas ang aking opisina para sa programang gusto ninyong ipatupad. πŸ™‚

        Liked by 3 people

      • sewmybrokenheart
        August 23, 2015

        Ay gusto ko yan madam… Team work pala dapat para ma-evict tau. Parang networking lang. Kelan tau eexit? πŸ˜€

        Like

      • RheaAngeline
        August 23, 2015

        Ay patay tayo diyan. Ayoko na yatang sumali sa meet up. Hahahaha.

        Like

      • sewmybrokenheart
        August 23, 2015

        Ay bakit naman. Birthday mo pa pala sa october. Ayos un. Libre mo ung meet up. Hehehe. Ok na ako sa isang frappe. Hehehe. #kapalmuks

        Like

      • RheaAngeline
        August 23, 2015

        Haha. Nung una yung “exit” lang ang reason ko ng hindi pag-attend sa meet up. Dinagdagan mo pa. Hahaha. Hindi ba ikaw ang manlilibre dahil balik-bayan ka? Hahaha.

        Like

      • sewmybrokenheart
        August 23, 2015

        Ay, un laang. Hindi na rin ako aattend sa meet up. Hahaha. Bakit dahil sa “exit” e ayaw mo umattend, e diba un main goal natin?

        Like

      • RheaAngeline
        August 23, 2015

        Hahaha. Tama, goal natin yang umexit. Sa PSA ha hindi sa networking. πŸ™‚ #SClub

        Liked by 1 person

      • sewmybrokenheart
        August 23, 2015

        Opo sa PSA… Kinompare ko lang sa networking ung org natin. Hehehe. May phobia ka ata sa networking. Hahhaa

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        August 23, 2015

        Hahaha! This is my most commented article.haha Welcome to chat room!LOL!

        Liked by 1 person

      • sewmybrokenheart
        August 23, 2015

        Pasensya naman doc. Dito naisipang mag-meeting ng PSA. hahaha

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        August 24, 2015

        Hahaha! gagawa na nga ako today ng email thread.haha

        Liked by 1 person

      • sewmybrokenheart
        August 24, 2015

        Morning doc. Aga ah. Hahaha. Lol

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        August 23, 2015

        Dapat ipasa na ng Senado ang Single Basic Law (SBL).haha

        Liked by 2 people

  6. Cassiopeia
    August 23, 2015

    Bilib talaga ko sa #SingleEmpowerment ni Doc! May pa-interview pa! πŸ˜€

    Liked by 1 person

  7. sewmybrokenheart
    August 23, 2015

    At may extra participation ako dito. Lol. Nice one doc. Bat di mo sinama name mo as board member? 😜

    Liked by 2 people

    • Cassiopeia
      August 23, 2015

      Taaray! Secretary! πŸ˜€

      Liked by 2 people

      • sewmybrokenheart
        August 23, 2015

        Nagulat din ako jan kay doc. Sinabi nya lang nung isang araw promoted daw ako. Echoserang froglet. Hahaha. Waiting to be demoted or be kicked out. Musta ka na?

        Liked by 2 people

      • Cassiopeia
        August 23, 2015

        Hahaha ang rule ay…matatanggal lang kapag hindi na single. Bakit Atii, may balak ka na bang tumiwalag sa grupo? Chos. Haha

        Oks lang po! Adjusting pa rin sa trabaho. Ikaw po? Uuwi ka na? πŸ˜€

        Liked by 2 people

      • Doctor Eamer
        August 23, 2015

        Bloggers meet up. Soon!haha

        Liked by 2 people

      • Cassiopeia
        August 23, 2015

        Nagiipon na ko . πŸ˜€

        Like

      • sewmybrokenheart
        August 23, 2015

        Ok lang din. Excited na akong umuwi. Konting kembot na lang at pareho na tayo ng hanging lalanghapin…chos. πŸ˜€. Malay natin, pag-uwi ko magkaroon ng lakas ng loob si torpe guy at yun ang maging dahilan ng pagtiwalag ko sa asosasyon. Lol. #asapamore

        Liked by 3 people

      • Cassiopeia
        August 23, 2015

        Uwi ka na para mapagplanuhan na ang meet up.

        Hahaha suportahan kita Atii, kahit pa ang pagtiwalag mo sa asosasyon federasyon natin ang kapalit niyan. LOL

        Liked by 1 person

      • sewmybrokenheart
        August 23, 2015

        Awww. Ang sweet naman. Pagplanuhan na yang meet up na yan. By October siguro anjan na ako. Hehehe.

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        August 23, 2015

        Haha! Gusto mong maging Project Relation Officer? πŸ™‚

        Liked by 1 person

      • Cassiopeia
        August 23, 2015

        PRO, haha ano po ba qualifications?

        Liked by 1 person

      • sewmybrokenheart
        August 23, 2015

        Lady ayan na, mapo-promote kana din. Hahaha

        Liked by 2 people

      • Doctor Eamer
        August 23, 2015

        Curiosity ang qualification. Dahil nacurious ka at nagtanong. You are now the PRO of the Association. Congrats. πŸ™‚

        Liked by 1 person

      • Cassiopeia
        August 23, 2015

        Hahaha ayos ‘yon ah! Seryoso ba yan?

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        August 23, 2015

        Yup. Sa next Sunday, finale ng #SundaySeries ko, maglalabas ako ng update list ng officers.haha

        Liked by 1 person

      • Cassiopeia
        August 23, 2015

        Omg! Hahaha Salamat, Doc! Lol

        Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      August 23, 2015

      Haha! Mag-guest blog ka sa akin! You want? By October kasi blog anniversary ko. So nag-iipon ako ng mga guest bloggers. πŸ™‚

      Liked by 2 people

      • sewmybrokenheart
        August 23, 2015

        Ok ako jan doc. Ang bongga naman, it’s a big privilege. Char. Hahaha. Pano ba gagawin? πŸ™‚

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        August 23, 2015

        I’ll email you na lang at ang ibang mga co-bloggers. πŸ™‚ Thanks in advance! Cheers to blogging! Cheers to singlehood! πŸ™‚

        Liked by 3 people

      • sewmybrokenheart
        August 23, 2015

        Ok doc. Salamat din. Abangan ko yung last topic ng sunday series mo about single. Hehehe. Kudos.

        Liked by 1 person

      • RheaAngeline
        August 23, 2015

        Birthday ko sa October. Ano bang partisipasyon ng guest blogger? Kaya ko bang gampanan yan? πŸ™‚

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        August 23, 2015

        Tagalog blogs.haha About pag-ibig.hehe I’ll send you guys the instruction soon. πŸ™‚

        Like

      • Cassiopeia
        August 23, 2015

        May certain topic ka po bang ibibigay?

        Like

    • RheaAngeline
      August 23, 2015

      Sali ako sa meet up!! Sana naman sa metro manila. Hahaha. πŸ™‚

      Liked by 3 people

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on August 23, 2015 by in Singlehood and tagged , , , , , , , , .
%d bloggers like this: