Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

What are you looking for a potential partner?

matchmaking-ehr

Iyan ang gusto ko sanang itanong sa iyo matagal na. Ngunit sa tuwing itatanong ko na sa iyo, bigla akong inaantok. Kaya ayun natulog na lang ako. Labo diba? Ganyan talaga kapag hindi mo alam sa sarili mo kung ano ang gusto mong mangyari sa buhay. Hindi mo alam kung may saysay pa ba ang bawat bagay na iyong ginagawa. Malayo nga ang napupuntahan mo, wala ka namang nararating. (Wait, saan galing iyon?Hahaha!) Pero malalim iyon! Kaya ikaw, manalangin ka na maging malinaw kung ano ba ang purpose mo sa buhay.

Dahil inantok ako kagabi, hindi ko nagawa ang article na dapat ay ipopost ko ngayon.

Hindi ako computer programmer pero gumawa ako ng sarili kong app. Kakaibang app ito. Tinawag ko itong Best Single Dating App Ever. Nasa experimental stage pa lang ako pero kapag gumana ang app na ito, at sakaling bilhin ito ng Google, hindi ko ito ibebenta. Hindi ako kagaya ni Hudas na ipinagkalulo si Hesus sa ilang pirasong pilak. Anong konek? Wala.

May mga nag-subscribe sa app na ito at napatunayan kong mas maraming single na babae kaysa sa lalaki. Bakit nga ba? Abangan ang mathematical explanation ko sa mga susunod na blogs.

May apat na lalaki at siyam na babae ang sumubok sa app na ito. Ito ang kanilang mga hinahanap sa isang potential partner:

M1. Online Name: Akosiako

What are you looking for a potential partner? Masarap ngumiti. Cute. Hindi masyadong payat. Hindi masyadong mataba. Magaling sumayaw…

M2. Online Name: John

What are you looking for a potential partner? Fun, simple, outgoing, likes jokes…

M3. Online Name: Arvey

What are you looking for a potential partner? Loyal, pretty, faithful, not judgemental…

M4. Online Name: Mudbloodprince

What are you looking for a potential partner? Kahit anu basta tao. :)…

W1. Online Name: JoySa

What are you looking for a potential partner? Responsible, God-fearing, family-oriented, take a lot of effort to pursue a girl…

W2. Online Name: Clang Clang

What are you looking for a potential partner? Simple at hindi complicated…

W3. Online Name: Rhege

What are you looking for a potential partner? God-fearing, knows how to respect his parents, a man who will draw me closer to God…

W4. Online Name: Sewmybrokenheart

What are you looking for a potential partner? Isang lalaking imbes na mangako na may forever sa aming dalawa ay mas nais patunayan na ito ay nag-e-exist. Witty and masarap kausap…

W5. Online Name: Hugotera

What are you looking for a potential partner? Funny, responsible, caring, hardworking…

W6. Online Name: Someone’s-the-one-that-got-away

What are you looking for a potential partner? God-fearing, family-oriented, positive ang pananaw sa buhay, masikap at masipag, walang ere sa katawan…

W7. Online Name: Musikera

What are you looking for a potential partner? God-fearing, faithful and responsible…

W8. Online Name: AkoSiBabae

What are you looking for a potential partner? May isang salita. May sariling desisyon. May respeto sa sarili at sa kapwa. May paninindigan. Walang kinikilingan at walang pinoprotektahan (walang sabit hehe). Hindi nakakasawa kausap. HINDI MAYABANG…

W9. Online Name: Chloecleo

What are you looking for a potential partner? Relihiyoso, magalang, may sense of humor, responsable, marunong sa gawaing bahay, higit sa lahat loyal :)…

***

Hindi ko pa sila nabibigyan ng susunod na instruction dahil naghahanap pa ako ng ilang lalaking sasali. Kung pwede lang akong sumali kaso that is against the rule. 😉 Anyway, kung gusto mong sumali, puntahan ang link na ito: Philippine Single Association (PSA).

Kung gusto mo lang naman ay magkumento kagaya ko, just like our Facebook Page: www.facebook.com/pages/Philippine-Single-Association. Araw-araw maglalagay kami ng mga tanong doon (Single Question of the Day).

philippine single association

PS: Ganito ako gumawa ng blog entry kapag tinatamad. Sorry. Babawi na lang ako sa Friday 😉 #abangan #FridayAdvertisement

Photo Credit (here)

 

Advertisements

37 comments on “What are you looking for a potential partner?

  1. RheaAngeline
    September 1, 2015

    W4 and W8, walang written letter of intent na pina-approve sa akin. I am approving, anyway. With wide smile. With open arms. Nothing to hide, believe what I say. 😀

    Liked by 1 person

  2. signorinamelrice
    August 27, 2015

    Doc, sorry. Pero pwede bang hindi ko idisclose ang FB account ko? I just want to remain behind the blog eh. Ayokong mag surface hahaha. Pasenxa talaga kayo sa ka OAhan ko, naway maintindihan ninyo. Pero I’ll do my best to do my duty. To love God and my country. To help other people at all times. Aw. Okay. Hahaha.

    Liked by 1 person

  3. signorinamelrice
    August 27, 2015

    Hmm. Yung tangggap ang pagka ako despite my limitations. 🙂

    Liked by 1 person

  4. chengboiser
    August 25, 2015

    interesante ah, d ko na mahintay ang susunod na kabanata 😀

    Liked by 1 person

  5. mulasawala
    August 25, 2015

    Gusto ko yung sagot ni M4 👍

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      August 27, 2015

      Kilala mo ba siya?hehe

      Like

      • mulasawala
        August 27, 2015

        Hindi e. Pero ayos yung sagot nya. Kung ako tatanungin, ganyan din isasagot ko. 🙂 Mas maganda kung kikilalanin muna yung tao. At sa nabuong uri ng relasyon na lang magbase kung magwowork ba as a couple.

        Liked by 1 person

    • signorinamelrice
      August 27, 2015

      Hahaha. Ako nga rin, natawa ako. 😀

      Liked by 1 person

    • RheaAngeline
      September 1, 2015

      M4 reminds me of my friend, “basta may paa at kamay.” 😀

      Liked by 2 people

      • Doctor Eamer
        September 1, 2015

        Sinong friend? Special friend?haha

        Like

      • RheaAngeline
        September 2, 2015

        Girl friend. Whenever we ask her what are her qualifications, “basta may paa at kamay”.

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        September 2, 2015

        Hahaha! Ang spider nga walo ang paa’t kamay combined.LOL!

        Liked by 1 person

  6. Clauie Belle
    August 25, 2015

    Kilala ko ba si W4? Hahaha

    Liked by 2 people

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on August 25, 2015 by in Courtship & Dating and tagged , , , , , , .
%d bloggers like this: