Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Ikaw at ang Pangarap Kong Bahay

dream house

Kagabi napanaginipan ko ang isang ikaw. Magkahawak nang mahigpit ang ating mga kamay habang naglalakad tayo sa tabi ng isang dalampasigang punong puno ng mga puting buhangin. Naririnig natin ang mga hampas ng agos mula sa dagat habang dumadampi ito sa ating mga paa. Pero mas naririnig natin ang bawat tibok ng ating mga puso na tila ligaya at pag-ibig lamang ang nararamadaman.

Tinanong mo ako, “Sa isang taon na ang kasal natin, saan natin plano tumira pagkatapos ng kasal?” Agad naman kitang sinagot, “Saan mo ba gusto? Ano ba ang itsura ng pangarap mong bahay?”

Nang sasagot kana, biglang…

Kriiiiiiing! Kriiiiiiing! Kriiiiiiing!

Tumunog na ang aking alarm clock at nagising ako. Ala sais na pala ng umaga.  Panaginip lang pala ang lahat! Bumangon na ako upang kumain ng agahan at maligo.

Maaga akong nakapasok sa opisina. Tatlumpung minuto pa bago magsimula ang trabaho. Naalala ko ang aking panaginip kanina pero hindi ko na masyadong maalala ang imahe ng babaeng nasa panaginip ko. Pero natatandaan ko pa din ang kanyang katanungan.

Napaisip ako kung ano ba talaga ang pangarap kong bahay. Dream house ika nga. Naghanap ako sa internet. Napadpad ako sa website ng http://www.property24.com.ph/. Ito ang limang napili ko na aking dream house:

5. Single Attached House and Lot with Roofdeck in Taytay, Rizal

property 24

Siguro dahil sa salitang ‘single’ kaya ko napili ito.LOL! Bukod sa ito ay Spanish-Mediterranean na style, simple lang din kasi ang design nito. Sabi nga nila, simplicity is beauty. Saka malapit din ito sa SM Taytay kaya tamang tama lang para sa shopping galore. Tapos katabi din ang San Beda College Rizal Campus. Three bedroom din ito kaya kasyang kasya ang apat anak namin in the future.LOL!

Floor Area: 50 sqm ; Lot Area: 120 sqm.
Price Range: Php3M-5M
Check other details: Click this!

4. Three Bedroom House and Lot in Kawit, Cavite

property 24

Napili ko ito dahil taga Kawit si Hannah sa aking maikling kuwentong pag-ibig, “Ang Crush Kong Blogger“. Okey din ang design nito. Puwede kang mamili sa iba’t ibang model nila: Felicity Model, Bea Model, Dana Model, at Era Model. Model po iyon ng bahay at hindi model na babae ha! Just clarifying. Kung madalas ka mamasyal sa Baclaran para magdasal, tatlumpung minutong biyahe lang iyon. Malapit din ito sa Mall of Asia kasi dadaan ka sa CAVITEX.

Floor Area: 72 sqm ; Lot Area: 88 sqm.
Price Range: Php2M-3.8M
Check other details: Click this!

3. One Bedroom Condo Unit  at Uptown Parksuites, BGC The Fort

property 24

Dahil isa lang ang kuwarto, patok ito sa mga bagong kasal at wala pang anak. Maganda din ang view dahil overlooking ang labas. Malinis din tingnan ang design. Kung madalas kang magkasakit, okey ang lokasyin nito dahil malapit ito sa mga reputable hospitals. Kung dedicated naman kayo sa serbisyo sa panginoon, malapit ito sa mga Churches. Siyempre sosyal ito dahil nasa BGC The Fort! Bili na baka maubusan ka at mapunta ka na lang sa The Fifth 😉

Usable Floor Area: 34 sqm ; Lot Area: 34 sqm.
Price Range: Php5M-5.1M
Check other details: Click this!

2. Three Bedroom Townhouse in Makati City

property 24

Ganito daw sila sa Makati. Napili ko ito kasi cute. Parang ikaw. Naman! Bola lang! Magandang tumanda dito kasama ang mapapangasawa mo. Kapag matanda at senior citizen kana, may free cake ka sa birthday mo 🙂

Dalawang palapag ito na matatagpuan sa Gen. Del Pilar St., Brgy. Bangkal, Makati City. Maaliwalas tingnan ang loob ng bahay at maluwang din. Kasya pati ang mga in-laws mo kung sakaling dadalaw sila sa inyo dahil hindi na daw kayo dumadalaw sa kanila. Tuwing Linggo, attend ka na din ng Sunday Service ng Destiny Makati.

Floor Area: 78 sqm ; Lot Area: 157 sqm.
Price Range: Php9M-9.5M
Check other details: Click this!

1. Fully Furnished Overlooking Three Bedroom Townhouse in Tisa Labangon Cebu

property 24

Ito ang number one ko kasi may namimiss akong taga-Cebu.LOL! Naalala ko kasi ang Trash Warriors Boot Camp ng Let’s Do It Philippines. Abangan ninyo sa September 20 ang National Clean Up Day! Makikiisa kami doon!

Madami pa din kasi akong gustong puntahan sa Cebu lalo na ang kanilang mga falls at beaches. Kaya kung may bahay ako sa Cebu, mas madali kaming makakagala ni Misis at ng mga anak namin.

Elegante ang design ng bahay na ito. Tapos overlooking pa ang view ng Cebu City. How awesome is that! Tapos mapuno pa sa paligid kaya masarap langhapin ang sariwang hangin.

Floor Area: 175 sqm ; Lot Area: 220 sqm.
Price Range: Php10M
Check other details: Click this!

Bawat pangarap ay may kaakibat na preparasyon para makamtam ito. Dahil medyo may kamahalan ang aking pangarap ng bahay, dapat mag-ipon! At magtiwala kay God. Sabi nga sa Philippians 4:19, “And my God will meet all your needs according to the riches of his glory in Christ Jesus.”

***

Property24.com.ph is the fastest growing property portal in the Philippines.  They provide an effective online platform for leading Real Estate Developers, Agencies and Brokers that allows them to showcase their property listings to a wider audience of qualified prospective Buyers.

#PerfectHome  #Property24  #Property24PH

property 24

Photo Credits (here and Property24.com.ph)

Advertisements

11 comments on “Ikaw at ang Pangarap Kong Bahay

  1. Mia
    August 28, 2015

    Nice one Joseph. Thanks for sharing this website. It will come in handy pag mag property search ako in the future :-D…Anyway, are you accepting advertisers on your site now?

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      August 28, 2015

      Yes I do. Kaso tagalog talaga forte ko so mga local advertisers. And hindi pa din kasi ako .com hehe So sponsored post lang.hehe This one is somehow a sponsored post na free.haha Entry ko ito sa contest nila.hehe

      Like

  2. Christine Lailani Ginete
    August 27, 2015

    Just in time for newly married couples. 😉 But claiming in God’s time. ahaha Thanks for sharing bro!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      August 27, 2015

      Hahaha! Hindi ko nga alam if tanggapin nila ang entry ko since tagalog. Pero masaya palang gumawa ng article na sort of advertisement.haha

      Like

  3. signorinamelrice
    August 20, 2015

    Galing ng introduction doc. Kala ko love story. Galing din ng twist. Sobra. Hahaha.

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      August 22, 2015

      Ayos ba ang twist?haha Pwede na bang advertiser?LOL! Entry ko yan sa contest ng Nuffnang. Ewan ko lang kung iconsider since Tagalog. Pero naisipan ko kasing mag-advertise. Kaya ayun.haha #moretocome

      Like

  4. realmakino330
    August 19, 2015

    Nice house. Mas masaya kung customized yung interior designs 🙂

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      August 20, 2015

      Tama. 🙂 maghire na lang ng interior designer.hehe

      Liked by 1 person

      • realmakino330
        August 20, 2015

        May nkita akong page sa fb last time. Nkakatuwa kasi ngdDesign sila ng mga bhay. Ung mga beds na mraming drawers 🙂

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        August 22, 2015

        Yup! Yung namamaximize talaga ang space. 🙂

        Like

  5. njgparas
    August 19, 2015

    Nice ads! 🙂

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: