Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

The Best Single Dating App Ever!

datingapp

Ayon sa estimatistics ni Doctor Eamer, lima (5) sa sampung mga Pilipino ay single. Dalawa ang nasa happy relationship. Isa ang complicated. Isa ang broken-hearted. At isa ang NPR o ang No Permanent Relationship. Kung may NPA nga, so may NPR din.

Author’s note: Ang estimatistics ay pinagsamang estimates at statistics.

Matagal na pinag-aralan ni Doctor Eamer ang mga nakalap niyang datos bago niya natapos ang resulta. Nahirapan siyang pumili ng sampung kaibigan niya sa Facebook para gawing sample sa kanyang investigative research. Ang tawag sa sampling method na ginawa niya ay random intentional sampling method. Hindi pa sikat ang method na ito kaya naman wala pang Review of Related Literature ang pag-aaral na ginawa niya. Gusto mo bang basahin ang Abstract nito? Huwag na! Hindi mo din maiitindihan kasi nga abstract. 😉

Dahil lumabas sa pag-aaral na majority ng Pilipino ay single, may planong gumawa ng isang proyekto si Doctor Eamer upang mabawasan ang malaking porsyento ng mga single sa bansa. Ang goal niya ay 10% reduction by the end of 2015. Sa madaling salita, nais ng proyektong ito na at least bumaba sa apat (4) ang bilang ng mga single kada sampung Pilipino. Huwag mong isiping kumplikado ito. Dahil ang pag-ibig hindi naman kumplikado. Tao lang ang nagbibigay ng kumplikasyon.

Kanina habang sakay ako ng taxi papuntang airport, si Manong driver ay nakikinig sa isang local FM station. Nagkukuwento ang isang caller (babae) sa DJ. Nagpunta daw siya sa isang dating site tapos nakakilala siya ng Pinoy. Parehas silang taga-Manila. Nagbigayan sila ng number at FB. Tapos ilang araw, close agad. Nagkita sila. May nangyari. Cut the long story short, parang gusto nang hiwalayan ni girl si boy kasi madaming hindi alam si girl kay boy at nagugulat na lang siya na ganoon pala si boy. Anyway, ayoko nang ikuwento pa.

Ang masasabi ko lang, huwag masyadong desperado. Dating sites or apps, are not recommended if you want a long lasting relationship. There are so many valid reasons that I can tell you pero masyado nang mahaba ang blog ko kaya next time na lang. Of course, there is always an exception. May mga success stories naman daw sa ganyang sites. Sabihin na lang natin na 3-5% cases ang nauuwi sa forever.

Ngayon, naisip ko lang na gawin ito kasi gusto kong maiwasan ang mga ganoong sitwasyon. Si Doctor Eamer mismo ang magiging site or app. Siya ang middle man sa match making na ito. Kailangan dito ay HONESTY at TRUST.

Una, honesty. Lahat ng mga information na ilalagay mo ay dapat totoo. I’ll check your personal FB account or LinkedIn if ever.

Except for the full name, birthday and email address, I will give all the details sa possible match up mo. Actually lahat ng guy (kung girl ka) na sumali ay ibibigay ko ang list sa iyo, then mamili ka ng isa na gusto mong makilala.

Ano ang pinagkaiba nito sa ibang chatting rooms or dating sites? Simple lang, ako ang mediator. Kapag alam kong flirting or foul na ang messages mo, ititigil na natin ang match up.

Parang ganito lang. May tatlong tao, si A, si B, at si C. Si Doctor Eamer si B. Ikaw si A. Si C ay ang mapipili mong potential partner. Lahat ng email message mo kay C ay dadaan at mababasa ni Doctor Eamer (B). B will forward your message to C.

Sa makatuwid, parang nagpapaabot ka lang ng liham thru online sa isang tao na hindi mo kilala pero handa mong kilalanin.

Kung busy si Doctor Eamer, baka matagalan siya sa pag-forward ng iyong mensahe kay C. Kaya habaan mo lagi ang mensahe para sulit. Anytime puwede nating itigil ang match up basta may umayaw na sa inyong dalawa o kapag may violation ka. Sasabihin na lang ni Doctor Eamer kung ano ang mga maaaring violations kapag nag-sign up ka na!

Kaya kailangan ng trust kasi… dapat mong pagkatiwalaan si Doctor Eamer na hindi niya ibibigay ang mahahalaga mong impormasyon. Hindi siya tatanggap ng kahit anong suhol. Hindi niya ito ginagawa for fun but for a possible future (ninyong dalawa). 🙂

“Ang lahat ng bagay ay posible. Pero hindi lahat ng posible ay bagay. Pero tingnan natin kung bagay kayong dalawa.” –Doctor Eamer

Author’s final note: Ginawa ko ang blog na ito sa eroplano (PAL Flight PR 2787). Sa buong flight ay tinapos ko ito. Sakto na ang huling mga salita ay nailagay ko sa Gmail Draft sa smart phone at natapos ang pag-landing ng eroplano. At saktong lowbat na ang kanyang Flare S3, 15% na lang. Paalam.

Update: Tingnan dito sa link na ito ang mga nakilahok, Philippine Single Association.

Photo Credit (here)

 

Advertisements

47 comments on “The Best Single Dating App Ever!

  1. nutala
    September 22, 2015

    Ang cool nito! It’s good to find pinoy blogs again, thanks for dropping by mine. Nakatutok ako sa magiging resulta nitong PSA mo hehe.

    Goodluck!

    At mukhang enjoy difo sa bahay blog mo, marami akong babasahin sa mga susunod pang araw 🙂

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      September 22, 2015

      Puwede ka ding mag-join kung qualified ka.hehe Abangan mo sa October ang blog anniversary ko. 🙂 Salamat sa pagtambay! God bless 🙂

      Like

      • nutala
        September 22, 2015

        Haha, hala may qualifications for joining pala, parang di ko napansin. Di bale, magmamasid muna ako at baka mareject ako e nasa application stage pa lang hahaha!

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        September 22, 2015

        Siyempre dapat single at walang sabit.haha Yun ang implied qualifications.haha

        Like

      • nutala
        September 22, 2015

        Hahaha, yun naman pala. Tama lang, dapat alang sabit. Mukhang interesting to, dapat tigilan na ang Tinder, dito na lang sayo Doctor Eamer 👍🏻

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        September 22, 2015

        First time ko marinig yang Tinder.haha Sige, ipakalat mo sa friends mo itong App ko.LOL!

        Like

  2. Mia
    August 28, 2015

    This is so funny, Joseph! Dami ko tawa as always. Also, dami ko palang na-miss sa blog mo, ngayon ko lang nabasa to 🙂

    Liked by 1 person

  3. RheaAngeline
    August 19, 2015

    pambihira. natatawa ako mag-isa dito. nakatutok pa naman sakin ang CCTV. hahahahahahahahhahahaha.

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      August 20, 2015

      Hahaha! Happiness is a choice. Parang pagiging single. It’s a choice.LOL!

      Like

      • RheaAngeline
        August 20, 2015

        sometimes it’s not a choice but someone else’s choice, since being in a relationship requires two consenting individuals. hahaha.

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        August 20, 2015

        well, i’m pertaining to those people na papunta pa lang sa relationship if ever.hehe parang ako, choice kong maging single eh.haha

        Liked by 1 person

  4. My sister used to frequent dating sites but it didn’t work for her..

    Liked by 1 person

  5. maria
    June 28, 2015

    dating sites should only me a “venue” to meet but it takes some work to see if genuine nga ang tao.

    Liked by 1 person

  6. Mommy Maye
    June 27, 2015

    Dating sites are really popular nowadays. I just hope the sites are safe. Baka kasi imbes na makahanap ng true love, mapahamak pa. But I believe that if two people are meant to be kahit sa dating site pa magkakilala, it doesn’t matter 🙂 Nice post again.

    Liked by 1 person

  7. Melgie
    June 27, 2015

    Love reading your blog. It’s fun and may aral talagang makukuha just like the word estimatistics super hanep yung dating. Thanks for sharing!
    http://www.sweetcuisinera.com

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      June 27, 2015

      Thanks Ms. Melgie! Feel free to come back and read blog posts. 🙂

      Like

  8. Allan
    June 25, 2015

    Nice one Dr. Eamer. May kumisyon ka ba sa mga makakahanap ng date? hehehe

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      June 25, 2015

      Hahaha! Happiness po siguro kapag may isang couple na magkatuluyan. 🙂

      Like

  9. Mommy Anna
    June 24, 2015

    🙂 that is my advise to my friends who is still single to go to dating app wala namn mawawala

    Liked by 1 person

  10. Lai Gamboa (@laigamboa8)
    June 24, 2015

    My sis found her partner thru dating site, they are happily married with a kid. Pero there are a lot of scams and dapat talaga mag ingat. Its always better if makikilala muna ng maayos ang isat isa and dont jump in sa isang relasyon agad agad.
    Hahaha doctor eamer, goodluck sa pagiging middle man!

    Liked by 1 person

  11. nilyncartagena
    June 23, 2015

    Ako, bilib ako sa talagang nagkakatuluyan sa dating sites, they’re destined to meet using that. Pero we can’t deny na andami din talagang mga fling (excuse the word) or katuwaan lang sa online sites. Ung iba, nag-iiscam pa. tsk.tsk. So, yeah, I agree, medyo risky talaga sya. 🙂

    Liked by 1 person

  12. Elizabeth O.
    June 22, 2015

    Dating sites can be fun, but if you’re looking for a real relationship, I wouldn’t recommend it.

    Liked by 1 person

  13. ronleyba (@ronley_ph)
    June 22, 2015

    Dating apps are quite for people who are desperate na. I mean, yung totally, wala nang pag asa. Just my opinion though.

    Liked by 1 person

  14. If I’m still single, I don’t think I will use dating apps. I believe I won’t meet my “the one” in dating apps. 🙂

    Liked by 1 person

  15. Dominique Goh
    June 21, 2015

    Really interesting app. I don’t think I would personally try it out though.

    Liked by 1 person

  16. Mark Villar
    June 17, 2015

    Nice idea bro! Parang dota market lang may midman! Ayos!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      June 17, 2015

      Hindi ako naglalaro ng DOTA pero mukhang may mga ganoon ata.haha Thanks bro! You can join.hehe 🙂

      Like

  17. akosiclang
    June 17, 2015

    Katuwa naman… matry nga…. hahahah….

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      June 17, 2015

      After sometime ako magsend ng messages.hehe mag-iipon muna ako ng magjoin para mas madami. 🙂 Feel free to invite some of your single friends. 🙂

      Liked by 1 person

  18. Nicole Alexandra Chua
    June 16, 2015

    Gusto ko yung “estimatics” mo Doc HAHA Gusto ko sana sumali kaso kuntento na ako sa komplikadong relationship ko HAHA But nice idea! 😀

    Liked by 1 person

  19. KimberlyTheBrave
    June 16, 2015

    A good cause and a brilliant solution 🙂

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      June 16, 2015

      Thanks Kim! Feel free to share this to your single friends who are ready to mingle 🙂

      Like

  20. docpreciousjem
    June 16, 2015

    Muhehehehehe! :p

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      June 16, 2015

      mag-join ka, feeling ko madami kang ka-match up.LOL!

      Like

      • docpreciousjem
        June 16, 2015

        *kinilabutan* Muhahahaha!

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        June 16, 2015

        Kaya tinuloy ko ang post na ito kasi napanood ko pa kahapon sa news na may na-rape because of dating sites. Nakakalungkot lang.

        Like

      • docpreciousjem
        June 16, 2015

        Ooooooh. But then, sana walang makalampas sa “kilatis” abilities mo. Hehehe. I’m sure you already know that you have a responsibility on both parties (in some way). Hehehe 😀

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        June 16, 2015

        Yup. Don’t worry, if they decided to meet after some conversation, I’ll make sure that it would be a group date. 🙂

        Liked by 1 person

      • docpreciousjem
        June 16, 2015

        That’s cool. Terribly cool. Haha! Pwede bang mag-apply na “cheerer.” Wahaha!

        Liked by 1 person

  21. lagingligaw
    June 16, 2015

    Ang dami kong tawa dito kuya. Haha!

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: