Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Hanggang kailan ako maghihintay sa’yo?

paghihitay_ok

Trust is the ‘big word’. Sabi iyan ni Ms. Laida Magtalas (version 2.0) sa palabas na “It Takes a Man and a Woman”. Napanood ko lang kasi ulit noong holy weeek. Pero ang sabi naman ng nakararami, paghihintay (waiting) is the ‘long word’.

Walang pinipiling tao ang ‘paghihintay’. Wala din itong pinipiling edad, kasarian, antas ng pamunuhay o panahon.

Kahit ang mga bata ay naghihintay. Naghihintay sa pag-uwi ng kanilang nanay na galing sa trabaho. Siya kasi ang madalas na nagbibigay ng pasalubong sa kanyang mga anak.

May mga estudyante naman na naghihintay na matapos na ang nakakaantok na klase para mag-uwian na at makapaggala na sila ng barkada niya.

May mga software specialist naman na naghihintay sa matagal na uploading ng kanilang program na ginagawa. Ito ang makabagong mukha ng teknolohiya. Apps.

May mga mag-asawa naman na hinintay ang siyam na buwan para masilayan ang kanilang panganay na anak.

May mga turista naman na naghihintay sa delayed nilang flight. Hindi lang basta delayed. Kundi super delayed.

May iba naman na naghihintay sa mga MRT stations. Sobrang haba ng pila. Siksikan. Buwis buhay din kung minsan.

May iba naman na nasa ospital. Naghihintay ng himala sa kanilang karamdaman. Mayaman sila. Pero unti-unti nang nauubos ito dahil mahal ang magkaroon ng sakit na cancer.

May mga katatapos lang kumuha ng board exam sa pagiging guro. Ilang araw na lang ay lalabas na daw ang resulta. Sobrang kaba nila habang naghihintay na ilabas ng PRC ang mga pangalan ng nakapasa.

Alam ko madami pa din ang naghihintay ng donasyon at tulong sa Tacloban. Madami daw binigay ang ibang bansa pero bakit hindi nila nararamdaman iyon?

Ang iba naman ay hinihintay na lang ang 2016 para mapalitan na ang administrasyon. Naghihintay na ang sambayanang Pilipino kung sino ang mga kakandidato sa pagiging Pangulo.

Nakakalungkot pero may ilan din na hinihintay na lang ang kamatayan nila sa buhay. Walang kasamang pamilya. Walang nagmamalasakit. Mayaman siya pero hindi kayang bilhin ng pera ang kasiyahan at ang pagmamahal.

Siyempre hindi mawawala sa listahan ang mga singles na naghihintay sa kanilang ‘The One‘. Ang iba ay natagpuan na nila kahapon ang kanilang irog. Ang iba naman ay taon na ang binilang pero wala pa din. Hanggan kailan sila maghihintay?

Noong isang araw, nanood ako ng isang Indian movie na may pamagat na “Dil Chahta Hai”. It’s about waiting and friendship. Natutuwa talaga ako sa kalidad ng pelikula ng India. Nagsimula ang hilig kong manuood ng mga ito nang napanood ko ang ‘Three Idiots”. Simply amazing! Kahit  tatlong oras ang isang movie ay ok lang. Isa sa mga bida ay si Aamir Khan. May expiration date ang babae sa kanya. Dalawang linggo lang ay nakikipaghiwalay na siya. Hindi siya seryoso. Hindi siya naniniwala sa love.

Pero isang araw, nabago ang kanyang paniniwala. Sabihin nating tinamaan siya ng ‘that thing called love‘. And the rest is history. Panuodin niyo na lang. It is also about restoration of friendship, forgiveness, love, culture, and waiting.

Ikaw? Anong kuwentong paghihintay mo? (READ my blog: The Power of Waiting: Hihintayin Ko ‘Siya’)

Speaking of ‘paghihintay’, ang aking mga kaibigan ay naghihintay na din sa paglabas ng aking libro na LOVE is BLOG. Kaunting tiis na lang at mababasa na nila ito sa Mayo. 🙂

“Hintay-hintay lang ‘pag may time!” – Doctor Eamer

Advertisements

12 comments on “Hanggang kailan ako maghihintay sa’yo?

  1. Pingback: Joseph the Dreamer | through Faith with Love.. ..

  2. Pingback: Love is BLOG #bookreview | butterflyspectrum

  3. belle
    April 8, 2015

    Cge ba, update mo nlng me 😊.. I’ll be in Pinas by August kaya lang bka ubos na ang books mo. #soldOut hehehe

    Liked by 1 person

  4. belle
    April 8, 2015

    Nag hihintay din ako sa Love is Blog na libro mo Dr. Eamer, I like the way you write nakaka relate ako. But as of now wala ako sa Pinas to avail your book, paano to? Kaya nag aabang ako ng mga new blog post mo sa email ko.. #keepWriting #GodBless

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      April 8, 2015

      Hmmm.. I’m thinking to send you the e-book. 🙂 Basta bayadan mo na lang.hehe Pero I’m not sure paano. May paypal naman ako.haha Anyway, I’ll update you once matapos ko na ang book! Thanks for reading my blogs. 🙂 Nakakataba ng puso. 🙂

      Like

  5. leilala
    April 8, 2015

    May nabasa ako dati, 1/3 daw ng buhay ng tao, ginugugol sa paghihintay. Wala lang naalala ko lang. Haha. Congrats sa paparating na libro! 🙂

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      April 8, 2015

      Haha! How about the 2/3 ng buhay nila? Saan ginugugol?hehe Thanks!

      Like

  6. yolomoments12
    April 7, 2015

    May sinisulat rin ako ngayon na parang ganito rin. HAHAH

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      April 7, 2015

      Keep writing bro. 🙂 God bless din sa job hunting mo. 🙂

      Liked by 1 person

      • yolomoments12
        April 7, 2015

        #TeamBahay

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        April 7, 2015

        Ayos yan! More time to blog. 🙂 Gawa ka din ng mga articles na makakarelate ang kapwa mo graduates. Like what to consider in finding your first job. Ano ang dapat ihandang requirements, etc. 🙂 At least makakatulong ka din sa iba. 🙂

        Liked by 1 person

      • yolomoments12
        April 7, 2015

        Cge ba! Hahaha

        Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on April 7, 2015 by in Love & Relationship and tagged , , , , , , .
%d bloggers like this: