Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Why I Chose to Let “You” Go

letting go of hands

Isang taon.

Masaya tayo sa unang mga buwan. Naaalala mo pa ang first monthsarry natin? Excited tayong parehas. Pinaghandaan ko iyon. Sinurpresa kita. Hinarana kita gamit ang mga salita mula sa aking malikhaing isipan. Tila mga rosas na namumukadkad ang mga tulang inalay ko sa iyo. Ang mga banat ko naman ay mas matamis pa sa kahit anong tsokolateng natikman mo na. Wari sa iyong mukha ang kilig.

Ngunit sapat na ba ang kilig? Dumating tayo sa ika-pitong buwan. Unti-unting nawala ang mga lambingan. Ang kilig ay napalitan na ng lamig. Nag-iisip na ako kung dapat pa ba natin itong ipagpatuloy.

Dumating ang ika-labing-isang buwan. Sinubukan nating ipaglaban ang namagitan sa atin sa nakaraan. Ngunit una akong bumitaw. Nawala na ang aking kasiyahan. Hindi tulad ng dati. Pinag-isipan kong mabuti ang mga bagay-bagay.

Hanggang sa dumating ang ika-labing-dalawang buwan. Saktong isang taon. Nagdesisyon akong hindi na magpatuloy pa. Tuluyan kitang binitiwan. Tinapos ko ang isang taong pagsasama natin sa pamamagitan ng limang salita.

“I will not renew anymore.”

Ayun nga guys. Naalala niyo pa ba na noong isang taon (April 28, 2016) ay isinulat ko ang “Huling Blog Post na Isusulat Ko“. Ang dami ko pa namang pamamaalam na ginawa doon. Haha! Tapos sinabi ko pa sa isang article ko na Change is inevitable. Change is coming. Kasagsagan kasi noong ng presidential debate. Pero ganoon pala ang pakiramdam na kapag ayaw mo na sa change na nangyayari at hindi ka na masaya, kailangan may gawin ka upang maibalik ang dating saya na mayroon ka.

Doctor Eamer

Iniwan ko ang WordPress dahil bumili na ako ng sarili kong domain. Nagkaroon na ako ng [dot] com na site. Ang hosting provider ko ay ang Coffeemags. Sa halagang PhP 1,056.00 may domain name at hosting ka na ng isang taon. Contact me if you want to be connected sa admin nila. I will refer you personally. Para rin may referral fee ako. Hehe! Madami na rin akong nai-refer sa kanila – Los Banos Bytes, Bookshelf PHAim Global Pinoy, 18Megapixel, Verge Ascabano, and Aui’s Journal. Php 48.00 din kada isang referral. Tinanong ako noong admin kung magre-renew pa ako. Pinag-isipan kong mabuti and finally I decided not to renew anymore. Bakit?

1. Malungkot

Kapag may sariling domain ka na kasi, parang may sariling mundo ka na. Wala ka na sa blogosphere. Hindi ka na part ng WordPress universe. Your co-WP bloggers cannot reblog and like your posts. Pwede naman silang mag-comment pero effort pa kasi dahil need nilang mag-fill out pa ng mga information (name, email address, website, etc.). The sad thing is hindi na sila makakatanggap ng notifications  ng new posts unless they subscribed via email. Malungkot kasi kapag nagkaroon ka na ng sariling domain site, para kang umalis sa isang subdivision at lumipat sa ibang lugar. Basta ganoon! Try it for yourself.

Pero may kasagutan na iyan based kay Joy. Siya kasi ay may WordPress at may sariling domain. Pero integrated. Ang hosting niya ay ang mismong WordPress. May kamahalan nga lang.  Ang WP site niya ay yakapin.wordpress.com pero it will be directed sa yakapin.com. Bumili siya ng domain sa GoDaddy then she availed the hosting of WordPress including annual premium subscription and mapping. I think around $99 lahat. Kaso hindi pa natanggap doon ng advertisement tulad ng Google Adsense.

2. Malabong purpose

Sabi nga ni Dr. Myles Munroe, “The greatest tragedy in life is not death, but a life without a purpose.” Bakit nga ba nag-exist ang aking sariling domain? Hindi ko na masagot iyan dati. Bakit nga ba ako bumili pa ng sariling domain? Hindi pa ba sapat ang libreng WordPress? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko? LOL! Mga ganyang drama.

3. I lost my passion to blog

Dahil nga sa #1 at #2, unti-unting nawala ang pagmamahal ko sa blogging. Pero sabi nga sa mga quotes, stand up where you fall. Tama nga naman, saan ka ba dapat bumangon? Siyempre kung saan ka natumba. Logical. Kaya ngayon, bumabangon akong muli. I’m finding my way back to blogging once again. I’m finding my voice – my unique voice in blogging (again). Kaya siguro nagulat ang karamihan dahil araw-araw ay may blog post ako.

Para sa mga nagtatanong kung dapat bang bumili ng sariling domain o hindi, depende sa inyo iyan. For me, if para sa personal blogging, okay na ang free blogging platform. Pero kung ang plan mo ay future business, then invest on your own domain. Kung gusto mong makilala bilang isang speaker or author in the future, ok din. Depende kasi sa layunin mo. So define mo muna iyon. Define the relationship. Bawal ang No Label.

Medyo napahaba na ata ang sinulat ko. I think nasabi ko na ang gusto kong sabihin. Ay eto pa. I miss you! Ayan nasabi ko na. Char!

Ito po ang istorya kung bakit I chose to let you go. Byers!

***

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Advertisements

8 comments on “Why I Chose to Let “You” Go

  1. Jayson Santos
    May 2, 2017

    Alam mo, base sa nakikita ko sa paligid, parang madalang akong makakita ng relationship na may label. Ang mahal kasi ng branded! Hahaha!

    Liked by 1 person

  2. joshuainfantado
    May 1, 2017

    Nice bro! You never fail to surprise me. 😀 hehehe. Dito na lang tayo sa WP, libre pa. Ahahaha. 😀

    Liked by 1 person

  3. Vir Antonio
    April 30, 2017

    Welcome back,kapatid!

    Liked by 1 person

  4. Doctor Eamer
    April 29, 2017

    Reblogged this on P.S.A. and commented:

    Welcome me back to WordPress once again! ❤

    Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on April 29, 2017 by in Blogging and tagged , , , , , , , .
%d bloggers like this: