Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

My First Pay Out in Google AdSense | $153.96

Sobrang excited akong isulat ito dahil finally kumita na rin ako sa Google AdSense! Actually noong una ay hindi ako masyado naniniwala sa mga taong kumikita online. May mga kaibigan naman akong matagal na akong hinihimok na subukan ang Google AdSense pero hindi ko talaga sinubukan. Ang layunin ko lang kasi talaga sa pagsusulat ay hobby lang.

Google AdSense Payment

Okay. Matagal din talaga ako naghintay bago magkaroon ng first pay out. Ang minimum threshold kasi ng Google AdSense ay $100. In short, dapat umabot ka muna sa $100 bago mo makuha ang earnings mo.

The website that I applied for Google AdSense is the BOOKSHELF.PHΒ and fortunately it was approved during my first application. Sabi kasi sa mga nababasa kong thread, dati ay mahirap talaga magpa-approved sa Google AdSense pero last year medyo lumuwag na ata.

Ang Google Adsense account ko sa bookshelf.ph ay iyon na rin ang ginamit ko sa isa ko pang website na LILIWTSINELAS.COM. Kahit isang account lang ay pwede mong gamitin sa iba’t ibang website. Actually itong dalawang websites ko ay hindi talaga intended for monetization since sila ay parehong e-Commerce websites. Online business ko kasi ang mga iyan. So far around 400 – 600 views per day on the average ang aking stats.

May isa pa akong website dati pero hindi ko kasi feel talaga kaya hindi ko na ni-renew ang domain name (Read Why I Chose to Let “You” Go). Masasabi ko siguro na hindi lahat ng klase ng website ay pwede mong imonitize. Mayroon kasing kahit sobrang laki ng views mo per month pero kung wala namang nagki-click sa mga ADS, wala ka ring kita.

Nagpapasalamat ako kay Ate Cille (PENFIRES.COM) dahil siya ang isa sa mga nagturo sa akin ng ilang mga tips about SEO, blogging, at kung ano-ano pa. Actually, I just met her online. I was searching for “Liliw Tsinelas Website” then napadpad ako sa site niya. At nalaman kong taga-Liliw siya! Siyempre taga-Liliw ako kaya gusto ko siyang makilala dahil siya ata ang una kong nakilalang blogger na taga-Liliw. Well, ang asawa niya talaga ang taga-Liliw. Cebuana si Ate Cille. πŸ™‚

Para sa mga WordPress blogger friends ko: Totoong maaaring kumita sa blogging. Need mo lang aralin talaga kung paano. Magbasa-basa sa mga articles online. Saka hindi tayo kikita kung free WordPress lang. Dapat sariling domain. At saka, hindi overnight na maaari kang kumita. It will take time to build readership and ranking ng site mo. For example, ang keyword na “Liliw Tsinelas” ay mga tatlong buwan ko nagawang maging first sa Google Rank.

Para naman sa mga gustong magkaroon ng sariling website (including domain name and hosting) for only PhP 1056, just send me an email sa iamdoctoreamer@gmail.com. I will refer you to my friend who is into web hosting business. I will connect you sa email and sa Facebook. Sobrang sulit na at mura pa. At wala akong masasabi sa kanilang customer support service. Mabilis at mabait! I have referred several clients already. πŸ™‚

Back to my earnings pala. Ang palitan ng dollars to peso ay 50.65 kaya kaninang nagpunta ako sa Western Union, may naiuwi akong around PhP 7,800. Not bad for a newbie! Pwede na rin iyon na pang-renew ng domain at hosting. Sa ngayon, nag-iisip pa ako ng ibang niche na akma talaga sa website monetization. Actually, ang sabi sa nababasa kong thread, more on viral news daw. Try mo ring sumali sa Ask Pinoy Bloggers Facebook Group. Madami kang matutunan diyan kahit magbasa ka lang ng mga posts and comments nila.

I miss writing here. Sana makapagsulat ulit ako nang madalas dito. Soon!

Advertisements

20 comments on “My First Pay Out in Google AdSense | $153.96

  1. Gurezu
    May 20, 2018

    COngrats. Magsisimula pa lang ako sa Google Adsense. I have my own domain na. gurezu.com. Pahingi naman po ng tips sa SEO. Or kahit hindi na tips but resources for learning. Thank you!

    Like

    • Doctor Eamer
      June 28, 2018

      Nice domain name. Try to read articles at seo-hacker.com πŸ™‚

      Like

  2. Aui V.
    May 8, 2018

    Gratis Joseph!! That’s good to hear. Will follow your advice:)

    Like

  3. pinoytransplant
    December 6, 2017

    $154! That amount of money is nothing to sneeze at. Congratulations.

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      December 6, 2017

      Thank you! Six months po iyan bago nabuo ng ganyan. Hehe

      Like

      • Vir
        December 7, 2017

        Galing six months πŸ˜€ sa akin 8Months yung first payments ko πŸ˜€ dami makaka relate sayo

        Like

  4. cheesecake
    December 3, 2017

    dahil dyan may manlilibre next meet.

    Liked by 2 people

  5. Amielle
    December 1, 2017

    Ang saya! Congrats, Doc!! Nagbabasa basa rin ako about AdSense noon pero parang ang complicated eh. Haha

    Liked by 1 person

  6. The Dreamer
    November 28, 2017

    Ang sosyal mo bro! Kumita ng dollar. Very nice.

    Liked by 1 person

  7. degamobryan12
    November 28, 2017

    Congrats sir ako nasa 11$ pa ako for 3 weeks na sa isa kung article

    Liked by 1 person

  8. masterclauie
    November 27, 2017

    Wow! Congrats! :))))

    Liked by 2 people

  9. nocturnalmomtalks
    November 26, 2017

    Good job! Nagtry akong magbasa about AdSense dati pero di ko masyado nagets hehe. Sana one day kumita rin ako ng ganyan hihi.

    Liked by 1 person

  10. ShadesOfWanderer
    November 26, 2017

    Nice one Doc! Yang kinita mo ay combined earnings na nung dalawang website mo? At mga gaano katagal bago mo na-reached yung minimum threshold? Kase yung ibang website taon ang inaabot bago maka $100..

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on November 26, 2017 by in Blogging and tagged .
%d bloggers like this: