Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Payo para sa mga kukuha ng CPA Board Exam

Alam ba ninyong Accountancy talaga ang kursong gusto kong kunin noong high school pa lang ako? Hindi naman sa pagmamayabang pero magaling daw ako sa Math. Pero medyo mahina ako sa English kaya kumuha ako ng engineering course. Ang kapatid naming bunso ang kumuha ng Accountancy kaya ok na rin kasi at least may magiging CPA sa pamilya. Sa October 2017 pa naman kukuha ang kapatid ko ng exam dahil kaka-graduate niya pa lang. This coming May ay simula ng review nila sa Manila.

Ang article ko ngayon ay para sa sa mga kukuha ng CPA Board Exam ngayon darating na buwan ng Mayo. Special mention ang isa sa miyembro ng aming lumalaking samahan sa PSA. Para sa iyo ito Dexter! Dahil hindi ka makakasama sa Project LiBro – Nasugbu natin, we are all hoping na maging maganda ang resulta ng exam mo.

Ang mga susunod na payo ay mula kay Izza. I believe na may mas authority siya na magbahagi ng payo since CPA siya. Although nag-board exam naman ako dati pero sa Chemical Engineering naman iyon. Thanks Izza for the write up!

Larizza “Izza” Doneza Dulay

Si Larizza “Izza” Doneza Dulay ay nag-aral ng Accountancy sa San Sebastian College Recoletos de Cavite at kumuha ng board exam noong October 2015. Nag-review siya sa CPA Review School of the Philippines (CPAR) at kasalukuyan siyang Audit Officer sa Bank of Makati. Bonus daw yung nagtapos siya na Cum Laude. 🙂


SA UNDERGRAD, mahalaga talaga na mabasa mo ang lahat ng lessons. Kapag hindi niyo na-cover yung ibang topics, make sure na babasahin niyo siya pag summer or bago magreview. Kailangan aralin niyo na siya kasi mapaparami ang hahabulin niyo sa review. Tulad ng sa FinAcc 3, yung ibang part sa P2, detailed na lectures sa Law lalo na pledges ganun kasi wala sa reviewer. BASAHIN NIYO TALAGA YUNG TOA. Matutuwa kayo kapag ginawa niyo. Haha! Kasi mare-retain sa utak niyo. Sagutan niyo na lahat ng reviewers at problems na meron kayo sa book kung keri na pagsabayin sa pagaaral. Pero TEXTBOOKS muna bago reviewers pag undergrad para maganda foundation ninyo. Kapag nabalikan yung lesson, alam niyo pa din. Lahat ng formulas na mababasa niyo at maii-discuss, isulat niyo na sa index. NAPAKAHELPFUL! Madami yan ha. Lahat ng pinapabasa na code of ethics, PSAs ay basahin na. Pati sa Law, dapat tapos na yung books. SA TAX PLS, MAGARAL AT MAGBASA KAYO. Napakadami ng coverage nun. Sulatin niyo na yung mga exclusions, inclusions sa VAT ganun pati % ng iba’t ibang taxes sa index. Hindi ko nagawa lahat yan kaya super pinagbayaran ko yan ng review. Pero alam kong kaya niyong gawin.

SA REVIEW, dapat review lang talaga. May pyramid na tinatawag yung mga reviewers. Dapat tapusin mo muna yung mga handouts at lectures na ibibgay ng review school mo. Maganda sana kung hati yung subjects mo, meron sa umaga at sa hapon para magpursige ka talagang magaral ng buong araw kasi ganun ginawa ko. Pagkatapos mo sa handouts, basa ka ng reviewers at magsagot ka. At kung may time ka pa, dun mo lang muna dapat buklatin ang textbooks kaya mahalaga na naaral mo na lahat before review. Manage your time pati sa resources. Pili kayo ng magaling na reviewer. Eto yung sa CPAR! TOA, P1- Valix na. Although nasa books siya, maganda yung summary na binibigay niya sa klase. Yun na lang aralin mo 🙂 Sa P2, since wala na ata si Ferrer, kay Valix na din kasi okay naman daw siya. Sa MAS, Roque na at walang iba. Sa AT, Roque din. Magkapatid yun sila. Haha. Sa AP, si Roque din ng AT. The best! Sa BLT, super pasukan niyo dapat si Atty D. Siya na talaga! PUMASOK KAYO. BINAYARAN NIYO YAN EH! Okay? Kailangan niyo din ng reviewer sa buhay niyo. You cannot do it all alone.

SA REVIEW SCHOOL, kayo bahala. Pero sa CPAR, maganda handouts. Sa RESA, may lectures na at maganda din naman handouts. Suggest ko na if may kakilala kayo na CRC-ACE, hiram kayo handouts nila sa BLT. The best! Tas sa PRTC pagdating sa AudProb. Nabasa ko Preweek nila tas yung mga problems lumabas. Maghiraman kayo sa resources please. Huwag magdamutan! Kayo ang magtutulungan hanggang sa dulo. 🙂

SA BOOKS, maraming maganda. Pero ang mahalaga ay mabasa niyo lahat. Ideal na mabasa niyo na textbooks at reviewers ng cover to cover ay two authors per subject. Sa TOA, P1- Valix na lang talaga yan. Sa P2- Guerrero at Dayag. Kung gusto niyong matapos agad yung book, reviewer ni Punzalan. Pero mas maigsi pa ang book ni Baysa at siya ay examiner niyo. Sa MAS, Cabrera at Roque. Sa AT, Salosagcol at Roque. Sa AP, Roque at Cabrera. Sa Law- Soriano at Suarez. Sa Tax- Si De Vera.

SA BUHAY, kailangan niyo ng balanse. Hindi niyo naman kailangan i-sacrifice ang lahat pero dapat alam ang priorities. Sa Review, akala natin yung mental lang ang kailangang iprepare. Ang natutunan ko sa buong journey ko sa Review, kailangan niyo din pakainin ang katawan niyo at yung spiritual needs niyo. Be emotionally prepared din. Every week ako nauwi sa bahay kahit alam ko na hindi ako makakapagaral kapag ganon. Pero ginagawa ko pa din kasi sila kalakasan ko at alam ko na mas makakapagaral ako kapag nagbigay ako ng 1-2 days sa kanila. Pahinga ko na din yun at the same time at naeencourage ako sa maraming bagay. Be spiritually strong and firm. Magdasal kayo araw-araw. Sana ginagawa natin ito hindi lang dahil gusto nating makapasa pero dahil gusto nating ibalik kay Lord lahat ng papuri at kadakilaan kasi naitaguyod niya tayo sa apat na taon ng pagaaral ng Accountancy sa Baste. Tandaan mo, wala ka ngayon sa kinalalagyan mo kung wala Siya. Magsimba kayo. Ideal kasi sa akin na twice a week. Of course yung isa pag Sunday, at yung isa midweek para hindi nakakapressure at stress. Sa Victory Church sa may St. Thomas Square ako nagsisimba. Patugtog kayo Christian Music kapag alam niyo na napapagod na kayo at gusto ng mggive up. Yan kasi mga ginagawa ko. Bumili kayo bookmarks at stickers na may verses, at inspiring quotes. Lagyan niyo lahat ng gamit niyo para sa tuwing makikita mo yun, pursigido kang magaral. GUMISING NG MAAGA! Mahalaga yan, para di sayang ang oras. Matulog din naman kayo ng maaga. Ideal na haba ng tulog siguro ay 4-6 hours. KUMAIN NG MASUSTANSYA! Haha 🙂 pero wag puro kain, kaya kami tumaba eh. Magenjoy din naman! Naku, puro gala nga ako ng review at cutting classes. Wag niyo akong gayahin. ARAL MUNA BAGO LANDI. Haha!

ETO YUNG LIFE VERSE KO! Araw-araw ako nagme-meditate. Bigyan niyo ng time si God sa buong araw niyo. Wag kayong manghinayang.

Fear not, for I am with you. Be not dismayed, for I am your God. I will strengthen you. Yes, I wil help you, I will uphold you with My righteous right hand. (Isaiah 41:10)


As for my advice naman, do your best! Huwag umatras sa laban. Be secured that everything is in the hands of the Lord. Ask God for wisdom and strategy kung paano mo sasagutan ang mga tanong. Don’t compare yourself sa iba. Especially kung madami na silang na-review. When I took my board exam, nag-review lang ako part-time since may full time work ako. Mahirap pero nakayanan naman. Praise God! Kaya mo yan! Tiwala lang sa kanya. I hope nakatulong ang article na ito sa pagkuha ninyo ng CPA Board Exam.

***

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Advertisements

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on April 28, 2017 by in Advices and tagged , , , , , .
%d bloggers like this: