Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

The Break Up List: A Review

April 8, 2017 (Satuday) – OMG! I can’t believe it. Haha! This is my first time to write a review about a “series“. I don’t know if you can call it a series but anyway, let’s get it on!

Napuntahan ko ang Youtube video na ito dahil sa The Ming Thing. Napanood ko kasi ang isa nilang short story entitled Relationship Status: Online.  You guys should watch it! And you’ll realize the importance of having a balance between personal and public life particularly in your relationship. So ayun nga. I followed the FB Page ng The Ming Thing, then I browsed some of their posts. And charaaaaan! Nakita ko ang isang video na pinost nila pero ito ay sa TreePotatoes:

Twenty five minutes lang naman kaya sabi ko ok lang itong panuorin. Carry ng time ko. Saka Singaporean ang mga cast so it’s a new thing to me and my first time to watch a Singaporean series. Ayun pinanood ko ang buong 8 episodes. Rest day naman ngayon saka ngayon lang ulit ako nakapanood ng matagal. The rest is history. #JustifyPaMore

The story revolve kay Luke, isang accountant on his mid 20’s. May girlfriend siya (ex I mean) for six years. His girlfriend dumped him. Nagkataon naman na ang best friend niyang si Joe ay may similar na experience rin. So parehas silang na-dumped. Kaya naisipan nilang gawin ang “The Break Up List”, listahan ng mga gusto nilang gawin ngayon single na sila.

Episode 1 and 2 are available on Youtube but the rest of episodes are not. Since ayoko nga kasi na nabibitin ako, tinapos ko. Oo na. Nagustuhan ko yung 1st two episodes kaya hinanap ko talaga yung iba pa. Dahil gusto kong hindi na kayo mahirapan, here are the links for all the episodes:

Episode 1: The Break Up

Madami rin naman akong friends na tumagal ng 6 years (yung isa ngang friend ko 7 years sila pero hindi rin sila nagkatuluyan) pero hindi ko pa masyado gets kung bakit nauuwi sila sa hiwalayan. Sayang ang investment dude. Pero kung may isa kasi na nag-cheat or may issue, I think that’s another thing to talk about.

Kawawang Luke. Umikot na lang ang buhay niya sa GF niya for the whole six years. Buti na lang may best friend siya si Joe na dinamayan siya. Guys, keep such friends. Extinct na sila. If you have one, treasured them.

Dito sa episode na ito unang nagtagpo sina Luke and Sarah.

Episode 2: Jobs

Nagresign si Luke sa work niya bilang isang accountant. And he pursues his passion – photography.

Episode 3: Getting Hard

Medyo parang kahit wala na nitong episode na ito, may flow pa rin naman ang story. Pampahaba rin siguro.

Episode 4: Dating

Haven’t tried a dating app. But I had an experience of organizing a speed dating event. I tried to create a “dating app” portion in this blog site, but it just doesn’t work. Mga babae lang ang game eh. Walang naglakas ng loob magpatuloy sa mga lalake. Haha! Check the “app” here.

Episode 5: He Said She Said

Isa ito sa nagustuhan kong scenes. Discovering each other.

Episode 6: History

I don’t know why ito ang title ng episode kasi sobrang liit lang naman ng pinakitang “history” doon sa buong episode. But this paved the way for the “conflict” in the next episode.

Episode 7: Choices

Dito yung maaasar ka sa kontrabida. Andito ang major conflict.

Episode 8 (Finale): Journey

Nice concept. Especially yung painting. Eto yung moment nila Luke and Sarah. Good job!

Other comments:

– Mukhang sa SG ay uso ang “live in” kahit BF-GF pa lang ang status. Madami rin naman gumagawa nito sa Pinas pero even if it’s done by the majority, that doesn’t make it right. Oh well, it’s a long discussion (another blog article maybe). Basta as my faith is concerned, hindi ako pro-live in. 🙂

– Hindi nila nabigyan ng hustisya ang title nila. Sorry. Anyare sa lahat ng lists? Parang nawala na ang lists sa dulo ng story. Not to compare naman sa The Break-Up Playlist. 🙂

– Hawig si Luke kay JC Santos. Pati rin kay Nash Aguas.

– Magaling ang pagkakagawa. Salamat! Nag-enjoy ako!

– Nakakainis nga lang yung mga commercial sa Toggle. You can’t skip. Haha!

– Cool yung mga songs na ginamit.  “Electricity” by Nathan Hartono, “In Your Arms” by indie pop quartet, Take Two. and BECKA for “20 Seconds”.

– Ayos din siguro kung instead na gumawa ng break up list ay makinig sa seminar gaya ng “Emotional Healing Free Workshop“. Maisangat lang. Haha!

Love comes when you least expect it. – The Break Up List

***

Advertisements

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on April 10, 2017 by in Love & Relationship and tagged , , , , , , .
%d bloggers like this: