Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

That Thing Called “Break”

break

Siguro dahil gusto ko talagang mapanood ang movie na “The Break-Up Playlist” nina Sarah G. and Piolo P. kaya ko ginawa ang blog na ito. Siguro may nabasa din akong isang blog na about sa “break”. Siguro. Lagi na lang siguro. Kailan ba tayo magiging sigurado? Si Guro at Si G’rado.  The Teacher and The Grade (Sorry tinatamad akong mag-isip ng intro).

Ang post ko every Sunday ay bahagi ng isang series. Ngayong buwan ng Hulyo, ang napili kong series ay That Thing Called. Last week, ang title ng blog ko ay That Thing Called “MU (Mutual Understanding o Maling Ugnayan)”.

Napakaraming palabas na ang aking napanood sa telebisyon at sinehan na may ganitong eksenang break. Ito ang pito sa ilang linyang naalala ko.

1. “Break? Edi break kung break!!!”

2. “Hindi ko na kaya. Akala ko noong una kakayin ko na dalawa kami sa buhay mo. Ayoko nang may kahati sa puso mo. Sorry, pero gusto ko nang tapusin kung ano man ang meron sa atin.”

3. “Hindi na ikaw ang lalaking una kong nakilala. Minsan na kitang pinatawad pero binalewala mo iyon. Tama na. Itigil na natin into. Paalam.”

4. “Bakit mo ginawa sa akin ito? Ano ba ang pagkukulang ko? Kulang paba ang pagmamahal na ibinibigay ko?”

5. “Hindi talaga ikaw ang may problema. Ako ang may problema. Patawad, pero kailangan ko munang lumayo at hanapin ang aking sarili.”

6. “Wala nang patutunguhan ang relasyong ito. Dahil kung meron pa, sana hindi mo ako ipinagpalit.”

7. “Sobra na ito. Hindi ko na kaya. Ayoko na.”

Hindi ko pa naman nararanasan ang isa sa mga iyan at siyempre hindi ko gugustuhing maranasan ang mga iyan. Ikaw ba? May kuwentong ‘break’ ka ba? Share mo naman! Contact me at iamdoctoreamer@gmail.com. 🙂

Sa bawat break na nangyayari, laging may nasasaktan. Laging may malungkot. Pero sana, that ‘break’ will make the both persons grow personally. Sana magkaroon sila ng realization kung ano ba ang kailangan nilang ayusin individually. If time comes and the wounds are already healed, tapos magtagpo ang landas nilang dalawa. Kung will talaga ni Lord na sila, walang makakapigil diba?

Sa totoo lang ayoko ng mga ganitong topic kasi nga negative vibes ito. Kaya naman let’s be positive!!!

Bakit may mga taong gustong gusto ng ‘break’? Ako gusto ko din ng break!!! Breakthrough!

Ikaw, gusto mo ba ng ‘big break’ sa buhay mo?

Marahil ay kailangan mo ng breakthrough sa iyong finances. Maaari mong puntahan ang Go Negosyo webiste (http://www.gonegosyo.net/) at madami kang matututunan kung paano magsimula kahit maliit na negosyo. Kung wala kang pampuhunan, try to ask some cooperatives. Ang alam ko nagpapahiram sila ng mga perang capital sa isang business. Kung gugustuhin mo talaga, madami namang paraan. Find ways not excuses!

Baka naman sa career mo ang gusto mong break. Matagal mo na bang hinihintay ang promotion mo? Sawa ka na ba sa trabaho mo? Baka naman quarter life crisis lang iyan. Basahin mo ang blog ko na The Quarter (Love) Life Crisis. Tandaan mo lagi ang turo ni Tito Mon, “Put God in charge of your work, then what you’ve planned will take place.”

Love life ba ang matagal mo nang gustong magkaroon ng big break? Hindi ako ang makakasagot niyan. Si Lord lang talaga. Try mong basahin ang Part 1 ng maikling kuwentong aking ginawa. Malay mo ma-inspire ka. Click Ang Crush Kong Blogger. 🙂

Gusto mo talaga ng BREAK? Punta ka sa grocery store. Bili ka ng KIT-KAT. Have a break. Have a Kit-Kat! Panoodin mo ito!

This blog is brought to you by:

kit kat

“Para maiwasan ang break. Stay single and have a cute cat.” – Doctor Eamer

cute cat

 

Photo Credit (12 and 3)

Advertisements

34 comments on “That Thing Called “Break”

  1. Steph
    July 16, 2015

    Nice post! Haha nakaka-aliw ka naman magsulat 🙂

    Liked by 1 person

  2. signorinamelrice
    July 14, 2015

    Break? Diba yan yung sa sasakyan? Breaks?

    Okey. Waley. Hahaha.
    I’d better go and grab a Kitkat. XD

    Liked by 1 person

  3. aysabaw
    July 14, 2015

    wow may sponsor

    Liked by 2 people

  4. docpreciousjem
    July 13, 2015

    Gusto ko rin panoorin movie nila, huhu.

    Liked by 1 person

  5. Cassiopeia
    July 12, 2015

    Endorser ka na pala, Doc! 😀

    Natetempt ako sa kwentong break na yan.

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: