Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Linggo sa Kasalukuyan | 001

This is my version of the famous blog series I have found in the blogosphere – Sunday Currently. Madami na akong nakikitang blogs ng mga blogger friends ko about this. Hindi ko naman masyado pinapansin dahil akala ko kung anong “award” lang ang mga ganoon. So let’s start!

KASALUKUYANG…

Nagbabasa (Reading)

May dalawang libro akong binabasa ngayon. (1) The $100 Startup: Reinvent the Way You Make a Living, Do What You Love, and Create a New Future by Chris Guillebeau. (2) CEO at 22 by Sean Si. I think nasa 75% na ako both. I’m enjoying both books. Inspiring stories.

Nagsusulat (Writing)

Obviously, nagsusulat ako ngayon ng blog post ko for this day.

Nakikinig (Listening)

Mostly ang nilalagay nila sa part na ito ay mga kanta. Kaso hindi ako nakikinig ng music as of now. Ang napapakinggan ko ngayon ang ang huni ng electric fan sa harap ko. Ang init na ngayon. Sarap mag-halo-halo!

Nanonood (Watching)

Kanina ay nanood kami ng ASAP. Mamayang gabi naman ay inaabangan namin ang Your Face Sounds Familiar. Finals na kasi. Fave yun ng family. Haha!

Nag-iisip (Thinking)

Iniisip ko ngayon yung mga gagawin ko for next week sa trabaho. Saka kung saan ba ako pupunta sa Holy Week. Ang parents ko ay papunta sa Tita ko sa Nagcarlan. May dinadayo kasi doon na lugar every Mahal na Araw. Baka sumama ako if ever. Tutulong ako sa pagtitinda ng kakanin doon. Pero may nagyaya rin kasi na friends ko sa Batangas. Iniisip ko rin yung outreach namin sa Nasugbu Batangas. You’ll hear more of it this coming days.

Naaamoy (Smelling)

I don’t know kung bakit mayroong ganitong part sa Sunday Currently. Normal smell naman dito sa bahay.

Nangangarap (Wishing)

Wishing ako for all the best sa aking father dear. He just celebrated his 60th birthday today. Finally, member na siya ng senior citizen club. Haha! Magkakaroon na siya ng discount! Yehey! Simple celebration lang kami today kasi ayaw niyang lumabas dahil sa sobrang init. Nahihirapan kasi siya sa pag-ihi kapag ganoon. So nagpadeliver na lang kami sa Max’s. ๐Ÿ™‚

Nagsusuot (Wearing)

Ang suot ko ngayon ay simpleng short at ang polo shirt na may tatak na I am HistoryMaker!

Umaasang (Hoping)

I’m hoping na maging safe ang lahat sa nakaraang paglindol. Let’s pray na hindi dumating ang The Big One. Pero let’s pray na dumating na ang The One ng bawat isa. ๐Ÿ˜‰

Nagmamahal (Loving)

Parang ang lalim naman ng tagalog. I’m loving to have road trip sa mga medyo mapupunong lugar at hindi normal na dinadaanan. Thanks Blue for accompanying me everytime na gusto kong mag-melan. Haha!

We made it! My first out of town trip with Blue. ๐Ÿ™‚ #BayToMajayjay #HelloLiliw

A post shared by Doctor Eamer (@doctor_eamer) on

Nangangailangan (Needing)

Need ko ng time para ayusin ang mga files ko sa work. Ang dami na kasi. Dapat naka-schedule ako kahapon na mag-OT sa office kaso nagyaya ang isa kong kaibigan na pumunta sa birthday celebration ng tatay niya. 60th na kasi. So nagpunta ako. Then may workshopย din akong pinuntahan.

Nararamdaman (Feeling)

I feel so gutom this moment. Kakagising ko lang kasi. Nagsasaing pa si mother dear. I’ll grab some cake after kong matapos ang article na ito.

Verse of the Week: Whoever heeds life-giving correction will be at home among the wise. Those who disregard discipline despise themselves, but the one who heeds correction gains understanding. (Proverbs 12:31-32)

PS: Hindi ko sure kung ano ba ang tagalog sa “Sunday Currently” kaya kung better yung naisip mo kaysa sa title ko ngayon, please let me know. Then kung may mas mainam na tagalog ba doon sa mga nakalagay parenthesis.ย Comment mo. Thanks!

Featured image source (link)

***

Advertisements

11 comments on “Linggo sa Kasalukuyan | 001

  1. rosemawrites
    April 11, 2017

    Okay naman sa title. Haha. Meron namang nagbabasa. Binasa ko naman. ๐Ÿ˜€

    Saya nito: Iโ€™m hoping na maging safe ang lahat sa nakaraang paglindol. Letโ€™s pray na hindi dumating ang The Big One. Pero letโ€™s pray na dumating na ang The One ng bawat isa. ๐Ÿ˜‰

    Liked by 1 person

  2. Clarence L
    April 10, 2017

    I like the “Linggo sa Kasalukuyan” Haha. Parang in relation sa Semana Santa. But kidding aside, I love the title.

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      April 10, 2017

      Thank you! Sige, I’ll retain it sa mga susunod na “Sunday Currently” ko ๐Ÿ™‚

      Like

  3. Jayson Santos
    April 10, 2017

    Ngayon ko lang nalaman na humuhuni pala ang electric fan. Akala ko mga ibon lang sa kaparangan ang humuhuni. May suggestion akong ilagay sa LISTENING, makinig ng Barangay Love Stories – 97.1 sa FM, Sun at noon at may replay ng previous episode ng Sun at 9pm.

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      April 10, 2017

      Haha! Oo Jays, may huni yung e-fan namin. Tumutunog eh. Nasipol pa nga. Haha! Wala akong radio sa bahay but I’ll take note of that FM station. hehe Mukhang avid listener ka roon ah. ๐Ÿ™‚

      Like

  4. ddleones
    April 9, 2017

    AMEN. Hahahaha :)) “Pero letโ€™s pray na dumating na ang The One ng bawat isa.”

    Liked by 1 person

  5. arlipagaduan
    April 9, 2017

    Hooray for your first post for Linggo sa Kasalukuyan! Thank you too for sharing that verse: it is a good reminder. ๐Ÿ™‚

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on April 9, 2017 by in Personal 101 and tagged , , , .
%d bloggers like this: