Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Gaano kahaba ang kaya mong hintayin pagdating sa pag-ibig?

paghihintay

Gaya ba ito ng paghihintay mong makausad ang trapiko sa EDSA? Kulang na lang ay patunayan mong may forever dahil sa sobrang tagal at sobrang haba. Pero abutin ka man ng ilang oras sa gitna ng kalsada ay magtitiis ka pa rin. Araw-araw, kahit alam mong magtatagal ka sa biyahe ay dadaan ka pa rin sa kahabaan nito. Pinili mong makipagsapalaran at maghintay hindi sa dahil kailangan o hiningi ng pagkakataon kundi (at some point) ginusto mo rin.

May kakilala akong edad kwarenta na pero hanggang ngayon ay wala pang asawa o anak. Kapag tinanong mo siya kung bakit hindi pa siya nag-aasawa ang tanging sagot niya ay hindi pa siya dumadating. Hindi ko alam kung sino yung hinihintay niya pero hindi na din ako nag-usisa pa. Choice naman niya kasi iyon. Malay ba natin kung dumating na pala si Mr. Right  noong 15 years ago kaya lang choosy si Ate kaya ayan single pa rin siya hanggang ngayon. Kung sa iba, life begins at 40, sa kanya naman ay lovelife begins at 40!

May iba naman na iniwan ng kasintahan nila. Sobrang iyak si girl at pinangako sa sariling hindi na muna magmamahal at hihintayin na lamang ang tamang panahon (#AlDub fan here). Pero pagkatapos ng isang linggo, may ka-HHWW na bagong guy. Ang bilis lang! Tapos magugulat kana lang kasi may humahagulhol na naman sa kapitbahay. Iniwan na naman. TSK!

Mayroon namang mga taong nakalatag ang plano para sa future.  May mga motto na tulad ng ‘study first before love life’. Dapat makatapos muna ng college bago pumasok sa isang relasyon. Buti na lang hindi siya pumasok sa med school or law kasi matagal-tagal na paghihintay iyon.

So ayun, nakatapos ng 4-year degree course si Ate at sinagot ang masugid niyang manliligaw for 3 years. After two years, pareho na silang successful sa kanilang field. Kaya napagdesisyunan ni Guy na magpropose. Inakala niyang sapat na ang ilang taong relasyon para mapasagot ng “oo” sa most famous question na ‘Will you marry me?’ Pero ayaw pa kasi ni Girl. Gusto pa niyang magkaroon ng sariling kotse, mapagtapos ng pag-aaral ang dalawang kapatid na pawang nasa high school at elementary pa lang, at maipagpatayo si Nanay at Tatay ng sariling bahay.

To cut the story short, hindi nagkatuluyan sina Girl at Guy. Napagod at nainip na kasi si Guy sa kakahintay kung kailan magiging handa si Girl. At kung kailan sumuko na si Guy ay doon na-realize ni Ate na handa na pala siya. Kaya ayun, nabaliktad na ang sitwasyon. Si Girl naman ang matiyagang naghihintay sa muling pagbabalik ni Guy.

Depende naman sa tao kung gaano niya kayang maghintay para sa taong mahal o mamahalin nila. Wala tayo sa posisyon para husgahan o pigilan sila dahil umaasa lang sila na sa kabila ng kung gaano man sila katagal naghintay, ang outcome ang magbibigay ng saya sa kanila.

Hindi nila iniisip yung negative side, na baka walang kakahinatnan ang ilang taong paghihintay at mauwi lang sa wala. They look into the brighter side. Para sa kanila, nasa dulo ang ligaya. Sa una lang mahirap ang paghihintay pero sulit naman. Naniniwala sila na sa hinaba-haba man ng trapiko sa EDSA, hindi maglalaon ay luluwag din ito… sa tamang panahon.

***

Isang nurse na nagtatrabaho sa Saudi ang aking guest blogger ngayon. Thanks Ailli! Check her blog at Idiosyncratic. Isa din siya sa mga officers ng Philippine Single Association (PSA).

Ingat sa pagbalik sa Pinas! God bless you!

***

Salamat sa pagsubaybay sa aking mga blogs! Abangan araw-araw ngayong Oktubre ang aking mga blogs bilang paggunita ko sa aking 1st year blogging anniversary.

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Lazada Philippines

Advertisements

4 comments on “Gaano kahaba ang kaya mong hintayin pagdating sa pag-ibig?

  1. Marielli
    October 26, 2015

    Reblogged this on Idiosyncratic.

    Like

  2. esorenneiluj25
    October 16, 2015

    Ang sakit naman nung una’t huling sitwasyon.
    Ang pag-ibig kasi ay parang pila sa cashier ng isang State University, mahaba at may cut-off. Pero pwede pa rin naman bukas, pero agahan mo lang, baka macut-offan ka uli. Hahaha… Humuhugot lang.

    Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on October 15, 2015 by in Love & Relationship and tagged , , , , , , .
%d bloggers like this: