Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Hinahanap mo din ba ang mga ito sa Google?

Google Search

Dahil sa feature ng WordPress na Search Engine Terms (SET), nakikita ko kung anong mga salita ang tinatype ng tao sa Google kung saan natagpuan nila ang blogsite ko.

Kung medyo hindi mo maintindihan ang SET, basahin mo ang nauna kong post na related dito, They searched these on Google. Seriously???!!! Naglagay ako doon ng Top 20 searches na nakakatawa at hindi mo akalaing may mga tao palang naghahanap ng ganoon sa Google.

Top 20 din ang ibabahagi ko ngayon. Madami pa iyan actually pero next blog post na lang siguro ang iba pa.

1. Payo para sa mga kabataan na papasok sa isang relasyon

Feeling ko isang nanay ang nag-search nito. Mukhang balak pumasok ng anak niyang teenager sa isang relasyon. Naku po! Para sa akin, study first po muna.

2. Payo para sa mga inlove

Hindi nila kailangan ng payo. Kailangan nila ng pera. Magastos kayang ma-inlove! #KunwaringHugot

3. Paano ba ang love at first sight

Huwag mong tanungin kung paano. Mahirap i-explain. Kusa lang iyan. Lilipas din iyan. Saka huwag kang maniwala diyan! Unang pagkikita, love agad? Diba pwedeng crush lang muna? 🙂

4. Maikling kwento archives

Sasali kaba sa contest ng Saranggola Blog Awards? Ito lang ang mga maikling kuwento sa blog ko: Ang Crush Kong Blogger, Facebook Post, at Sobre ng Pag-asa. May isang kuwento pa akong ginagawa ngayon. Kaso lovestory namin. Saka hindi iyon maikli. Mahaba iyon. Hanggang forever na. ❤

5. Ano meaning ng rainbow na picture

Mahabang istorya kasi. Basta ito ang kasagsagan ng issue about LGBT at same-sex-marriage. Pero basahin mo sa Bible kung ano ang ibig sabihin talaga ng rainbow. Read Genesis 9:12-15.

6. Ikakasal ka na

Hindi pa ako ikakasal. Single pa ako. Babalitaan na lang kita two years from now.

7. Bakit hinihingi ng lalaki ang number mo

Basta ang payo ko lang huwag kang mag-assume agad. Hindi porket kinuha ang number mo, may gusto na siya sa iyo. Malay mo next time hindi lang number ang kunin niya sa iyo. Pati na ang phone mo!haha Magnanakaw pala siya.LOL!

8. Mga kwentong nakaka inlove ng magkaklase

Mga kabataan nga naman ngayon! Hoy! Mag-aral ka mabuti ha! Itigil mo muna ang pagbabasa sa Wattpad. Focus sa study bro!

9. How do you say pwede pa kita ligawan in english

So simple! Just say, “Can I court you?” Pero hindi iyan magandang tanong. May mga nagsasabi naman na ang panliligaw hindi sinasabi kundi ginagawa. It’s your choice bro! Pero kung ako sa iyo, tagalugin mo na lang unless foreigner si girl.

10. Tagalog green jokes

May sample ako niyan! Check this post.

11. Kasalanan ba maging tomboy

Basahin mo na lang ang blog ako patungkol sa topic na ito. Click this link.

12. Paano mo malalaman na inlove siya sayo

Tanungin mo! Mararamdaman mo iyon. Unless manhid ka kagaya ni Ms. Pusong Bato.

14. Paano mo malalaman na nabigay mo na ang sarili mo sa lalaki

Kapag wala ka ng kamay, paa, apdo, etc. Just kidding. Huwag sarili (katawan) ang ibigay mo sa kanya. Pagmamahal lang. Itira mo iyon sa kasal ninyo. At least kung hindi man kayo ang magkatuluyan, wala kang naibigay na something na pagsisihan mo.

15. Anong gagawin mo kapag gusto mo ang isang lalaki

Magpray ka na sana mapansin ka niya. Ligawan ka. Pakasalan ka. And live happily ever after. Ano iyan, fairytale? Personal point of view, don’t make the first move. Pero okey lang sa akin na ikaw ang unang magtext, magchat, or start the conversation. But please, don’t say that you like me or you see a future with us. Just don’t. Huwag kang magpapadala sa akin ng love letter unless nauna akong magbigay sa iyo.

Kung matagal mo nang hinihintay si lalaki at wala pa siyang ginagawa, more or less, hindi pa iyan sigurado sa iyo or hindi pa siya handa para sa isang romantic relationship. Worst case, hindi ka niya gusto talaga. Huwag ka nang umasa.

16. May nag sex na ba na doktor at pasyente sa hospital

Really? Gusto mong malaman? For sure, walang aamin. Huwag mo silang tularan! Sex is sacred. Enjoy it in the context of marriage.

17. Akward moment with kaibigan quotes

Siguro nagkatitigan kayo ng kaibigan mo tapos… parehas pala kayong lalaki.LOL! Awkward nga iyan! Itigil niyo iyan!

18. Yung na misinterpret niya ang kindness mo quotes

Hahaha! Isang tawa pa. Hahaha! Been there. Hindi lang #pogiproblems minsan. May #kindnessproblems din pala! Ang dami kasing girl na assumera. Girls, go and react! Comment na!haha

19. Paano kung zero ka sa quiz?

Aba, mag-aral ka sa susunod! Bumawi! Zero ka na nga sa lovelife, zero ka pa sa quiz? Kawawa ka naman! Bro, ok lang iyan. Consult ka lang sa teacher mo para mas maitindinhan mo ang lessons. Focus sa study at huwag munang mag-girl friend. Nakakasira iyan ng pag-aaral. #hugot

20. Anong gagawin mo pag nahuli kang may ka sex

Tinatanong mo ba ito dahil nahuli ka? OMG! Or tinatanong mo just in case na mahuli ka? Seriously!!! Sabi ko naman sa iyo, sex is something designed for marriage. Kung mag-asawa kayo, at may makahuli man sa inyo, at least hindi iyon sobrang nakakahiya kasi nga privilege niyo iyon as husband and wife. Wait, did I say privilege?haha Mas okey pakinggan kaysa benefits diba? 😉

***

Salamat sa pagsubaybay sa aking mga blogs! Abangan araw-araw ngayong Oktubre ang aking mga blogs bilang paggunita ko sa aking 1st year blogging anniversary.

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Lazada Philippines

 

Advertisements

9 comments on “Hinahanap mo din ba ang mga ito sa Google?

  1. lanpot
    November 4, 2015

    nyahahahaha! singit-singit lang ng dalaw sa blog mo doc. bawal kasi dito sa opis eh. hahaha. bukas nlng ulit… ang husay nyo po 🙂 I’m loving the humor. Parang same level ng sa’kin haha!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 4, 2015

      Thanks for visiting my blogs 🙂 cheers to blogging! Cheers to humor! Not to rumor.hehe

      Like

  2. Polly
    October 30, 2015

    Seryoso? Ano tong pinag se-search ng mga tao??!?! HAHAHAAH!!!!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      October 30, 2015

      Hahaha! Di ko nga alam eh. Pero may mga ganyan talagang nagsesearch. haha Are you one of them?LOL!

      Like

      • Polly
        October 30, 2015

        Hindi nman, ngayon pa lang! HAHAAH!

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        October 30, 2015

        Search mo kung ano ang gravity sa Pinas.haha At kung nakakaapekto ba ang gravity sa lovelife ng tao.haha

        Like

  3. RheaAngeline
    October 18, 2015

    pambihira tawa ako ng tawa mag-isa dito. panalo ‘tong compilation na ‘to. naiimagine pati kita habang sinasabi mga responses mo. HAHAHAHA.

    Liked by 2 people

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: