Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Bukas na Liham Para sa Tamang Panahon

God's Time

Dear Tamang Panahon,

Sabi ng mga kaibigan ko, huwag daw kitang hanapin dahil kusa ka naman daw darating. Kusa? Pitong taon akong naghintay pero hindi ka dumating. Nasaan ang pagkukusa doon? Ayokong maghintay na lang at mamatay sa kakahintay. Kaya’t hahanapin kita.

Nagpunta ako sa Batanes subalit ako ay nabigo dahil hindi kita nakita. Nagpunta ako sa Jolo, nagbabakasakaling andoon ka, pero wala ka pa din. Sinuyod ko ang bawat sulok sa Pilipinas ngunit hindi kita natagpuan. Nasaan ka ba talaga? Saan ba kita maaaring matagpuan? Nanghihina na ako kakahanap sa iyo.

Buti na lang pinalakas ni Lola ang nanghihina kong puso. Bata pa lamang ako ay si Lola na ang parating andiyan para sa akin. Naghiwalay daw ang mga magulang ko noong isang taong gulang ako. May sariling pamilya na silang dalawa. Nasa Canada daw si Nanay. Samantalang si Tatay ay nasa Dubai. Iniwan nila ako kay Lola.

Hanggang ngayon, hindi ko lubos maintindihan kung bakit may mga mag-asawang naghihiwalay. Hindi ba nila isinasapuso ang kanilang sinumpaang kasunduan sa mata ng Diyos at ng mga tao? ‘Til death do us part dapat diba? Bakit ganoon? Kapag ayaw mo na at may nakita kang mas ‘okey’ sa asawa mo, iiwanan mo na lang siya? Ganoon lang iyon? Sana hindi na lang sila pumasok sa isang relasyon dahil hindi naman nila kayang paninidigan ang kanilang pagmamahal. Dapat mong bigyan ng effort at panahon na maayos ang relasyon ninyo, diba? Dapat tulungan kayo sa pagpapatibay ng samahan ninyo, diba? Nanay, Tatay… Paki-explain. Labyu!

Salamat talaga kay Lola dahil walang sawang sinasamahan niya ako sa saya at sa lungkot. Sa hirap at sa ginhawa. May boyfriend o wala. Pero isa lang naman ang naging boyfriend ko. Kaso bumigay siya. Hindi sa tukso. Kundi sa pagkalalaki niya. Tinanong niya ako, ‘Kasalanan bang maging bakla’? (Click the link para malaman mo kung ano ang sinagot ng mga kaibigan ko sa tanong na iyan).

Ang gulo talaga ng buhay ko. Kailan ka ba kasi darating?

Kumakanta habang naghihintay,
Dora Mifasola T. Do

***

The more you will look for me, the more you will not find me. – Mr. Right

The more you will look for ‘him’, the more you will find me. – Mr. Wrong

Maiintindihan mo din ang lahat sa aking pagdating. – Tamang Panahon

Darating din ang pagkakataong iibig ka sa tamang panahon at tamang person. Rhyme! – Doctor Eamer

Huwag mong iasa sa akin ang pagsasaayos ng magulo mong buhay. Hindi ako ang Diyos. – Inaasahan

“Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble in heart, and you will find rest for your souls. For my yoke is easy and my burden is light.” – Jesus

Sa totoo lang, kailan ba ang tamang panahon? Sino ba ang makakapagsabi kung tama na ito? I prefer God’s timing rather than right timing. Dahil kapag kasama mo si God, alam mong nasa tama ka palagi. 🙂

Para sa mga gustong malaman ang pana-panahon, this verses are for you!

A Time for Everything

There is a time for everything, and a season for every activity under the heavens:
a time to be born and a time to die,
a time to plant and a time to uproot,
a time to kill and a time to heal,
a time to tear down and a time to build,
a time to weep and a time to laugh,
a time to mourn and a time to dance,
a time to scatter stones and a time to gather them,
a time to embrace and a time to refrain from embracing,
a time to search and a time to give up,
a time to keep and a time to throw away,
a time to tear and a time to mend,
a time to be silent and a time to speak,
a time to love and a time to hate,
a time for war and a time for peace.

***

Dahil natuwa ako sa #AlDubMostAwaitedDate, panoorin ninyo at madami kayong mapupulot na aral sa “dating and relationships” na tradisyong Pilipino. Ganito ang gusto ko, sa tamang panahon 🙂

Part 2/3 and Part 3/3 (Click niyo na lang!)

Photo Credit (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

place your ad here

Advertisements

15 comments on “Bukas na Liham Para sa Tamang Panahon

  1. sapritil
    September 22, 2015

    Agree ako rito sir. Ito yata yung kaugnay noong nakaraang komento at sagutan sa Mr. Right topic. Hindi talaga inaantay ‘yan. God’s timing. Apir sir/doc!

    Liked by 1 person

  2. PrinceLove
    September 21, 2015

    Yung watch sa picture, nakaturo sa 11, make a wish! Haha!.. 😄 11:11 – san may tayo na.

    Liked by 1 person

  3. Book Of Brando
    September 20, 2015

    WAGAS. Slow clap with confetti for this 🙂
    Iyak-tawa talaga ako dito. HAHA.

    Liked by 1 person

  4. signorinamelrice
    September 20, 2015

    Gustong-gusto ko to: “Sa totoo lang, kailan ba ang tamang panahon? Sino ba ang makakapagsabi kung tama na ito? I prefer God’s timing rather than right timing. Dahil kapag kasama mo si God, alam mong nasa tama ka palagi.”

    Pero ayokong manood ng mga ganyan, doc. Para kasing nabubuhayan ako ng loob haha.

    Liked by 1 person

  5. atekaking
    September 20, 2015

    How will you even know if it’s the right time? if he’s Mr. Right or Mr. Wrong? what dumating na pala siya pero hindi lang natin napansin dahil iba yung iniisip or iba yung gusto natin.. hmmm. ang dami ko nang hugot. LOL!

    Liked by 1 person

  6. Cassiopeia
    September 20, 2015

    ‘A Time for Everything’ , one of my favorite poems. 🙂 It defines life, somehow.

    Liked by 2 people

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: