Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Ang problema sa’yo, maaga kang ipinanganak!

agematter

Iyan ang sinabi ni Sharon Cuneta kay FPJ sa kanilang movie na “Kahit Konting Pagtingin.

Sumagot naman si FPJ, “Ang problema naman sa’yo, huli kang ipinanganak!”

Kung matalino ka, dapat nahulaan mo na ang blog na ito ay patungkol sa relasyon ng edad sa pag-ibig. Pero sabi nga ng isa kong Tita, madalas ang matatalino ay medyo mahina naman sa pag-ibig. So okey lang na hindi mo maintindihan ang first two paragraphs. Uy naitindihan niya! Matalino! So, mahina ka sa lovelife?LOL! No comment na lang sa mga hindi nakaintindi. Ganyan talaga. Parang pag-ibig lang. Minsan kayhirap intindihin at ipaliwanag. Pero alam mo lang na pag-ibig iyon.

May nagtanong na actually sa aking ask.fm tungkol dito. Basahin mo na lang ang maikling sagot ko sa #12 (Itanong mo Kay Doctor Eamer – Part 2).

6_8_15(2)

Para mas madali kong maipaliwanag ang gusto kong sabihin, gumawa tayo ng scenario.

Author’s note: Ito ay pananaw lamang. Ito ay maaaring hindi applicable sa iba. Ito ay rated PG. Pawang Gabay lamang.

Kapag sa isang lalaki, may limang scenario (age bracket) ang pwede niyang pamilian pagdating sa pagkakaroon ng karelasyon.

A. Younger by 5 years or more

B. Younger by 1-5 years

C. Same age

D. Older by 1-5 years

E. Older by 5 years or more

May kanya-kanyang advantages at disadvantages ang bawat bracket. Hindi ko na lang sasabihin lahat since kahit ikaw ay kaya mong mgbigay ng punto sa bawat bracket. Pero ito naman ang akin:

Kapag Bracket A, sobrang bata iyan. Kung mid 20’s ang lalaki, ang babae ay parang katatapos lang ng kolehiyo o kakakuha lang ng trabaho. Madaming adjustments at conficts ang ganyan if ever. Same reason din sa Bracket E. Kasi posible naman na mas mature ang babae sa bracket na ito kaya mahirap din.

Ang Bracket B at Bracket C ang recommended ko. Bakit? Siguro based from observations ko sa mga kakilala ko na nasa relationship – growing and healthy relationship.

Kung hindi pantay, mas ahead ng unti ang lalaki in terms of maturity. Mas ok sa tingin ko kapag ganoon. Career wise, almost sabay lang din kayong nag-eenjoy at nag-gogrow.

Pagdating sa Bracket D, ilan lamang sa kalalakihan ang may preferred na ganito. Mga 18% of the male population lamang. Dapat 25% kaso nabawasan ang male population ng 7% kamakailan lang. 😉

Si Eva at si Adan kaya? Ilang taon ang pagitan nila? Araw lang ata. Pero sabi nga sa 2 Peter 3:8, “With the Lord a day is like a thousand years, and a thousand years are like a day.” Anong konek? Hindi ko din alam.LOL!

Binigyan tayo ng Diyos ng free will kaya nasa atin pa din ang desisyon. Maaari kang umibig sa mas bata, sa mas matanda o sa kasing edad mo. The success of the relationship is not determined by the age, but by the purpose. Purpose na galing kay God. Tingnan mo ang mga pamilyang walang kinikilalang Diyos, madami sa kanila ay watak-watak. Nagtatalo sa mga pamana ng magulang. Broken relationship. Tapos nauuwi ang iba sa addiction and rebellion. And the cycle continues. Parang generational curse ika nga ni Ate Tin.

Speaking of free will, pati nga ang pagsunod at pananampalataya sa Diyos ay nasa desisyon pa din ng tao. Hindi gusto ni God na maging robot tayo. Pero ang alam ko din, every decision has consequences. Our decisions today shape our future. So ingat tayo sa paggamit ng ating free will. Sabi nga ni Kuya Peter, “Don’t use your freedom as an excuse to do evil.”

“If quality education takes time, siguro pati pag-ibig ano?” – Doctor Eamer

Photo Credit (here)

Advertisements

17 comments on “Ang problema sa’yo, maaga kang ipinanganak!

  1. Smiley25
    September 17, 2015

    Nice blog Doc! More power! Na-gets ko yung una hahaa! 😀
    sabi nila (naririnig rinig ko lamang) 🙂 Mas okay daw na 7 years ang age gap mas matanda ng 7 years yung guy, kasi huli daw na nggng mature yung guy, kesa sa babae, so yun daw ung ideal mas maganda daw pag gnun kasi both mature na kayo. Yung mga iniisip niyo patungo na sa pag ssettle etc.

    whatcha say doc?

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      September 18, 2015

      Depende sa guy. May mga guy na at their young age, matured na talaga. Malaking factor din kasi ang family background at yung mga pinagdaanan sa buhay. 🙂

      Like

  2. RheaAngeline
    July 27, 2015

    naintindihan ko ang 1st two paragraphs. kaya pala… hmph. haha.

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      July 27, 2015

      Pero hindi pala paragraph iyon. Sentence lang daw.hahaha

      Like

      • RheaAngeline
        July 27, 2015

        haha. paragraph na din bilang nag-enter ka bago ang 2nd sentence. hehehe. anyway, nakakalungkot naman na nasa bracket B kami yet hindi pasok dun sa “growing and healthy relationship” na observations mo. hahaha.

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        July 27, 2015

        Sabagay. 🙂 Baka may kailangan lang kayong ayusin. Baka dapat ay magkaroon ng SORA. State of the Relationship Address. 😉

        Liked by 1 person

  3. signorinamelrice
    July 25, 2015

    “The success of the relationship is not determined by the age, but by the purpose. Purpose na galing kay God.” –> so true. 🙂

    Liked by 1 person

  4. mulasawala
    July 22, 2015

    Di naman siguro lahat ng pamilyang walang kinikilalang diyos ay watak-watak. Kagaya na lang ng mga Buddhist, wala silang kinikilalang diyos pero they can live a happy and peaceful life. 🙌

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      July 22, 2015

      May kinikilala silang Diyos. Si Buddha. 😉 Wala din naman akong sinabing “lahat”. Ang sabi ko sa blog ay “madami” 🙂 But thanks to your observation. 🙂 I do hope na ang bawat family sa mundo ay ma-strenghten at maging bonded pa! Cheers! 🙂

      Like

      • mulasawala
        July 22, 2015

        Non-theistic ang Buddhism at human-centered.

        Buddha is a human being and a teacher. He did not claim to be a god. 🙂

        Liked by 1 person

  5. Christine Lailani Ginete
    July 21, 2015

    Bro, hinananap ko ang first two paragraphs na sinasabi mo, sentences lang nakita ko. 😉 ehehe

    Welcome back! And yup, age doesn’t matter when it comes to love. Maturity is in the readiness of the heart, the mind and the spirit to take on bigger roles and responsibilities in fulfilling your God-given purpose. Gaya ikaw, ang mature mo na for your age kaya nagagawa mong mag-advice to young and old alike. Kasi ‘yun daw role mo sabi ni God. #IkawNa 😀

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      July 22, 2015

      Ate!!!! Matalino ka! Napansin mo iyon. #AlamNa LOL! Thanks for the compliment ate. Madami akong kuwento at kailangan ko nang gawan ng article yung Vietnam trip ko. Hopefully today.haha Have a great day po!

      Liked by 1 person

      • Christine Lailani Ginete
        July 22, 2015

        Ahaha Sige will wait for your article and will pray God will give you the wisdom sa ikukuwento mo. A blessed day to you bro! Salamat din sa mention. 🙂

        Like

  6. simplyvindicata
    July 21, 2015

    There are pros and cons on having an age gap with your partner. There are a lot of conflicts regarding the way each other thinks but I think the only matter in the relationship is how the two parties meet halfway to pacify both needs and happiness.

    Liked by 2 people

  7. simplyvindicata
    July 21, 2015

    Nabasa ko lang sa isang manga, “when you already lose your ability to reason for only one person, that’s the time you know you’re in love”. There are pros and cons on having an age gap with your partner, the only matter in your relationship is how the two of you meet halfway. 🙂 anyway! Good advice on relationship ^_^

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: