Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

That Thing Called “Destiny”

destiny

Sabi nga nila, bawat simula ay may pagtatapos din. So walang forever? LOL! Ngayong buwan ng Hulyo, sinimulan ko ang #SundaySeries ko sa aking blog. Ang naging pamagat ng series na ito ay That Thing Called. Naisip ko ang pamagat na ito dahil napanood ko ang movie na “That Thing Called Tadhana”. Para mas sentimental ang pagbabasa mo ng article ko ngayon, pwede mong patugtugin ang kanta ng Up Dharma Down na ‘Tadhana’.

Sinimulan ko ang series na ito sa “MU (Mutual Understanding o Maling Ugnayan)” tapos ay ang “Break”. Pangatlo ang “Commitment”. At bilang pagtatapos, ito ang napili ko, “Destiny”.

Naniniwala ka ba sa destiny o tadhana? Subukan mong panoodin ang movie na “Serendipity”. Malay mo biglang makarating sa iyo ang pera na may nakalagay na name at number ng isang tao. Sa mga nakapanood na ng movie, alam nila ang ibig kong sabihin. 🙂

Mas okey na panoodin mo ang mga ganoong chick-flicks movie kaysa sa mga gaya ng “50 Shades of Grey.No offense sa mga fan noon ha.

Ito ang link:

Ano ang masasabi mo dito:

1. Destiny bang matatawag kung ang kaklase mo noong elementary ay single pa din hanggang ngayon at ikaw din ay single pa? Magkaparehas kayo ng birthdate – August 1, 1975. Nagkaroon kayo ng batch reunion last year. Nagkakuwentuhan at may “spark” na nabuo. Cut the long story short, naging kayo. At balita ko ikakasal na daw kayo next month sa mismong 40th birthday niyo. Congrats! (Love)Life indeed begins at 40. 🙂

2. Destiny bang matatawag na sinubukan kong magsabi sa iyo kung pwede na kitang ligawan, pero sabi mo “Hindi pa NGAYON ang tamang panahon”? Kaya binalikan kita kinabukasan. Tinanong kita ulit. Natawa ka sa akin at nakita mo ang sinseridad ko. Pinayagan mo ako. After 6 months, sinagot mo ako. After a year, nagpakasal tayo. After another year, ipinanganak si Junior. Tinanong mo ako kanina kung kailan natin susundan si Junior. Sabi ko na lang, “Hindi pa NGAYON ang tamang panahon.”

3. Destiny bang matatawag kung ang pinsan ng pinsan mo ay may crush sa pinsan ng pinsan ko? Tapos dalawa sa mga pinsan mo ay may crush sa dalawang pinsan ko. Balita ko ikaw nga din, may crush sa akin. So, ito ba ang tinatawag na COC? Crush of Clans.LOL!

4. Destiny bang matatawag kung nagkita tayo kaninang umaga? Noong tanghali nagkita pa din tayo. Mamayang hapon magkikita ulit tayo. Ay… Officemate nga pala tayo. 🙂

5. Destiny bang matatawag kung ang dream boy mong artista ay nakita mo ng personal at nginitian ka niya. Mahal ata ng bayad mo sa ticket sa concert niya since nasa front row ka. 😉

6. Destiny bang matatawag kung nag-search ka sa Google patungkol sa problema mo sa pag-ibig? Nakita mo ang blog ko at ngayon ay binabasa mo ang mga old blogs ko kasi nakaka-relate ka. 🙂

7. Destiny bang matatawag kung nagkapalit tayo ng check-in luggage sa airport dahil magkamukha ang ating mga bagahe. Tapos napagtanto natin na iba ang laman ng bag natin noong nakauwi kana sa Laguna at ako ay nakauwi na din sa Batangas. Buti na lang may calling card ka na nakalagay sa isang pouch mo. Sorry, binuksan ko. Don’t worry hindi ko naman hinalungkat ang mga damit mo. Nagkita tayo sa SM Calamba para mag-exhange ng luggage. Sinong mag-aakala na iyon pala ang magiging simula ng ating love story? After two years, we exchange vows. Now, we exchange hugs and kisses with our kids.

Hindi ko alam kung tadhana o destiny ang tawag mo diyan. Pero ako, alam ko na I have a great destiny ahead. Naniniwala ako sa sinabi ni God sa Bible, “For I know the plans I have for you. Plans to prosper you and not to harm you. Plans to give you hope and a future” (Jeremiah 29:11). Ito din: “The enemy comes to steal and kill and destroy. But Jesus comes that we might have an abundant life” (John 10:10). Iyan ng destiny ko! Hindi lang iyan para sa akin. Para sa iyo din yan. Just claim it.

Natuwa ako sa short story na nabanggit sa movie na “That Thing Called Tadhana,” kaya ilalagay ko din iyon dito sa blog ko.

The Arrow with the Heart Pierced Through It

There was once an Arrow who woke up one day, with a Heart pierced through him.

It searched for the owner of the Heart, because it was weighing on him.

The Arrow asked everyone he met, if they owned the Heart.

Everyone denied the Heart was theirs.

Each would say, “My Heart hasn’t gone missing, although it almost is.”

As the Arrow continued the search, he noticed the Heart was getting lighter.

He didn’t know why, probably losing weight. Or he is gaining strength.

The Heart may have been able to carry itself.

They pass another, who asked the Arrow:

“How long have you been looking for the owner of that Heart?”

But the Heart did not reply.

The heart didn’t need to.

The Heart just slowly moved back from the arrow.

Slowly. Very slowly.

Until the Heart is no longer pierced through the Arrow.

***

The Heart just slowly moved back from the Arrow.

Slowly. Very slowly.

Until the Heart is longer pierced through the Arrow.

And so the Heart moved on.

The Arrow who used to have a Heart pierced through him tried to move on.

But he was too heavy, and he was dragging himself down.

The Arrow could not understand why he felt heavier

when he actually no longer had the load of carrying somebody’s Heart.

So the Arrow tried to go back to his old, pointy life.

And every day, he would wake up feeling heavier than usual.

But there was no Heart pierced through him each time.

So the Arrow decided to be patient and just try to be the old Arrow

that he was before he became the Arrow with a Heart pierced through him

so he can live normally again.

And he did.

One day, he just woke up feeling a little stranger than usual.

The Arrow woke up being tired of his pointy life again.

Until he heard a question too familiar that it was not strange at all.

“Excuse me, but have you lost your heart?”

The Arrow was surprised.

It was the Heart who used to be pierced through him.

And there was no reply.

The Arrow and the Heart didn’t need any.

Speaking of there was no reply, kamakailan lang may isang babaeng friend ko sa Facebook ang humingi ng number ko. Binigay ko naman kasi akala ko para sa isang activity lang. Saka naging casual na kakilala ko naman siya personally but hindi kami close. Anyway, to cut it short, madalas siyang nangangamusta at nagtatanong about sa akin. I tried to reply sa mga nauna niyang texts. Pero the more ako nagrereply, the more siya nagtetext pa din. And so I decided not to reply her anymore. ‘Coz I know I didn’t need to. 🙂

I still believe that it is the guy that must pursue the girl, not vice versa. By the way, try to watch, “The Hands with the Nails Pierced Through It.” Click this link. 🙂

book_tadhana

Kaya ko naman inilagay ang short story na ito kasi nagustuhan ko ang ideya na ang book na iyon ay isinulat ni Mace Castillo at inilarawan ni Anthony Lagdameo. Ang cool diba? 🙂 Parang katulad lang ng librong isinulat ko. Written by Doctor Eamer and Foreword by ‘The Future Wife’. Cool talaga! Kung gusto mo ng copy, order ka. Nag-iipon pa ako ng orders para sa 2nd batch of printing this August. Contact me at iamdoctoreamer@gmail.com.

IMG_0008

F. Scott Fitzgerald: There are all kinds of love in this world. But never the same love twice.

Doctor Eamer: There are all kinds of love in this world. Pero nag-iisa ka lang. Ano daw?! 🙂

This post is brought to you by Destiny Ministries International (www.destiny.org.ph)

dmi

Abangan sa susunod na Linggo ang panibagong series! Siguradong patok iyon sa 7 out of 10 Filipinos including you. #SingleEmpowerment

Thanks for reading! Have a great week ahead.

Advertisements

29 comments on “That Thing Called “Destiny”

  1. kristina
    November 1, 2015

    I always believe in Destiny. I first met my husband sa Manila Trial Court. Biruin mo? Wala lang dedma lang. Iisa lang yung idinemanda namin ng Estafa. Na illegal recruiter kasi kami dati. Pero committed na ako sa bf ko that time, kita nya na me naka akbay sa akin. Akalain mo, after 4 years, nagkita kami ulit dito sa Milan. Parehong single..eh di wow! =)

    Liked by 1 person

  2. hoshi
    October 12, 2015

    nakakatuwa naman itomg destiny post mo. pero personally di ko na alam kung mabenta pa sa akin ang destiny. siguro personality na rin hindi ako masyado fan ng fairytales mas iki-claim ko na lang siguro na blessing yung darating at may “purpose” bat may mga pagkakataon. siguro magpipinsan din yan… mas nakakahalobilo ko lang yung mga practical kung magtermino hehehe

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      October 12, 2015

      Walang himala. Ang himala ay nasa puso ng tao.LOL! Balitaan mo ako sa kuwentong destiny mo kapag meron na! 🙂

      Like

  3. Nakaka-hopia madalas ang Destiny-destiny na yan. Minsan napapaasa tayo at nagiging deboto sa Lady of Assumption. LOL.

    Liked by 1 person

  4. Mang JUAN
    August 12, 2015

    IDOL!!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      August 12, 2015

      Hehehe. 🙂 Para sa bayan! Para sa mga single ng bayan.LOL!

      Like

  5. ellavillacora
    August 6, 2015

    Aw. Ang galing mo magsulat! You da real mvp. Haha

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      August 7, 2015

      Hi Ella! This comment is awesome!!!! Thank you!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! 🙂 Keep reading and stay tune every Sunday and Tuesday! Every comment is appreciated. Thanks much! Cheers! God bless! 🙂

      Like

  6. Clauie Belle
    July 27, 2015

    Destiny bang matatawag na niligawan mo sya noon ngunit di ka sinagot, nagkagirlfriend ka ngayon, tapos yung niligawan mo noon e may gusto pala sayo hanggang ngayon? Hahahaha

    Liked by 1 person

  7. DJ Marasigan
    July 27, 2015

    Sana yung no. 5, favourite band member na. Ang mahal talaga ng concert tickets eeh. Haha

    Liked by 1 person

  8. mellowyellow
    July 26, 2015

    *clapclap with bow* ang galing galing po, doc idol. 🙂

    Liked by 1 person

  9. sparkfromafar
    July 26, 2015

    Galing ng pagpasok ng word 🙂 well done pastor… ay doc! ay pastor and doc? haha.

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      July 26, 2015

      Bakit kaya PASTor? Do they dwell on the past?haha I rather be a PRESENTor.haha present doctor.haha

      Liked by 2 people

  10. Cassiopeia
    July 26, 2015

    Serendipity, I agree! :)) Old but gold. 😀

    Nakaka-miss magbasa ng blogpost, lalo na kung ganito kaganda. :))

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      July 26, 2015

      Flattered naman ako. 🙂 Thanks! 🙂 Finale na kasi ‘yan ng #SundaySeries kaya mahaba at medyo binigyan ko ng time kagabi.hehe

      Liked by 1 person

      • Cassiopeia
        July 27, 2015

        You’re welcome! 🙂

        Buti pa ang post nabibigyan ng time ….. 😀 #Hugot

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        July 27, 2015

        Kung gusto maraming paraan.haha

        Like

  11. sewmybrokenheart
    July 26, 2015

    Galing doc. Ayos ang promotion ng book sa ending… Lol 👍👍👍

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: