Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

The Science of Letting Go and Holding On

letting go

Maiba lang. Kasi narinig ko dati ang phrase na “art of letting go” kaya I googled it. Kanta pala iyon. Dahil into science ang profession ko, tingnan natin kung paano nagkaroon ng science ang “letting go and holding on”. 🙂

Dahil alam kong familiar kayo kay Sir Isaac Newton at sa kanyang Laws of Motion, iyon ang gagawin kong example para sa blog na ito.

Newton’s First Law of Motion – A body at rest will remain at rest, and a body in motion will remain in motion unless it is acted upon by an external force.

Doctor Eamer’s First Law of Emotion – Okey na sana ang relationship ninyo kaso biglang nagkaroon ng external force.

Isa sa mga dahilan kung bakit nauudlot ang forever ay dahil sa mga external forces. Maaaring hindi sang-ayon ang parents mo sa kasintahan mo. Pinagsabihan ka nila na itigil na ang relationship dahil walang trabaho at madaming bisyo ang boyfriend mo. Dalawang taon na siyang tambay sa bahay. Wala siyang balak maghanap ng trabaho. May pension naman daw ang nanay niya kaya makakaraos din daw siya sa pamamagitan noon.

Gwapo nga, tambay naman! Doon na ako sa less gwapo pero may trabaho (willing maghanap ng trabaho). Imagine a life with that man. Baka sa iyo pa siya hihingi ng pambili niya ng deodorant. Think twice! Kahit once na lang! Basta mag-isip ka lang at huwag lagi puso ang pinaiiral.

Baka naman ang external force na ito ay isang tao. Isang taong may gusto sa boyfriend mo. At ang boyfriend mo naman, mahina! Nagpadala. Ayan tuloy, may nangyari sa kanila. So ikaw naman, sabi mo na hindi naman ginusto ng boyfriend mo na mangyari iyon.

Really???!!! Hindi niya ginusto? Nakapag-date sila sa isang park. Kumain sa isang restaurant. Nagpunta sa isang motel. Tapos hindi ginusto? Tapos nasundan pa iyon after a week. Hindi pa din ginusto? Ano iyon, lokohan? Aksidente lang daw iyon. Come on!

Malinaw ang sinasabi sa 1st Law of Motion, ang “letting go and holding on” ay maaaring nakadepende sa mga magiging external forces. Ikaw na lang ang humusga!

Newton’s Second Law of Motion – Acceleration is produced when a force acts on a mass. The greater the mass (of the object being accelerated) the greater the amount of force needed (to accelerate the object).

Doctor Eamer’s Second Law of Emotion – Kung gusto ninyo ng acceleration sa buhay pag-ibig, mag-effort kayo!

Kapag mas mabigat na problema ang dumating, mas kailangan niyong maging matatag. Ito lang ang gusto kong sabihin dito sa bahaging ito. Let’s accelerate and proceed to the next law. 😉

Newton’s Third Law of Motion – For every action, there is an equal and opposite reaction.

Doctor Eamer’s Third Law of Emotion – Kapag may ginawa kang mali, tanggapin mo ang kahihinatnan nito.

May free will ang tao. Kaya naman kung anu-ano minsan ang ginagawa nila dahil sa freedom na iyon. Pero mabait pa din si God kasi hindi niya ginawang automatic ang mga consequences. Halimbawa, nagsinungaling ang boyfriend mo. Dapat automatic magiging pipi na siya as consequence. O di kaya’y nagkaroon ng kabit ang asawa mo. Dapat automatic, magiging castrated na siya… (Something like those scenarios.) Anyway, sabi nga ni Tito Paul, “Everything is permissible but not everything is beneficial.”

Ayon sa 3rd Law of Motion, may reaction ang bawat action natin. If you cheated with your girlfriend, what reactions do you expect from her? Matutuwa ba siya? Of course not! Papatawarin kaba niya? I don’t know. Depende sa sincerity mo siguro. But for sure mahihirapan na siyang magtiwala ulit sa iyo. Trust is earned, you know. Pwede naman na patawarin ka niya then sasabihin niyang mas mabuti na maghiwalay kayo. Respect her decision. In the first place, sana naisip mo ang ganoong consequences before you cheated with her.

Pero dahil karamihan sa mga babae ay emotionally weak (Tamaan na ang tamaan. But take note, I said ‘karamihan’ not ‘all’.) Siguro kaunting suyo at lambing lang ni guy ay sila na ulit. Naniniwala naman ako sa second chances pero hindi sa third chance. Kung uulitin pa iyon ng boyfriend mo, aba’y mag-isip ka mabuti. You deserve someone better. You deserve God’s best.

Kakatapos lang ng State of the Nation Address (SONA) ni His Excellency Benigno S. Aquino III kahapon. Nanood ka ba? Wapakels ka lang ba? Huwag ganon! Try mo ding alamin kung ano na ba ng progreso at mga kinakaharap ng ating bansa. Check this SONA replay. Bilang doctor (big smile) sa aking mga pasyente, may pakialam ako. Kaya nga kapag nagtatanong sila sa aking ask.fm at sa Facebook Page, ginagawan ko naman ng paraan para masagot sila. Minsan matagal akong magreply kasi nga ayokong basta basta na lang sumagot. Kailangan pag-isipan ang mga ireresetang ‘gamot’. Mahirap na baka matanggal ang lisensiya ko.LOL!

“Sabi nila kapag sila ang naging Pangulo, gaganda raw ang buhay. Ah ganon? Eh di Wow!” – PNoy

“Sabi niya kapag naging sila, gaganda raw ang buhay. Naging sila nga. Lagi namang nag-aaway. Eh di War!” – Doctor Eamer

Para sa pasyente ko kagabi na nagkonsulta sa kanyang loveaches (if there is such a thing). Baka makatulong ang artikulong nabasa ko kanina. Basahin mo and pray for wisdom and clarity after reading that. Read the article here. May mga key points ang author pero it’s for you to find it out. Cheers to your heart that is pierced with the arrow. But let the Sword of the Spirit, alone, pierce your heart.

Salamat sa masugid kong mga mambabasa tuwing Martes! Sabihin na lang natin na it’s Tuesday with Doctor Eamer.

Photo Credit (here)

Advertisements

15 comments on “The Science of Letting Go and Holding On

  1. Cassiopeia
    August 1, 2015

    *clap clap clap* 😀 Walang kupas, Doc!

    Liked by 1 person

  2. mellowyellow
    July 30, 2015

    Iba ka talaga doc Idol 🙂 ang galinggalinggaling mo…

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      July 31, 2015

      salamatsalamatsalamat 🙂 Stay tune every Tuesday and Sunday 🙂 Thanks for reading! Keep being awesome too! God bless 🙂

      Liked by 1 person

  3. RheaAngeline
    July 30, 2015

    gumaganyan ka nanaman, doc. so since nasa finance ako, meron kayang “the accounting of letting go and holding on”? hahaha. i will ask something sa ask.fm mo. 🙂

    Liked by 1 person

  4. Christine Lailani Ginete
    July 29, 2015

    Great post bro! 😀 The recommended article answers clearly everything about being unequally yoked. It answered all queries pagdating sa pagiging unequally yoked. 🙂 #metamorphosis

    Liked by 1 person

  5. mmvillancio
    July 28, 2015

    asteeeg 😀

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: