Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

That Thing Called “Commitment”

brand-promise

1. Ito ang dahilan kung bakit inirekomenda ka ng iyong supervisor para sa iyong promotion. Commitment.

2. Maaaring isa ito sa inyong sikreto kung bakit tumagal kayo ng apat na taon bilang magkasintahan at sa susunod na buwan ay ikakasal na din kayo. Commitment.

3. Ito ang iyong naging puhunan para maging matagumpay ka sa iyong negosyo. Commitment.

4. Wala ka nito kaya naman hindi din nagtagal ang pakikisama sa iyo ng boyfriend mo kaya kahit masakit pinili niyang makipaghiwalay. Commitment.

5. Kung meron ka nito, sana natapos mo sa takdang oras ang proyektong pinagkatiwala sa iyo ng kumpanya. Commitment.

6. Sasagutin kana sana niya pero nakukulangan siya sa iyo pagdating sa aspetong ito. Commitment.

7. Kung mahal mo talaga siya, hindi mo lang dapat sinasabi na mayroon ka nito kundi nakikita dapat iyan sa iyong mga kilos at gawa. Commitment.

Ano ba ang sinasabi ni Mr. Webster patungkol sa ‘commitment’?

– The act or an instance of committing, putting in charge, keeping, or trusting.
– Promise or agreement to do something in the future.
– The trait of sincerity and focused purpose.

Ikaw, ano ba ang pakahulugan mo sa salitang ito?

Wala naman akong masasabi sa salitang ito. Dahil ang salitang ito ay hindi naman kailangang sabihin. Dapat gawin! Huwag mong sabihin na committed ka sa isang bagay (tao). Gawin mo!

Ito na lang siguro ang gusto kong ibahagi ngayong #SundaySeries:

Ano ang pinagkaiba ng isang Quality Relationship (QLR) sa Quantity Relationship (QNR)?

Ang QLR may commitment. Kaya nga may quality. Kung sa produkto, dekalidad ito. Quality love with quality time tapos may sangkap pa ng commitment. Anong produkto? Forever. 🙂

Ang QNR walang commitment. Kaya nga quantity kasi madami. Madaming nakarelasyon kasi nga hindi committed sa isa. Ingat ka sa mga taong mahilig sa QNR! Ang produkto nila ay ForNever. 🙂

Sabi nga ni Tito Mon, “Commit to the Lord whatever you do, and he will establish your plans.” Iyan ang totoong commitment!

Commitment. Madaling sabihin pero mahirap gawin. Kaya paalam muna! I have some commitments to do.

Related Series:

That Thing Called “MU (Mutual Understanding o Maling Ugnayan)”

That Thing Called “Break”

Photo Credit (here)

Advertisements

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: