Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

That Thing Called “3-Month Rule”

3 month rule

Marami sa atin ang pamilyar na sa katagang iyan. Maraming naniniwala sa rule na ito subalit may mga hindi din. Pero ano nga ba talaga ang rule na ito?

 “Alam mo ba ‘yong three month rule, ha??! Lahat ng nagmahal at nasaktan alam ‘yon!  Kailangan mo munang maghintay ng three months bago ka mag-boyfriend ulit! Ba’t ba kating-kati kang palitan ako?! May dalawang linggo pa’ko Bash!” – Popoy (One More Chance)

Noong naranasan ko na ang magmahal at masaktan, hindi pa rin naman ako naniniwala sa ‘rule’ na ito. Wala lang ito sa akin noon hanggang sa may isang tao na nagpadama sa akin na kailangan kong isampal sakanya ang 3-month rule. Bigla nalang naging big deal sa akin ang 3-month rule na ito. Pero hindi sa kanya. 24-hour rule lang ata ang alam niya. 😦

May mga nagsasabi naman na kung handa ka nang magmahal at masaktan ulit, bakit mo pa hihintayin matapos ang three months, diba?

Ang paniniwala naman ng iba ay kailangan ito para malaman kung wala na ba talagang pag-asang maayos muli, maging buo muli, at maging kayo ulit kahit na mabigat ang pinagdaanan ninyo.

Para sa akin, gamitin ninyo ang 3-month rule kung may mutual understanding kayo. Ibig sabihin, napag-usapan ninyo ito. Malinaw sa inyo dalawa na magkakaroon kayo ng 3-month rule. Kasi kung isa lang sainyo ang gagamit nito at ang isa ay gusto na agad pumasok sa ibang relasyon, mahirap.

Para sa akin kasi ang 3-month rule ay para sa isang relasyon, hindi para sa indibidwal na tao. Ito ang rule of chance ng relasyon. Kung sa sinabing time frame ba ay may pag-asang maayos ang relasyon o baka sakaling maipagpatuloy pa.

Malay mo, siya pa rin pala, pero nagmadali ka kasi masyado. Malay mo, ikaw pa rin pala pero pinili mong umalis agad sa relasyon. Malay mo siya na pala talaga ang  o Ms. Right, kaso hindi ka naghintay.

In our life, there are many choices and chances. Take it. Make use of it.  You’d never know how much a little chance could change things if you would not take. Or at least, a peek on it.

Parang sa shopping lang ‘yan, hindi mo malalaman ang presyo, kung hindi mo titignan ang price tag. Ano daw?!

Ang masasabi ko lang, nasa iyo pa din ang huling desisyon. Tapos alalahanin mo na nasa huli daw ang pagsisisi.

***

Ito ay isinulat ni Ladymel (Cassiopeia), ang Special Project Relation Officer ng Philippine Single Association (PSA). 🙂

Doctor Eamer’s Note: Madami akong comment dito pero isang blog kasi iyon kapag nagkataon. Next time na lang. Hindi pa ito ang tamang panahon. Happy weekend to everyone!

***

Salamat sa pagsubaybay sa aking mga blogs! Abangan araw-araw ngayong Oktubre ang aking mga blogs bilang paggunita ko sa aking 1st year blogging anniversary.

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Lazada Philippines

Advertisements

8 comments on “That Thing Called “3-Month Rule”

  1. RheaAngeline
    October 24, 2015

    Alam mo ba ang 9-month rule? 🙂

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      October 24, 2015

      Ang matitira sa isang taon kapag binawasan ng 3 month rule.LOL!

      Like

      • RheaAngeline
        October 24, 2015

        Hindi. Seryoso. Legal matters and tax related. Haha.

        Liked by 2 people

      • Doctor Eamer
        October 24, 2015

        Nope, di ko alam 🙂

        Like

      • RheaAngeline
        October 24, 2015

        If my memory serves me right, sa separation ng husband and wife, hindi pwedeng mag-asawa agad in the next 9-months. Just to avoid confusion if mabuntis si babae, kung kay former or current husband ang bata. Factor kasi ang anak sa taxes. 🙂

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        October 24, 2015

        Ahhhhhh. Naapply mo ba iyon? 😉

        Liked by 1 person

      • RheaAngeline
        October 24, 2015

        TSE!!!

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        October 24, 2015

        I therefore conclude, TSEk. 🙂

        Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: