Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

The Theory of Love Budgeting

pul2_ok

Nabasa ko sa isang teen magazine na maiinlove ka muna ng dalawa o tatlong beses bago mo makilala ang iyong “The One”.  Hindi ako fan ng statistics at numbers in general, pero pagdating sa pag-ibig, malaking bahagi ang numbers para sa’kin — percentages to be exact.

Napag-aralan natin sa klase ang importansya ng pie charts para maipakita kung gaano kalaki o kaliit ang iba’t ibang bahagi ng isang buo. Katulad ng pagba-budget. Sa P1,500 na weekly allowance ko noong college, 10% ang napupunta sa pamasahe, 50% sa pagkain, 10% sa ipon, 20% sa projects and photocopies, at 10% sa load. At kagaya ng allowance, ang pag-ibig, nauubos din. Meron lang naman tayong isang lifetime at maari nating sabihing ang 100% capacity ng puso nating mag mahal ay matatapos sa sandaling nailabas na natin an gating huling hininga, at ang bawat taong minahal mo, parte sila ng 100% mo.

Para maliwanag, ang teoryang ito ng pagba-budget ng pag ibig ay para lamang sa “romantic love”, hindi kabilang ang pagmamahal sa sarili, sa Diyos, sa kaibigan o sa pamilya. Ngayon, magtatanong ako, ilang beses ka na nagmahal? Gaano mo minahal ang bawat isa? May naititira pa ba para sa iyong “The One”? Subukan nating sagutan ang bawat tanong habang isinasalaysay ko ang lovelife mo.

Nainlove ka noong grade six. Ang first love mo ay ang joker mong kaklase na nung una kinaiinisan mo kasi pinapaiyak ka. Pero nalaman mong crush ka pala niya kaya ganun, at gaya ng inaasahan lumakas ang hatak ng law of attraction at nagustuhan mo din siya. Nagkadevelopan kayo habang papalapit na ang graduation, nagsumpaan na walang magbabago pagdating ng high school kahit sa seminary siya mag-aaral at ikaw naman ay sa isang science high school.  Nagkalabuan na din pagdating ng high school at di naglaon ay nagkalimutan. Sabihin nating naibigay mo ang 20% mong pagmamahal sa puppy love mong akala mo’y first love mo na.

Second year highschool, ang totoong first love mo, nagtagal hanggang first year college, tatlong taon din yun. Nainlove ka sa kanya kasi naging seatmate mo siya, nadiskubre ninyong marami pala kayong pagkakapareho. Mahilig maguslat, mahilig sa anime, makata, nag gigitara at ikaw naman ay kumakanta. Napag-usapan nyo na ang future. Ilang anak ang gusto nyo. Anong klaseng bahay. Naipakilala na sa pamilya. Ang problema, masyado kayong naging kampante, lumuwag ang hawak sa isa’t isa kaya nang minsang nabitawan, sinalo ng iba. 50%.

Hindi ka na magmamahal, sabi mo. Ubos na ubos ka na. Tama, kasi 30% nalang ang natitira. Sa mga panahong iyon, ‘di mo pa alam ang existence ng teoryang ito, baka ngayon mo lang nabasa at napag wari na may sense din pala tong pinagsasabi ko. Malaki man o maliit ang 30%, ang importante ay alam mong kailangan mong protektahan ang natitirang porsyento na nakalaan para sa “The One” mo.

Ito ang dahilan kung bakit kasali ako sa PSA, kasi inaalagan ko ang 80% ko. Ikaw, ilan nalang ang natitira sayo?

***

Ito ay sa panulat ni Kayla (That Fat Lady). Siya din ang kasalukuyang treasurer ng Philippine Single Association (PSA) 🙂

Doctor Eamer’s Note: Sa totoo lang, ngayon ko lang nalaman ang theory na ito! Mayroon pa lang ganito! May point naman ang theory na ito. But still it is a theory. 🙂 Pero alam kong may pag-ibig na hindi nauubos. Ito ay ang pag-ibig ng Diyos sa atin. And I can guarantee that. Naalala ko din bigla ang story ni Elijah and the Widow. Dito naman, ang oil ang hindi nauubos. Wala lang. Just sharing. Check the story here.

***

Salamat sa pagsubaybay sa aking mga blogs! Abangan araw-araw ngayong Oktubre ang aking mga blogs bilang paggunita ko sa aking 1st year blogging anniversary.

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Lazada Philippines

Advertisements

18 comments on “The Theory of Love Budgeting

  1. Cassiopeia
    October 23, 2015

    Jusko! 2 beses lang naman akong nagseryoso pero feeling ko 5% na lang ang natitira. Paano?? 😀

    Liked by 1 person

  2. maiaako
    October 23, 2015

    i’ve never had a boyfriend, pero di ko rin masabing di pa ako naiinlove at di ko rin alam kung ilang percent pa meron ako.. kagulo 🙂

    Liked by 1 person

  3. RheaAngeline
    October 23, 2015

    Isang beses pa lang akong nagmahal. Bakit parang ubos na ang 100%? Parang ayoko nang umulit? HAHAHAHA. Kudos Kayla! Pwede kang maging susunod na presidente. 🙂

    Liked by 3 people

  4. Laarni Dolor
    October 22, 2015

    Mukhang nasa 30% na ako. Kelangan na ng mabusising pag-iingat. Haha.

    Liked by 2 people

  5. clauie belle
    October 22, 2015

    May 100% na ulet ako. Narestore. 😉

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: