Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Tula: Ang Pag-aasawa

Pag-aasawa

Salitang kinatatakutan,
Palaisipan kailanman.
May dalang kalungkutan,
Batid ng karamihan.

Ano ang pag-aasawa?
Ito ay pag-ibig ng dalawa.
Dalawang taong pinag-isa,
Ng Dios na tunay na nag-iisa.

Komplikado sabi sa bibliya,
Kung pinili mong mag-asawa.
Ngunit ‘di alam ng karamihan,
Ito ri’y may dalang kasiyahan.

Pinaghalong lungkot at ligaya,
Ang s’yang tunay na madarama.
Kung sakaling ikaw ma’y mag-asawa,
Alalahanin mong ‘di ka nag-iisa.

Nariyan ang Dios upang magsalba,
Sa oras na dalamhati’y matamasa.
Ngiting labis ang tamis,
Paniguradong ‘di mo matitiis.

Kung ika’y naguguluhan,
Kung pag-aasawa ay iyong patutunguhan.
‘Wag kang mag-alala kaibigan,
Sa Dios ika’y Kanyang gagabayan.

Tinawag ako upang makasama,
‘Di lang ang aking mahal sa pag-aasawa.
Dahil ito ay nagtitindig,
Ng walang iba kundi pag-ibig.

Pag-ibig na totoo,
Pag-ibig na wasto,
Pag-ibig na wagas,
Pag-ibig na mapagsakripisyo.

***

Ito ay isinulat ni Ate Tin (The Journeyman Moment) bilang guest blog. Grabe ang faith ni Ate Tin! Nasubaybayan ko din kasi ang ups and downs ng kanyang buhay pag-ibig dahil nababasa ko kasi sa blogs niya. Kung ikaw ay newly married gaya niya, basahin mo ang article niya na ito: How It Feels To Be A Rome.

Hindi ko forte ang gumawa ng tula. Hindi din kasi ako makata. Pero sa buong isang taon ng aking blogging journey, isa sa mga tulang aking nagawa ay ang “Ganito Pala ang Magmahal.” Alam kong curious ka kaya basahin mo na! Click the link.

Ang pag-ibig ay parang isang tula. Minsan may malayang taludturan. Minsan haiku (tunog hay naku!). Minsan hindi mo maintindihan. Minsan madaming rhymes. Minsan may maisulat lamang.

Ang isa pang tulang aking nagawa ay  “Gusto Kita Kasi…” Mababasa mo iyon sa aking libro (self-published) na LOVE is BLOG.

IMG_0008Tumatanggap pa ako ng order para sa 2nd printing. 200 pesos lang. I can’t guarantee that you will fall in love (or kiligin man lang) but I can guarantee that you will learn (one way or another). Order na! 🙂

“Ako ay nag-asawa dahil alam ko kasama ko Siya. :-)” – Tin Ginete-Rome

“Ako ay mag-aasawa sa tamang panahon. Huwag ngayon, may bagyo daw kasi. Hindi pa maganda ang panahon. :-)” – Doctor Eamer

“But those who marry will face many troubles in this life, and I want to spare you this.” – Apostle Paul

PS: Nagulat ka ba Ate Tin na inilagay ko sa blog ko agad ito? Gumana kasi bigla ang creative juices (thanks to Breville) ko kung paano ko mabubuo ang isang article para doon sa tula mo. Dapat ang post ko ngayon ay para sa Top 10 Emerging Influential Blogs pero hindi ko pa din kasi tapos. Cheers to a married life!

Want to receive notification through your emails?

happy anniversary

Check Doctor Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credit (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Lazada Philippines

Advertisements

2 comments on “Tula: Ang Pag-aasawa

  1. At oo nagulantang na lang ako na ito agad agad kong nakita sa newsfeed ko. hehe Ikaw na rin si Mr. Sorpresa. Maraming salamat din bro sa pagkakatong ito na makabahagi sa iyong napaka-espesyal na blog. 😉

    Cheers to more fruitful blogging years ahead bro! Sainyo na power couple. 😀

    *Hindi ako nakakalimot, aantabayanan ko iyan.

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      October 3, 2015

      Salamat din sa pagpapaunlak sa aking guest blogging! Yup abangan mo na lang ate ang “power couple” sa Tamang Panahon.hehe

      Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: